Chapter 19: Childhood Neighbor

5.3K 112 4
                                    

CASSIOPEIA ALCEDERA's P.O.V

Napag-desisyunan ni Nyx na doon na daw siya titira sa condo, para daw mabantayan ako.

Nagalit siya nung nalaman niyang may nakasama akong lalaki sa iisang kwarto kahit ospital naman yun.

Pero kahit galit siya syempre nanguna parin ang pag-aalala niya.

Tinanong niya ako kung bakit daw ba kasi ako naglakad pauwi at bakit daw ba kasi ako naubusan ng pera.

Syempre nagsinungaling ako - sabi ko nanakawan ako syempre ayokong malaman niya yung tungkol kay papa.

"Princess" Nabalik ako sa reyalidad ng tawagin ako ni Nyx.

"Bakit?"

"Nagii-space out ka, may ibibigay ako sayo" May kinuha si nyx sa bulsa niya na isang maliit na box

nandito kami sa office niya, sinama niya ako dahil baka kung mapaano nanaman daw ako.

"Ano yan?" i ask, at kinuha ko sa kamay niya ang box

"Open it" Unti unti kong binuksan ang box at nagulat ako sa laman.

"N-nyx"

"You cannot say no, princess"

"Pero---"

Hinila niya ako at niyakap.

"Walang wala yang mga materyal na yan sa sayang idinulot mo sa buhay ko, and i want you to be safe always kaya ko binili yan" kumalas ako sa yakap at tumingin sakaniya

"pero ayoko naman sabihin nilang gold digger ako"

"Hayaan mo nga sila, alam mo naman sa sarili mo ang totoo diba?"

"Thank you nyx, pero di ako marunong mag drive"  I said and smile awkwardly

"Don't worry tuturuan kita or if you want kukuhaan nalang kita ng driver"

"huwag na grabe, turuan mo nalang ako. Salamat talaga dito" Tinaas ko yung binigay niya at tinignan

Susi ng kotse.

Grabe ang dami na talagang naibigay ni nyx sa akin na alam ko sa sarili kong hindi ko kayang tapatan.

"Always welcome, I love you"

"I love you too"

Unti unting lumapit ang mukha ni Nyx at dahan dahan ko namang pinikit ang aking mata

"Mr. Ceo?!" nakarinig kami ng katok at biglang pagbukas ng pinto

"Damn it!!" Saad ni Nyx.

"Sorry poooo! pero nasa office po kasi si Chairman hinahanap ka sorry" Napayuko ako sa sobrang hiya dahil naabutan nanaman niya kami na maghahalikan

"Okay" Lumayo si Nyx sa akin at inayos ang suit niya

"I'll be back" he said at hinalikan ako sa noo

Tumango ako bilang sagot at umupo sa swivel chair niya

Nakita ko naman na nakatitig sa akin yung babae.

"Po?" i ask

"ay wala ma'am, girlfriend po kayo ni Mr. Ceo?" Tanong niya

"Opo"

"Ah, ako naman po kababata niya at officemate. Ako nga po pala si Rome Ainah or Ainah for short" lumapit siya sa akin at kinamayan ako

"Ako si Cassi"

"Ang ganda mo ma'am kaya siguro nainlove si Nyx ---  i mean si Mr. Ceo sayo"

"Ay hehe hindi naman"

Owned By The Baddest Bidder Where stories live. Discover now