Chapter 2 Anonymous guy

7.8K 255 40
                                    

┍━━━━━━━☆━━━━━━━┑
PRINCESS's POV
┕━━━━━━━⋯━━━━━━━┙

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang pagtawag saakin ni uncle, niyuyugyog niya rin ang balikat ko kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng inis. Ayaw ko sa lahat ay nadidisturbo ang tulog ko.

"Baba na, sweetie. Nandito na tayo." Nakangiting sabi ni uncle kaya napairap ako sa isip ko.

"Stop imitating dad." I told him in tsk tone bago bumaba.

"Sorry to disappoint you little devil but your dad told me to call you sweetie." Nakangising sabi ni uncle sakin pero hindi ko na siya pinansin ulit, masasayang lang ang laway ko.

"Anyways, this is my house at dito ka mag e-stay. Ang daddy mo may gusto nun kaya hindi ka pwedeng magreklamo sa'kin, siya nalang ang kausapin mo." He said but I just ignored him for the nth time.

I don't want to waste a words for nonsense talk.

Pagkapasok namin sa loob ay binabati kami ng bawat katulong na nakakasalubong namin. Itinuro ni uncle saakin ang magiging kwarto ko kaya agad akong dumiretso dun, inaya niya rin akong kumain muna pero tumanggi ako. Hindi pa ako gutom at mas gusto kong matulog muna, nakakapagod naman kasi bumyahe ng halos 24 hours.

┍━━━━━━━☆━━━━━━━┑
DIANE'S POV
┕━━━━━━━⋯━━━━━━━┙

Hi everyone, my name is Princess Diane Adams, the daughter of Mr. Arthur Adams, one of the richest business man around the world. Hindi ko na siguro kailangan isa isahin pa ang mga business ni dad diba? Common sense nalang pairalin niyo.

"Guys! Dumating na daw pinsan ko, gusto niyo ma meet?" Sabi ko sa mga kasama ko na may kanya kanyang ginagawa.

Panandalian silang tumigil bago tumingin saakin, except for King of course na kanina pa tulog sa sofa.

"Pinsan mo? Babae ba?" Tanong ni Mark, the one and only playboy in our group. Walang ibang inisip kundi ang lumandi.

"Oo, babae."

"Maganda ba?" Sabat naman ni Drake, the gamer in our group. He loves his gadgets more than anyone.

"Natural, walang panget sa lahi namin." Sagot ko bago siya inirapan.

Hindi ko pa man nakikita ang pinsan ko pero alam kong maganda siya, humanda talaga siya saakin kung panget siya dahil gagawin ko siyang alalay.

"Talaga? Mahilig rin ba siya sa fish ball?" Sabat ni Blake, the foodie and childish in our group.

"Eww as if. Laking ibang bansa 'yon kaya natural na walang ganung yuck na pagkain sa kanila." Nandidiri kong sabi sakanya.

"Ay sayang, masarap pa naman yung fish ball." Tugon niya kaya inirapan ko siya.

Hindi ko talaga alam kung anong meron dun sa pagkain na 'yon at paboritong paborito niya 'yon. So eww.

"Hope we can be friends, pakilala mo 'ko ha?" Victoria said. She was known as kind and innocent but believe me, she's a bitch.

"Sure. So ano? Punta kayo sa bahay? Mukhang may pa welcome party si daddy."

"Sure! Gusto ko 'yan!" Excited na sabi ni Mark, sumang ayon naman si Blake, Drake at Victoria. Napatingin naman kami lahat kay Kyle na nagbabasa lang ng libro.

"Okay, I'm coming." Aniya na hindi man lang tumingin sa amin. Walang pinagbago, mas gusto niyang magbasa kaysa makipag usap.

"So, we're settled. Tanging si King nalang ang kulang." Sabi ko kaya napatingin kami kay King na masyadong masarap ang tulog.

Hutchison's Heiress (TMSP)Where stories live. Discover now