Chapter 22: Where are you?

5.5K 112 6
                                    

CASSIOPEIA ALCEDERA POV

Nagising ako sa loob ng condo ko, bago na din ang bandage ng sugat ko at nakabihis na ako ng komportableng damit.

Dahan dahan akong tumayo at lumabas ng kwarto

Nagtungo ako sa kusina at nakita kong may lugaw sa mesa at may note

Cassi, dinala kita sa unit mo nung mahimatay ka pinayagan naman ako dahil nakita ka nila kasama ko yung guard at yung isang nurse ng condo. Yung nurse nagpalit ng damit mo at nag palit ng bandage mo, pinagluto na din kita ng lugaw. Hindi ko alam kung anong nangyari sayo pero huwag ka muna magkikikilos, take care of yourself
- Liam

Kinain ko yung lugaw na hinanda ni Liam at naligo na din ako. Pinalitan ko ulit yung bandage dahil may iniwan yung nurse sa kwarto na pamalit

Nagsuot lang ako ng dress at kinuha ang bag ko.

Pupuntahan ko yung bahay ng magulang ni Nyx.

Bumaba ako at nagtawag ng taxi

"Shyvana Temple po"

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa tapat ng shyvana temple.

Nagbayad na ako at bumaba

Habang hindi nakatingin yung guard ay sumalisi ako ng pasok at naglakad patungo sa bahay nila

Hindi ko kasi dala access card na binigay ni Nyx

Sakto naman at bukas yung gate dahil nagtapon ng basura yung katulong

"Ate ate!" Tumingin sa akin yung katulong

"Yes po? Miss Cassi?"

"Si nyx po?" tanong ko

Lumungkot naman yung mukha ng katulong at bumuntong hininga

"Wala na po yung buong pamilya nila, nasa ibang bansa mukhang doon po ata nila ipapaano yung katawan ni sir"

Nanlamig ako sa narinig ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig

Patay na si nyx?

Hindi ko man lang alam?

Tumalikod ako kay ate at naglakad kahit tinatawag niya ako

Nalilito na ang utak ko at hindi ko na alam ang dapat gawin

parang magsha-shut down na yung utak at puso ko.

Tuloy tuloy lang ang daloy ng luha ko. Habang naglalakad

Paglabas ko ng shyvana temple pumara ako ng taxi pabalik ng condo

Para akong robot

Si nyx, wala na?

Ganun ganun nalang? Noong nakaraan masaya pa kami ah?

Bakit ngayon wala na?

Ano to? Panandaliang saya?

"I'm--- Cassiopeia" Pakilala ko sa isang estrangherong nasa harap ko

"I'm nyx, and You are mine"

*

"Aalis ako bukas hindi kita mahahatid at masusundo, ang balik ko sa wednesday pa. Don't do any reckless things, don't make any decision without my opinion" Paalala sa akin ni nyx na tila ba ako'y isang bata

*

"Binubully ka sa school because of your age? Sino yun?" Tanong ni nyx

"W-wala yun, masyado pa yung bata para patulan"

Owned By The Baddest Bidder Where stories live. Discover now