Chapter 47 : What's With Zayn?

224 7 43
                                    


*unedited*

Izza's --

"Hoy!! Ano ba yang ginagawa mo?!" Sigaw ko kay Apple

"Eh, eto ung napanood ko sa Cooking Show eh!" Sabat niya

"Ano ba! Dapat lagyan mo muna ng toyo!"

"Nalagyan ko na kaya ano ba! Kanina pa kaya! Tska sobrang marinated na to. Di mo naman nakita eh!!"

"Eh nandun ako sa loob ng kwarto! Inaayos ung iba nating gamit na hindi pa ayos!!"

"Buti hindi nagising si Zayn don?!"

"Magigising ba un?! Eh tinitiklop ko lang naman mga damit. Magigising agad sa sound na ganun?!"

"Luh, Ba! Malay ko ba! Sorry ah!!"

"Si Niall?!"

"Oh ano?! Aagawin mo?!"

"AGAW AGAD?! Hindi porket natapos na Legal Wife ako na papalit kay Nicole ah!!"

"Sinabi ko ba?! Guilty to!!"

"Eh ano nga?! Hahahaha!"

"Anong ano?!"

"Nasan?!"

"Ayun, Tulog rin. Hahahahaha"

"Bakit?! May ginawa ba kayo kagabi kaya napagod un at tulog pa?!"

"Ano nanamang iniisip mo. Tigilan mo ko nga dyan. Baka gusto mo buhasan kita ng Kumukulong mantika!!"

"Heh! Pero lagyan mo na talaga ng toyo eh. Ang putla putla."

"Ano ba!! Kanina ko pa nga nilagyan ng toyo yan. Ang itim na itim na nga ng karne sa toyo eh!!"

"Ang asim niyan, kase halata ung suka!"

"Ano ba?! Toyo ka ng toyo eh. Ikaw kaya ilagay ko dito para tumahimik ka?!"

"Eh kase kulang pa sa toyo eh"

"Puro ka toyo! Sabihan mo lang kung gusto niyong magka UTI ni Zayn. Magbubuhos akong isang galon na Datu Puti na toyo dito"

"Hahahahaha. Sorry na!!"

"Tska, Anoba!! Bukas naman ikaw magluluto diba. Bayaaan!!" Reklamo ni Apple

"Oo na. Sorry na po.Sorry na po Ma'am" Sagot ko habang natatawa

Ganyan kami mag away ni Apple. Hahaha. Minsan talaga pinag aawayan namin ang isang bagay na wala naman talagang silbi or wala namang kahit halaga. Eh ngayon pa? Ngayon pang magkasama na kami ngayon sa iisang unit. Buti na nga lang hindi naiingayan samin sina Zayn at Niall eh. Si Zayn, oo minsan naasar sakin kadada ko. Pero si Niall tinatawanan lang si Apple tapos inaasar pa ng sobra.

Sa ngayon, Okay naman kami dito. Hahaha. Sa ngayon. Sympre kase, wala si Francine. Parang hindi buo ang barkada. Para bang may kulang. Nakakamiss rin pala ung babaitang yun. Hindi ko talagang inaakalang mamimiss ko siya. Pero actually namiss ko naman siya eh. Eh nuba! Labo ko no? Hahahaha.

"Ate Klang, Lagay ko na ba to?" Turo ni Apple sa sa Oyster sauce

"Go" Sabe ko habang umupo sa may sofa tapos nilagay ung paa ko sa taas ng lamesa. Aba Matinde? Hahaha petiks mode on. Kapagod rin kayang magtiklop ng damit.

Maya-maya pa. Biglang lumabas si Niall sa kwarto nila ni Apple. Jusmiyo ere, kagulo ng buhok ng batang ito. Kala mo nakipag-away sa isang batalyong sundalo noong dating panahon. Tumingin sakin si Niall tapos ngumiti at sinabing "Hey? Goodmorning"

"Goodmorning tooo youu idy" Tawa ko, Sympre may mga code terms na kami dito sa bahay. Para pagdating nina Harry tska Francine OP sila. hahahaha. Dejk. Well, Idy means Idiot

Concert Queen 2 : Sequel to Concert QueenOù les histoires vivent. Découvrez maintenant