Chapter 17: Home

5.2K 108 5
                                    

NYX KINDRED WYATT's P.O.V

Ilang araw na din ang nakalipas mula nung pinakilala ni Dad sa akin si Rome Ainah or Ainah as what she wants me to call her.

Pero hindi ko naman inaasahan na lagi kaming magkikita kasi pinasok pala siya ni Dad sa company

After all chairman si dad at ako CEO lang. Under niya pa din ako

Lagi kaming nagkikita kasi ginawa din siyang CMO ni Dad at ang mga CMO ay directly sa CEO nagrereport kaya no choice

Sobrang ingay at daldal pa naman niya, kaya kahit nakakairita hindi ko naman mapaalis

"MR. CEOOOOO!!" Tumakbo papalapit sa akin ang isang babaeng medium length ang buhok na medyo petite at laging naka skirt at blouse

"what is it rome?" i ask, habang papasok sa elevator

"Can you please stop calling me rome? Call me Ainah!" Hindi ko pinansin ang pangungulit niya about her name at nagpatuloy sa loob. Kinuha ko ang phone ko at nagtype ng message for cassi

"So ayun na nga! Dumalaw ako sa isang site natin and patapos na sila and as the marketing head, nilibre ko ng lunch yung engineers"

"Kasama ba yon sa job mo?" I ask

"Nope, pero gusto ko lang iappreciate yung galing nila"

Hindi ko na siya pinansin at lumabas pagkabukas ng elevator

"Good afternoon CEO, may bisita po kayo" bungad sa akin ng secretary ko

"Sino?" Galing kasi ako sa isang meeting with Mr. Guzman isang high paying client kaya ako ang gustong makausap. Nakapag-close naman kami ng deal kaya hindi nasayang ang punta ko

"Bawal daw sabihin, sir" pumasok ako sa loob ng office at nagulat ako ng makitang patay ang ilaw

Walang liwanag dahil natatakpan ng makakapal na kurtina ang bintana

kakapain ko na sana ang switch ng may humalik sa akin

"I miss you" kahit madilim, kahit nakapatay ilaw, kahit di ko siya makita. Kabisadong kabisado ko na ang labing ito at ang boses na ito

"I miss you too, princess"

tumugon ako sakaniyang halik at niyakap siya.

"AY BAKIT ANG DILIM??!" napakalas kaming dalawa ng bumukas ang ilaw

"What the heck are you doing here?! GET OUT!" I scream at the top of my lungs!

"S-sorry, akala ko kasi ano eh —" pagdadahilan ni Rome

"I SAID GET OUT!!!"

"Prince, tama na yan. Sorry Miss" my princess said

"Sorry din" malungkot na sagot ni rome at lumabas

"Hindi mo naman siya kailangan sigawan" pagsasaway sa akin ni Cassi

"But she interrupted us"

"Kahit pa"

"Okay, I'm sorry"

"Ako ba sinigawan mo?"

"no"

"edi wag ka sa akin mag sorry"

"Fine, wait for me here" lumabas ako ng office at naabutan ko siya na nakaupo sa upuan.

"Rome" lumingon siya sa akin at malungkot na ngumiti

"Sir?"

"I'm sorry"

"Okay lang po, pasensya na din"

"Nagsorry ako kasi i don't want my princess to get mad" i said at tumalikod

"mahal na mahal mo po siya no?"

"Of course, i'm madly in love with her"

CASSIOPEIA ALCEDERA's POV
after ng nakakahiyang scene sa opisina ni nyx ay napagpasiyahan niyang lumabas, mamamasyal daw kami

"Ay prince, sino pala yung babae yun?" tanong ko habang nasa sasakyan kami

"That's our new CMO" sagot niya sa akin

"I see, grabe sobrang busy mo ngayong week no?"

"Yeah, ikaw din eh. How's your school?"

"Okay naman, wala na ding mga bully"

"How about "your friend" mirana?"

"What about her?"

"Nilalapitan mo pa din ba?"

"Ah --- no" pagsisinungaling ko. Ayoko na kasing lumaki ang usapan hindi naman kasi talaga masama or bad influence si mirana

"Good, we're here"

Bumaba si nyx at pinagbuksan ako ng kotse.

Isa siyang bahay na elegante pero yung design parang lumang bahay parang mga kapanahunan ng kastila ganun

"Ano to?" tanong ko

"Restaurant yan, ang cool diba?" pumasok kami sa loob at may sumalubong sa amin

"Table for two, sir?"

"Yes"

Inassist kami at dinala sa isang table, pag upo namin tumingin na kaagad si nyx sa menu. Ako naman nilibot ko ang mata ko

Sa gitna ng malaking hall na ito may lalaking nagpapiano sa gitna.

"Anong order mo princess?" tanong niya

Binuksan ko ang menu at nagulat ako na lahat ng pagkain ay libo ang presyo

"Grabe mag fast food nalang tayo?"

"Why?"

"Ang mamahal eh"

"Don't worry, worth it naman ang prices nila sa lasa ng foods"

"Hay bahala ka"

Umorder ako ng isang steak at soup at ganun din kay nyx

"I miss you so much princess" he said.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod nito

"Ako din naman namiss kita"

"Sorry kung lagi akong busy kasi may linauch kami na bagong product at inoobserbahan kasi namin yung magiging outcome sa tao, kung okay ba sakanila or hindi"

"Okay lang, busy din naman ako sa school kasi magtatapos na ang first sem"

"Kapag lumuwag yung schedule ko, I promise i'll make it up to you"

"Okay, aasahan ko yan"

Maya maya lang ay dumating na ang pagkain at nagumpisa na kaming kumain totoo nga na sobrang sarap ng pagkain sobrang tender nung steak at malasa, tapos yung soup sobrang sarap at yung tugtog nakakawala ng stress

Pagkatapos namin kumain dinala ako ni Nyx sa isang sea side manuod ng paglubog ng araw.

"Thank you princess, kasi dinalaw mo ako at kahit sandali nilayo mo ako sa busy world. You're my home, sayo lang ako nakakapagpahinga thank you princess"

Nakaupo kami ngayon sa seaside. Tumingin ako sakaniya at ngumiti

"Always welcome prince. I love you"

"I love you more"

"Sana lagi nalang ganito"

"Sana nga"

Niyakap ako ni nyx at hinalikan ang tuktok ng ulo ko

at kasabay ng paglubog ng araw ay ang paglubog ng mga problema namin kasi kahit ilang oras na pagsasama namin gumaan ang pakiramdam ko

Nawala stress sa school, at kay papa.
-------------
A/N: Sorry for the late and short update.

Owned By The Baddest Bidder Where stories live. Discover now