Chapter 05: Mirana

11.4K 200 4
                                    

CASSIOPEIA'S P.O.V

"Let's go?" Binuksan ni Nyx ang kotse niya at pumasok ako sa loob.

Makikipag meet kasi kami ngayon sa family niya. Ngayon na ako magpepretend na girlfriend niya.

Pero iniisip ko ganun ba talaga mga mayayaman gagastos ng milyon milyon para lang may mag panggap na girlfriend nila?

Pwedeng pwede naman siya manghila ng babae dyan eh, yung maganda at mayaman din.

For sure walang tatanggi sakaniya kasi gwapo, mayaman at mabait siya.

Wait, Kailangan ko pa ba magprentend? gusto ko naman na siya eh? Kaso siya gusto niya ba ako?

Kinakabahan ako, Paano kung hindi nila ako matanggap? Paano kung masama ugali ng mga magulang niya?

Nakakakaba talaga, parang gusto ko na mag-back out

Hinawakan ni Nyx ang kamay ko. Naramdaman niya siguro ang nerbyos ko

"Mabait sila, you don't need to worry" he said.

Tumango lang ako pero kinakabahan padin ako, hindi ko nga alam kung ilan silang magkakapatid eh, kung ilang taon na ang mga magulang niya, ano bang itsura nito

Inshort wala pa halos akong alam tungkol sakaniya

"A-anong sasabihin natin sa parents mo jung tanungin nila kung saan tayo nagkita? Ganun?" Tanong ko

"I'll handle it. You just need to agree okay?" Tumango akong muli at hinayaan nalang siya. Pumasok kami sa isang village na nagngangalang 'Shyvana Temple' napakaraming malalaking bahay

May nakita pa ako na may lumabas galing sa bahay na isang sobrang sikat na artista, at sa kabila politician naman ang lumabas galing doon

Wow napakaganda naman tumira dito.

Huminto kami sa isang napakalaking bahay-- ay mansion pala.

Kusa namang bumukas ang malaking gate kaya pumasok kami dito, wow ang ganda. Ipinark ni Nyx ang kotse niya at lumabas kami

Hunawak ako sa balikat niya pero kinuha niya ang kamay ko at sinaklop ng kamay niya.

"Relax" he said and smile. Okay kalma na ako ngayon

pumasok kami sa napakalaking mansion at binati naman siya ng mga katulong

"Nasaan sila mommy at daddy?" Tanong ni Nyx

"Nasa living room po Sir" dinala ako ni Nyx sa may living room nila at doon may nakita akong dalawang lalaki at dalawang babae, isa na doon si Ashe, at sa tabi nila isang babaeng medyo may edad pero maganda at lalaking medyo may edad pero ubod ng pogi!

"Mom" tumingin sa amin ang magandang babae

"Nyx!" Lumapit ito sa amin, humalik naman si Nyx sa pisngi niya.

"OMG? CASSIOPEIA?" Gulat na tanong ni Ashe

Ngumiti lang ako nang alanganin.

"Hi, ganda! Ikaw ba girlfriend ng anak ko?" Tanong ng mama ni Nyx

"O-opo Ma'am"

"Naku! Call me Tita Lissandra, at siya naman ang asawa ko si Coby. Tito Coby"

"Hello po, Tito coby" ngumiti lang siya at tumango, naku! Parang alam ko na kung saan nagmana si Nyx ah?p

"Have a seat ganda, yaya pakuha ng merienda para sa girlfriend ng pogi kong anak" saad ni Tita lissandra, hindi ko ineexpect na ganito siya kaligalig at napakabait

Owned By The Baddest Bidder Where stories live. Discover now