Chapter 10: Jose

7.9K 150 0
                                    

Joseph's P.O.V

"Hoy, Jose! Ilang buwan ka ng hindi nagbabayad ng upa mo. Baka gusto mong sa kalsada tumira?!" Umagang umaga bunganga ni Beth ang naririnig ko

Tumayo ako at nagsuot ng t-shirt.

"Beth! Maghintay ka lang pwede? Eh ako na nga lang nagtitiis dito sa paupahan mong bulok eh!"

"Aba't! Salamat ka din pinagpapasensyahan kita kung hindi sa kalsada ka na nakatira. Ano? Iniwan ka na kasi ng asawa't anak-anakan mo? Kaya wala ng nagtutustos sayo?!"

"Manahimik ka!"

Umupo ako sa matigas na sofa dito sa bahay at nagsindi ng yosi.

Si Cassi, naibenta ko sa malaking halaga kaso naubos agad dahil sa bisyo ko.

pero ang kinagulat ko, isang araw wala na dito ang asawa ko?!

lintek na! kung kailangan lumuwas ako ng maynila mahanap lang siya gagawin ko.

Baka si cassi ang kumuha sa kaniya, at baka maayos na buhay nila! Hindi naman ako papayag na sila maganda buhay, samantalang ako namamatay na dito.

Alam ko hindi ako matitiis ng asawa ko, kahit ayaw ng anak niya.

Tumayo ako at pumasok sa kwarto at nagimpake ng gamit at kinuha ko ang natitira kong pera, agad naman akong naligo at nagbihis tsaka lumabas at kinandado ang bahay

"Oh ano lalayas ka na?" Tanong ni beth

"Maghahanap ako ng pera! Babalik din ako maghintay ka lang, pagbalik ko babayaran ko lahat ng utang ko sayo"

"Nako siguraduhin mo lang jose!"

Hindi ko na pinansin ang matandang hukluban na iyon at agad sumakay ng tricycle

"sa terminal ng bus nga!"

"Pareng Jose, saan ba punta mo?" Tanong ni Lito yung tricycle driver

"Maynila"

"Aba, mukhang nakakaramdam ako ng pera ah? Huwag mo akong kalimutan pare kapag nagka-pera at yumaman ka ah?"

"Oo hahaha"

Ng dumating sa terminal agad akong bumaba at dumiretso sa bilihan ng ticket

"Hoy bayad mo!" sigaw ni lito

"Bayaran ko pagbalik ko"

"Lintek na!" sigaw nito at humarurot

"Maynila" Saad ko

"340 pesos po sir" Inabot ko ang bayad at kinuha ang ticket at tsaka ako umakyat ng bus.

Hintayin niyo ako, papunta na akong maynila.
--------
CASSIOPEIA'S P.O.V

"Take care okay?" Nyx said and he kiss my forehead

"Okay bye" ngumiti lang siya at pumasok sa kotse tsaka umalis, may flight pa siya papuntang washington another auction

Pumasok ako sa campus at dumiretso sa library may isang assignment pa akong hindi nagagawa dahil wala akong reference book, huhu

May two hours pa ako bago ang first subject ko, umupo ako sa gilid at nagumpisang gumawa.

After one hour natapos nadin ako kaya, nilagay ko sa bag ang notebook ko tsaka lumabas ng library, it's been a week nung nag date kami ni Nyx kwinento ko nga kay mirana at aba't kilig na kilig ang loka HAHA

After ng date na yun mas lalong naging sweet sa akin si Nyx. Ilang linggo nalang din mula ngayon birthday ko na, buti nalang natapat ng sabado ang birthday ko

Owned By The Baddest Bidder Where stories live. Discover now