Chapter 25: Startled

7.4K 133 4
                                    

Cassiopeia Alcedera's POV

Naka blindfold ako ngayon at may gapos ang kamay ko, pinalitan din nila ako ng damit at inayusan.

Pero nasa loob ako ng cage ngayon, nakita ko bago nila ako sinuotan ng blindfold.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin

Narinig ko na may bumukas na pinto at lumamig ang paligid.

"Let's get out of here" Narinig kong usapan ng mga tao sa paligid ko

narinig kong muli ang pagbukas at sara ng pinto at parang wala na ata akong kasama dito

Hinampas ko ang cage sa gilid ko baka sakaling mabuksan kahit na alam kong imposible

Umupo ako sa sahig at umiyak. Ito lang naman kaya kong gawin ang umiyak

"WELCOME LADIES AND GENTLEMEN, we will now begin our annual auction. For tonight we have a very special event, but i'll save the details later. Let us all begin!"

Auction??

Nanaman??

Tahimik lang ako na pinapakinggan ang mga nangyayari

Madaming inauction katulad ng isla sa guna yala.

Pablo piccaso 1955 "Les Femmes d'Alger" painting na umabot ng $179,365,000

Romanée Conti wine na umabot ng $1,609,776

at madami pang iba, hindi ko na pinakinggan yung iba dahil puro lang ako iyak.

"and for our main event" Naramdaman ko na may lumapit sa cage at hinila ako

May nakita akong liwanag na tumatagos sa itim na tela na nakatakip sa mata ko.

Ang maingay na crowd ay biglang tumahimik.

"Cassiopeia Alcedera" Tumayo ang balahibo ko ng marinig ko ang pangalan ko

"Bidding will start at $ 500,000"

Agad agad na nagtuluan ang luha ko ng marinig ko na may nagsisigawan at nagbibigay ng kanilang presyo.

"Mr. Prince would like to say something" narinig kong bulong ng isang lalaki sa host sa tabi ko

Nakapiring pa din ako pero naririnig ko naman ang mga nasa paligid ko

"Consider her sold, she already stole
something from me" malamig na boses ng isang lalaki na nagmumula sa mic ang boses.

"Mr Prince" host.

Narinig ko ang mga yabag na papunta sa direksyon ko, parang marami sila.

"She already stole something from me, so she's not for sale. She needs
to repay that" tumahimik ang paligid sa tinuran ng mr prince na tinutukoy nila

anong ninakaw ko sakaniya?

nawala ang nakakasilaw na ilaw at naramdaman ko ang pagkalag ng blindfold at tali sa akin.

Unti unti kong inadjust ang paningin ko at ang sumalubong sa akin ay isang lalaking naka tuxedo

Inangat ko ang paningin ko at agad nagtubig ang mata ko sa nakita ko

Madilim ang paligid at tanging mumunting ilaw lang sa stage ang nagbibigay liwanag sa amin

pero kahit na ganun kilala ng puso ko ang taong nasa harapan ko

"Prince"

"Long time no see, my princess"

Agad akong lumapit sakaniya at niyakap siya ng mahigpit

Wala akong salitang mailabas, at ang tangi ko lang gustong gawin ay ang yakapin siya

"I'm sorry princess, sorry kung ngayon lang ako nakabalik"

"Prince just don't talk, I want to savour this moment at baka magising nalang ako na hindi pala to totoo, baka - baka nananaginip lang pala ako, baka nagiimagine lang ako..." humahagulgol kong saad

Tinaas niya ang mukha ko at tinitigan ako sa mata

"Hindi 'to panaginip." Inangkin niya ang labi ko at niyakap ako ng sobrang higpit

Tinugon ko ang kaniyang mga halik at yumakap din ng mahigpit sakaniya

Ayokong matapos to, ayokong mawala siya

kung sakaling nababaliw na ako at naghahallucinate, okay lang

Makasama ko lang siya

kumalas ako sa halik at tumingin sa paligid, nandito parin ang mga tao at lahat sila may suot na mask kaya di kita ang mukha pero tahimik ang lahat

"Princess, I'm sorry kung natagalan. Kinailangan ko pa kasing magpagaling at kailangan kong siguraduhin ang kaligtasan mo kaya di ako bumalik hanggat di ko nahuhuli ang mag ina, last last month lang sila nahuli dahil nagtago. At ngayon na okay na ang lahat tsaka ako bumalik. Everything is under my plan. Ang pagpunta mo dito, ang pagdukot sayo lahat lahat. I want to re-enact the first time that we met, ang unang kita ko sayo na agad nahulog ang loob ko and this time hindi lang ikaw ang kukunin ko pati ang sagot mo" Lumuhod siya sa harapan ko at may nilabas na kulay pulang kahon

"Cassiopeia, my princess, my burp queen .... will you marry me?"

"YES!!!" Sinuot niya ang singsing at agad akong niyakap

"Sorry kung natakot ka sa ginawa kong pagdukot sayo at sorry kung natagalan ako. I love you so much"

"Mahal na mahal din kita nyx"

Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid namin at may nagpasabog pa ng confetti.

Bumukas ang ilaw at nakita ko na nagtanggal na sila ng maskara at puro pala kakilala ko ang mga nandito.

Family side ni Nyx, si mama, mga katrabaho ko, at mga kaklase ko may mga iba naman din na mukhang mga katrabaho ni nyx

"Ang dami kong gustong itanong at sabihin sayo nyx pero siguro ngayon gusto ko munang namnamin ang moment na ito, dahil sa wakas. Nandito ka na"

"I'm more than happy to answer all of your questions princess"

"May I present, Mr Nyx Wyatt and Soon to be Mrs Cassiopeia Wyatt" Saad ng host at muli silang nagpalakpakan

Akala ko di ko na siya makikita, akala ko mag isa na lang akong tatakbo sa buhay, akala ko hanggang doon nalang kwento namin.

Hindi pala, kapag inilaan talaga ng may kapal sayo ang isang tao kahit na anong pagsubok ang dumating kung kayo - kayo talaga

Walang kahit sino, walang kahit na ano ang kayang humadlang sa inyo kapag kayo ang para sa isa't isa.

I'm so happy, thanful and startled.

Owned By The Baddest Bidder Where stories live. Discover now