Chapter 24: Trapped

6.2K 106 1
                                    

CASSIOPEIA ALCEDERA's POV

Nandito kami sa kwarto ngayon at natapos na ang pang fifth day conference namin

Gumagawa kami ng report ngayon na isesend sa office.

Okay naman yung limang araw naming conference madami kaming natutunan at madami ding mga nag raise ng questions na nasagot naman

Sobrang lawak talaga ng field na ito, masaya ako na - nasabit ako sa conference na ito

dahil nadagdagan kaalaman ko at nadagdagan yung pwede kong ilagay sa cv ko hahahaha

Pagkatapos ko magsend ng email ay tumayo ako sa higaan at nagsuot ng maayos na damit para lumabas sa room, yung dalawa kong kasama tulog na.

Paglabas ko ng kwarto ay naglakad lakad lang ako hanggang sa makarating ako sa labas ng hotel

at bakit ganito? sobrang pabaya naman nila sa security.

Wala man lang katao-tao at wala man lang mga bantay dito.

Kahit sa reception walang tao.

Weird, end of the world na ba at naiwan kami?

Naglakad lakad pa ako hanggang sa may humintong kotse sa harap ko na kulay itim

Nilagpasan ko yung kotse pero bigla itong bumukas at nilapitan ako ng mga lalaking naka tuxedo at sombrero

Akmang tatakbo ako ng nahawakan ako ng nasa likod ko at nilagyan ng tela sa ulo

"SINO KAYO? WHO ARE YOU? WHAT DO YOU WANT FROM ME?! I DON'T HAVE MONEY PLEASE SPARE ME!"

Hindi nila ako pinakinggan at nilagyan nila ng busal ang bibig ko

Naramdaman kong tinulak nila ako sa loob ng kotse at tinalian ang kamay

"Let's go, and take this girl to the black market"

BLACK MARKET?!

nagsisisigaw ako kahit di masyadong intindi at rinig ang boses ko dahil sa busal. Ano ibebenta nanaman ba ako?!

Ayoko na!

Paano kung ang makakuha sa akin baliw na manyak?!

Tulungan niyo po ako please

Nyx, tulungan mo ako.

"Hmm, look at those skin so flawless, she doesn't look like asian for me"

"Yeah, she's so beautiful and sexy and looks like western"

Hindi po ako western!! PLEASE LANG

"Alam mo miss hindi naman talaga ikaw dapat ang kukunin namin kaso nakita mo kami baka magsumbong ka eh, ikaw nalang kinuha namin para ibenta. Maganda ka naman at sexy" saad ng isa sa kidnapper

may pinoy?!

Tahimik nalang ako na napaiyak sa gilid, kung alam ko lang na mangyayari 'to hindi na sana ako lumabas ng kwarto or hindi nalang sana ako sumama dito

Nyx tulungan mo ako, please

Ilang sandali pa ay huminto na ang sasakyan at pinatay na ang makina.

may humila sa akin at pinalabas ako ng sasakyan.

Nagsasalita sila at parang may kinakausap

Pero di ko na inintindi kelangan bago kami makapasok sa kung saan man nila ako dadalhin eh makatakas na ako

pero paano?

Narinig ko na may binuksan silang pinto na parang gawa sa bakal, rehas ba yon?

Bago pa nila ako mahila tinapakan ko ang paa ng may hawak sa akin at tumakbo sa pinanggalingan namin

"STOP!" sigaw nila

at sa sobrang bilis ng takbo ko at wala akong makita naramdaman ko nalang bumagsak na ako dahil tumama ako sa isang bakal or semento di ko alam kung poste or pader yon.

-------

Nagising ako na may nararamadamang malambot, wala na ang piring ko at tali

Inilibot ko ang paningin ko at walang bintana sa paligi, Isang bakal na pinto at kama lang ang nandito

Napaupo at hinawakan ang noo ko at mukhang may sugat

Inikot ko ang kwarto at pinukpok ang pader at baka may pwedeng daanan pero wala, sementado lahat

Tumingin ako sa butas ng pinto at ang nakikita ko lang ay yung mga katulad ko lang ding pinto at may naglalakad na lalaking may dalang baril mukhang mga bantay

Siguro human trafficking tong ginagawa nila.

"PALABASIN NIYO KO DITO!" sigaw ko

"GET ME OUT OF HERE!!!"

may lumapit na sa akin at tinuktok ang pinto kaya napaatras ako

"What do you want from me?" tanong ko

"We just work here" he replied at umalis, hindi siya mukhang amerikano parang ibang lahi

Umupo ako sa kama at umiyak ng tahimik.

Hindi ko naman to deserve eh, bakit?

Bakit lagi nalang nangyayari sa akin to. Wala naman akong inaagrabyadong tao

Wala naman akong ginagawan ng masama?

Hindi na ba matatapos ang problema ko?

Napatigil ako sa pag iyak ng narinig kong sinususian nila ang pinto ko

Pinunasan ko ang luha ko at nakita kong may pumasok na babae at yung lalaking may baril kanina

Yung babae may tulak na cart ng pagkain

"Kain ka na hija" filipina siya?

"Ate tulungan mo ako makalabas" pagmamakaawa ko sakaniya

"Pasensya ka na hija, baka may mangyari sa pamilya ko kung tutulungan kita" nakita ko naman ang awa sakaniyang mukha kaya napaiyak akong muli dahil ang akala kong pag asang makalaya nawala

Nilapitan niya ako pinakain. Tinali kasi ng lalaki ang kamay ko

Pagkatapos niya akong pakainin at painumin, pinalabas niya yung lalaki dahil lilinisan niya daw ako

Nilabas niya ang plangganita niya na may lamang warm water at bimpo, tinanggal na ang tali ng kamay ko

"Hija pasensya ka na talaga pero di ko talaga pwedeng gawin gusto mo" tahimik lang akong tumango habang pinupunasan niya ang halos hubad kong katawan

Pinalitan niya ang damit ko ng puting dress at tinalian niya din ang buhok ko

"Pasensya na talaga hija" lumabas siya ng kwarto at ako naman naiwan sa loob na tahimik lang.

Humiga ako at tumingin sa kisame.

Mama, pasensya na at ang anak mo nadawit nanaman sa gulo pero siguro this time - iba na magiging kapalaran ko hindi naman si nyx makakuha sa akin eh so hindi ko alam kung anong pwede nilang gawin sa akin

Nyx, kung na saan ka man patawad dahil naging pabaya ako at hinayaan kong makidnap ako nabalewala yung sakripisyo mo sa akin. Sana bantayan mo ako

Sana hindi nila ako patayin, or sana hindi ako makarating sa matandang baliw na manyak.

Nakakaiyak lang isipin na pati kapwa ko pinoy nagagawa ang ganitong bagay, dahil ba sa hirap ng buhay? or dahil sa malaki na ang kita nila dito at di na nila kayang bitawan?

Sana bago sila mahuli makapag bagong buhay na sila lalo na yung nanay kanina, mukha siyang mabait pero no choice sa trabaho niya

Sana makaligtas kaming lahat na nandito.

Owned By The Baddest Bidder Kde žijí příběhy. Začni objevovat