Chapter 02: Ashe Caitlyn

15.2K 295 0
                                    

Cassiopeia's P.O.V

"Blair! Nandyan daw yung anak ng may ari ng university na ito, itigil mo muna yan" saad ng isang lalaki kay Blair.

Si Blair White, ang babaeng nagpapahirap sa akin dito sa school yung nangaasar sa akin ng tanda? Siya yun. Kasalukuyan niya kasi akong tinatapunan ng orange juice sa ulo dahil naiinis daw siya sa itsura ko.

Ano bang masama sa itsura ko?

"Ano naman ngayon? Dadaan ba yun dito?" Tanong ni blair

"Hindi ko----"

"What the hell are you doing?" Narinig kong sigaw ng isang babae, hinila niya ang bote na hawak ni blair at tinulak niya ito

"Aww! Do you know who i am?" Palaban na tanong ni blair

"I don't care bitch! Alis! Ang sakit mo sa mata!" Sigaw ng babae, tumayo naman ito at tinignan ang babae mula ulo hanggan paa tsaka tumalikod narinig ko naman na nagsalita yung lalaking lumapit kanina

"Ayun yung anak ng may-ari neto"

"What?" Ayun ang huli kong narinig kay blair, nakalayo na kasi sila. Tumayo naman ako at kumuha ng panyo tsaka nagpunas sa ulo

"Ang lagkit ko na" saad ko habang pinupunasan ang ulo ko, natakpan na nga nang buhok ang mukha ko eh.

"Hoy ikaw! Bakit hinahayaan mo na ganunin ka nang mga yun?" Tanong ng babaeng nag-awat kaila Blair.

Inalis ko ang harang na buhok sa aking mukha at nakita ko ang isang babaeng napaka ganda.

"Ah, lalo lang naman kasing lalala kung papatulan ko sila" hinila niya ako at dinala sa tabi ng principal's office.

May nakasulat doon na 'Private Room'

Sinalubong ako ng isang couch, Flat screen TV, coffee table, stante, at marami pa. Parang isang bahay

"Umupo ka diyan" saad ng babae. Umupo ako sa isang couch at pumasok siya sa isang kwarto

Paglabas niya may hawak na siya na isang malinis na uniform

"Maligo ka doon at magpalit" tinulak niya ako papasok ng CR kaya naligo na ako at naglinis ng katawan at buhok tsaka nagpalit ng damit.

Kasiyang kasiya lang sa akin yung damit, sakto lang.

Paglabas ko nakita kong nakaupo siya habang umiinom ng tea.

Umupo ako sa harap niya. "Salamat" saad ko

"Naawa lang ako sayo, anong pangalan mo?" Tanong niya

"Cassiopeia Alcedera, Ikaw?"

"Ako? Ako ang anak ng may ari ng university na ito. I'm Ashe Caitlyn Crestfall-Wyatt" w-what?!

"K-kilala mo ba si N-nyx K-kindred----"

"Nyx kindred Crestfall-Wyatt? Kuya ko yun. Twin brother ko" saad niya

Twin brother?! K-kaharap k-ko ang kapatid niya?

"Bakit?" Tanong niya

"Ah, wala. Salamat ulit sige papasok na ako sa next subject ko" tumayo ako at lalabas sana

"Oopppps! Pagkatapos kitang iligtas sa nangaapi sayo aalis ka lang?" Napatigil ako sa paglakad at humarap sa babae

"Papasok pa ako eh" tumayo siya at lumapit sa akin

"Huwag ka nang pumasok, samahan moko mag-shopping!" Saad niya

Bumuntong hininga ako at tumango, sayang naman tuition na binayad ni Nyx dito.

"Good!" Kinuha niya ang pouch niya at lumabas kami ng kwarto at hinila niya ako papuntang parking lot

May naghihintay naman doon na isang magandang kotse, at may dalawang lalaki na sa tingin ko ay body guard at isang babaeng katulong ay isang lalaki pa.

"Miss Ashe" yumuko sila at pinagbuksan si Ms
Ashe at pumasok naman siya at hinila ako.

Pumasok yung lalaking nagbukas nang pinto ng kotse at pumunta sa driver's seat

Nagdrive na yung driver at lumabas kami ng campus.

"W-wait yung dalawa pang lalaki?" Tanong ko.

"Bodyguards ko yun"

"Oo nga? Maglalakad lang sila?" Tanong ko

"Huh? Hindi ayan sila oh! Convoy, hindi sila pwede dito no. Edi nagsiksikan na? Gosh" saad ni Ms. Ashe

Sorry naman.

"Sorry Ms. Ashe"

"Call me ashe"

"Okay" nang makarating kami sa mall dinala niya kaagad ako sa mga boutiques binilhan niya din ako ng mga dresses na binili niya pati sandals

"A-ang dami mo namang binili para sayo"

"Madami ba yan?" Tanong niya

"Oo, hindi mo naman siguro araw aras susuotin yan isa isa?"

"Ganun nga, isang beses lang ako magsuot ng damit no! Pagkatapos tapon agad, Dibale nalang kung may sentimental value yung damit kay di ko maitapon"

"W-what? Nagtatapon ka ng mga damit tapos isang suotan palang? Sayang naman" nagkibit balikat lang siya at nagikot pa kami at pagkatapos nagulat ako ng dalhin niya ako sa isang fast food

"Kumakain ka dito?" Diko makapaniwalang tanong

"Oo naman, paborito nga namin dito eh. Upo ka na ako nalang oorder" saad niya

Akalain mo yun? Sa yaman niya kumakain pala siya sa ganito?

Mga ilang minuto dumating nadin siya at nagumpisa na kaming kumain, madaldal siya pero minsan may pag ka-prangka siya at mayabang.

May ma-ipagmamayabang naman kasi siya

Pagkatapos kumain nag ikot pa kami at hinatid niya na ako sa condo, nagpasalamat naman ako at ganun din siya sa akin

Pag akyat ko sa unit, binuksan ko ang bag ko at tinignan ang cellphone ko

20 Missed calls, 15 Unread messages

Binuksan ko ang mga texts at nakita ko na puro kay nyx pala iyon.

"How's your day?"

"It's lunch time"

"Busy?"

"Hey"

"Cassiopeia"

"Where are you?"

"Answer my calls"

"WHERE ARE YOU?!"

"Answer me"

"Are you okay?"

"Are you kidnapped?!"

"Hey"

"Reply please"

"Call me back"

"Cassiopeia, are you okay?"

Hala, lagot nakalimutan kong magpaalam sa kaniya!

Owned By The Baddest Bidder Where stories live. Discover now