Chapter 21: Knight in Shining Armor

5.2K 116 2
                                    

Nasa loob kami ng isang warehouse na hindi ko alam kung malayo na ba sa mismong bayan or hindi.

at mukhang madilim na din at kanina pa ako sumisilip pero hindi ko maaninag yung mag-ina

Nakatali ako sa isang bakal both hands and feet

Naka hand cuffs kaya mahirap alisin

"Parating na yung anak ni Crestfall" nagulat ako ng pumasok si Mirana

Mukhang hindi na siya under sa hypnosis ng nanay niya pero hindi niya ako tinitignan

"Mirana" bulong ko

"Mirana" Hindi niya ako pinapansin at may kinuha siyang baril sa bag na nakalagay sa dulong bahagi ng kwarto

"Shut up" bulong niya ng hindi nakatingin sa akin

"Help me, alam ko naman kahit papaano naging kaibigan mo din ako diba? Please help me" Tumingin siya sa akin na nakakunot noo

"After naming makuha ang boyfriend, titignan ko kung matutulungan kita"

"No please, huwag niyong saktan si Nyx"

"Then wala na akong magagawa, kailangan ko mapaghiganti si daddy. Namatay siya dahil sa crestfall" Tumayo siya at lumabas ng kwarto

"No, Mirana please"

Ano bang ginawa ng crestfall at kailangan mangyari 'to?

"PRINCESS!!!" Napaigtad ako ng marinig ko ang sigaw ni Nyx

"NYX!!" Pumasok sa kwarto si Mirana at sinara ang pinto

Inamba niya ang baril niya sa may pinto, at mukhang babarilin niya kapag pumasok si nyx

"Where are you?!" sigaw ni nyx

pero hindi na ako sumagot, ayokong matunton niya ako, baka mamatay siya

"PRINCESS?!" Tumingin sa akin si Mirana at inamba ang baril at pinaputukan ako sa gilid

"AAAAHHHHHH" Sigaw ko.

Narinig ko ang mabibigat na yabag papalapit sa kwarto

"Princess are you there?!"

"NO NYX HUWAG KANG PAPASOK!"

Unti unting bumukas ang pinto at niluwa non si Nyx.

"NYX NO!!!!"

Agad pinaputukan ni Mirana si Nyx at tinamaan ito sa likod

"NYX!"

Humarap si Nyx kay mirana at pinapatukan niya din sa kamay sanhi ng pagbitaw ni Mirana sa baril

Napasigaw sa sakit si mirana at napaupo sa sahig

lumapit sa akin si Nyx at niyakap ako

"I'm glad you're safe"

"Nyx kailangan na natin makaalis dito, at madala ka sa hospital" umiiyak na sagot ko

Pinaghalo halo na ang pawis at luha ko.

Ngumiti siya sa akin na parang sinasabing okay lang siya.

"Not so fast pretty boy" pumasok si Tita Val mula sa pinto at nagpaputok ng dalawa beses, na nasalo lahat ni Nyx.

Napaubo si nyx at naglabas ng dugo.

Tumingin sa akin si Nyx at tsaka siya nagcollapse.

"Buti naman at nakabawi na ako sa crestfall, hindi man sa mismong nanay niya atleast nawalan sila ng isang anak" Tita Val said and laugh.

Nyx no! Iyak lang ako ng iyak habang nakatingin sa katawan ni nyx na nasa harapan ko

Lumapit sa akin si Tita Val habang tumatawa

"Ang tanga ng prinsepe mo no? pumunta dito ng walang back up, ano ba tingin niya sa sarili niya? Superman?" Tumingin ako kay tita val at walang ibang emosyong makikita sakaniya kundi saya

"Bakit?" humahagulgol kong tanong.

"To make the long story short, bumagsak ang kumpanya namin dahil kay lissandra, at nagpakamatay ang tatay ni mirana dahil don. Kaya pinaghiganti ko siya, quits na kami" Tinapat sa akin ni Tita Val ang baril at ang huling natandaan ko nalang ay ang tawa niya

"Goodbye"

---------
"HINDI KO YAN KAILANGAN! SI NYX NA SAAN SIYA?!" Sigaw ko sa mga nurse

Dalawang linggo na ako sa hospital at wala silang nabanggit sa akin about kay Nyx

Lagi nilang sinasabi na ako lang daw ang mag isang pasyente ang dinala sa opsital

Hindi rin nila ako dinidischarge kasi meron daw akong trauma at baka ano din daw gawin ko sa sarili lalo na't may sugat ako galing sa tama ng baril

Walang dumadalaw sa akin mula sa pamilya ni Nyx kaya hindi ko alam kung anong nangyayari

Nung tinanong ko sila kung sino nagdala sa akin sa hospital ang sabi nila isang lalaki daw pero umalis agad

Ano bang nangyayari? Si Nyx na saan?

"Ma'am kailangan niyo po ito para lumakas kayo at makainom ng gamot" pagmamakaawa ng nurse

Tinabig ko ang hawak nilang tray at humiga

"Lumayas kayo sa harap ko" Nakarinig ako ng yabag at pagsara ng pinto

Tsaka muling tumulo ang mga luha ko, hindi ko alam kung anong nangyayari sa paligid ko

Nyx please kung nasaan ka man sana ligtas ka.

Mahal na mahal kita, di ko kayang may mangyari sayong masama

Balikan mo ko please

GABI na ng magising ako, nakatulog ako kakaiyak. Tahimik ang paligid kaya dahan dahan akong tumayo at tinanggal ang dextrose ko

Kailangan kong makaalis dito.

Dahan dahan akong lumabas ng kwarto ng makita kong busy ang mga nurse sa cellphone nila.

Dumaan ako sa emergency exit kaya sa likod ako ng hospital nakalabas

Naglakad ako kahit nakapaa hanggang makarating ako sa mismong daan ng sasakyan

Mukhang malapit na hospital lang pala ito mula sa condo.

This past few days parang yung takot ko sa hospital nawala na

Naglakad lang ako ng naglakad papuntang condo kumikirot yung tahi ko pero di ko na pinansin

Ilang minutong lakad pa at pakiramdam ko hihimatayin na ako, nasusuka ako at feeling ko umiikot paligid ko

Pero malapit na ako sa condo.

Pagapak ko sa tapat ng condo ay napatumba na ako, nilapitan ako ng guard

"Miss Cassi?" Tawag sa akin ng guard

"Cassi" May lumapit na lalaki at sa tingin ko si Liam yon.

"Nagdudugo sugat mo" Liam

"Wag....... Hospital" Ayan lang huli kong sinabi at hinamatay na ako

Owned By The Baddest Bidder حيث تعيش القصص. اكتشف الآن