Chapter 23: New Beginning

5.9K 123 3
                                    

CASSIOPEIA ALCEDERA's POV

After 3 years.

I'm now a biological technician. Hindi man natupad yung pangarap kong pagdodoktor okay lang, masaya naman ako sa tinahak kong career

Hindi ako nagdoktor dahil di ko kaya or di ko afford medical school at wala na din namang rason kasi magaling na si mama.

Mahirap sa umpisa, bumangon, pero tinulungan ako ni mama.

nagpadischarge siya sa hospital ng malaman niya ang nangyari at tinulungan akong makabangon muli.

Yung sa school, bayad na pala ni nyx yun hanggang pag graduate ko. At yung condo naka under talaga sa pangalan ko

At may iniwan din palang malaking pera si nyx sa account.

Nalaman ko lahat yun nung pumunta ang lawyer ni nyx at pinaliwanag lahat ng iyon.

Sobrang hirap na kailangan ko pa palang mabuhay na wala siya, ang hirap na kailangan ko harapin ang kinabukasan na wala siya

Hindi ko alam kung anong nangyari sa pamilya ni mirana pero di ko na inisip yon.

Ang gusto ko makapagtapos para hindi naman masayang lahat ng iniwan ni Nyx para sa akin.

"Anak kain na"

"Maya na ma, may pupuntahan lang po ako. Mauna ka na po" Lumapit ako kay mama at humalik sakaniyang pisngi at bumaba na ako

Sumakay ako sa sasakyan na bigay ni nyx, marunong na kasi ako magdrive.

Tinahak ko naman ang daan sa sementeryo at bumili ng bulaklak

Isang stem lang ng white rose.

Tumayo ako sa harap ng malaking puno at nilapag ang hawak kong rose

Hindi sinabi sa akin ng mga wyatt ang nangyari kay nyx, kaya gumawa nalang ako ng sarili kong pwedeng pagdalawan kay nyx.

"Hi Nyx, Tatlong taon na akong nabubuhay na wala ka, sana masaya ka kung na saan ka man ngayon. Nakatanggap pala ako ng balita na pupunta kami sa California para sa isang conference may mga kasama akong katrabaho ko din at isang linggo daw yon. So baka mga isang linggo akong hindi makakadalaw sayo, sorry pero babawi ako pag uwi ko. I love you prince"

Sumakay na akong muli sa sasakyan at umuwi sa amin.

----

"Aaah! Sa wakas nakahiga din, paano ba naman 12 hours non stop yung biyahe natin!" Reklamo ni Charlee

"Lee, hindi mo ba naiisip? 12 hours lang! HELLO SAN FRANCISCO CALIFORNIA!" Halakhak naman ni Gila.

Napangiti ako sa mga pinaguusapan nila at pinagpatuloy ang pag ayos ng gamit ko.

dalawa silang representative ng company para dito sa conference na ito.

Ako naman naisabit lang, I work under Miss Gila and Lee mga medical scientist sila

30's na yang mga yan pero masaya naman kasama

Dito sa kwarto namin, may dalawang queen size bed at isang sofa bed na nakalagay

Napagpasiyahan naman nila na ako daw sa isang bed, si Lee sa isang bed din at sa sofa bed naman si Gila

Siya mismo nag suggest kasi ayaw daw niya ng masyadong malaking kama feeling daw niya mahuhulog siya (weird)

"So cassi, kamusta ang cali?" tanong ni Lee (charlee)

"Malamig hehe" komento ko

"Bukas pa yung conference, pwede tayo gumala! Buti nalang nagbigay ng pocket money ang rogers! hehe" Gila

"Oo nga, saan kaya pwedeng pumunta? Makapag search nga" Lee

"Hindi ba kayo pagod sa biyahe?" tanong ko

"Pagod, pero hello minsan lang tayo mapadpad ng california dapat lubusin na" Lee

"Golden gate bridge, is a must! kelangan natin puntahan yon" Gila

"Oo, eto may nakita na ako sa isang site Fisherman's Wharf is one of San Francisco's most popular tourist areas. (omg! eto popular daw) If this is your first visit to the city and you only have a day or two to see the sights, Fisherman's Wharf is one of the best places to visit. This old section, once the Little Italy of San Francisco, is known for its shops, restaurants, and beautiful setting along the waterfront. It's a fun place to stroll around and get a taste for the city. From here, you can also take a sightseeing cruise for spectacular views of the city, or organize a fishing charter. Oh diba! Bongga! Punta tayo dito, tsaka chinatown! malalapit lang sila sa atin!" Tumayo na sila at nag ayos ako naman nahiga lang sa kama

Hindi ako sasama pagod ako masyado sa biyahe.

"Oh ano cassi tara na?" Yaya sa akin ni Gila

"Pagod ako gila, di ko kaya. Kayo nalang enjoy ha?"

"Hay nako, Bahala ka iinggitin ka namin sa dami ng pics. Babalik din kami kaagad" Lee

"Hehe sige ingat"

Lumabas na sila ng kwarto at ako naman nag tungo sa CR para makapag freshen up at pagkatapos natulog na ako.

Pag gising ko alas sais na, alas tres kami dumating dito ng hapon at tatlong oras na pala akong tulog.

Sakto pag tayo ko may kumatok.

"Room service for food" Lumapit ako sa pinto at binuksan ito

Pinasok naman niya yung cart at nilapag sa mesa namin ang pagkain at lumabas din agad

"Thank you" pahabol ko bago siya tuluyang makalayo

Nasa Hotel Fairmont SF California kami, dito kami tumuloy kasi dito din gaganapin yung conference for five days.

Ang ganda sobra nung hotel, nung nasa tapat nga kami kanina natulala kami sa sobrang ganda.

Kinain ko na yung pagkain ko at yung sa dalawa iniwan ko lang sa mesa.

Naligo ako at nag ayos at nagpasiyang mag libot libot sa hotel.

Palabas palang ako ng kwarto ng bigla akong napabalik

Baka maligaw ako, wag nalang.

Bumalik ako sa kama at nagbukas ng laptop

Nagsend ako ng message kay mama through messenger, tinuruan ko na kasi siya kung paano mag chat chat haha

Mama: "Mabuti naman at okay na kayo, kumain ka na ba? 9 am ng umaga dito anak"

Me: "Opo kumain na ako, ikaw po ba?"

Mama: "Oo naman, huwag mo akong alalahanin. Ingat ka diyan ah?"

Me: "Opo mama, mag ingat ka din po diyan at huwag ka magpapapasok ng kung sino sino"

Mama: "Aba't ginawa pa akong bata, Opo lola Cassiopeia *haha emoji*"

Me: "Mama naman ih! Basta ingat ka diyan palagi, at kumain palagi. Pag uwi ko papasyal tayo"

Mama: "Opo lola cassiopeia"

Me: "I love you ma"

Mama: "I love you too anak"

Binuksan ko ang email ko at nagsend na pala yung sa conference.

Nang schedule namin for five days.

So bukas, 9 am to 5pm kami.

Wow, mukhang batakan ng ingles bukas at dapat naka recharge ako dahil hindi lang ata ilong ko dudugo bukas pati utak.

Owned By The Baddest Bidder Where stories live. Discover now