Chapter 1

15.7K 292 11
                                    

Chapter 1

Substitute

Nandito ako ngayon sa aking kwarto. Ganto naman palagi ano pa bang bago? Hindi tayo pwedeng mamuhay kagaya na lamang ng ibang normal na tao. Nanonood lang ako ng isang nakaka hopeless romantic na love story sa T.V nang bigla naman akong nakarinig nang pag-aaway sa baba.

"Ma! Hindi ko naman kilala yung papakasal niyo sakin, ni pangalan nga hindi ko alam diba? Tanging isang picture lang!" Sigaw ni ate Angela.

"But we need this. We definitely need this! Dito nakasalalay ang kumpanyang pinaghirapan namin ng daddy niyo!" Sigaw pabalik ni mama.

"Mom, may iba akong mahal. You are okay with him, dad is okay with him. Now what? Ipapakasal niyo ako sa taong hindi ko man lang kilala?" Bigong tanong ni ate Angela.

"Angela, listen to us okay? This is for the sake of everybody." Mahinahon na boses ang narinig ko kay mama.

"No. It's all for your sake! Not mine. You know what mom? I am so disappointed with you and dad! I thought you are different to my friends parents but you are all the same!! For business? For money you are willing to sell your own daughter?!" Sigaw ni ate Angela.

Bahagya naman natahimik sa baba.

"Really mom? Yo-you just slapped me." Hindi makapaniwalang tanong ni ate Angela.

Sunod ko naman narinig ang pagtakbo ni ate Angela sa hagdan, siguro ay papunta na sa kwarto niya para magkulong. Nagkibit balikat nalang muna ako. Sa tingin ko kailangan ko munang palamigin ang ulo ng kapatid ko bago ko siya kausapin.

Hannggang sa naghapunan na at bumaba na ako para kumain. Nandoon naman si mommy at daddy naghihintay siguro samin. Pilit naman ang ngiti na iginawad sakin ni mommy. I kiss her on the cheeks and same with my dad. Umupo naman ako sa upuan ko at walang maingay sa tabi ko. Tahimik naman kaming kumain, siguro ay pinabigyan nalang ni mommy si ate ng pagkain sa mga kasambahay. Hanggang sa natapos ang hapunan ng walang nagsalita.

Tahimik naman akong umakyat sa taas at naisipan na bisitahin si ate. Nandon padin ang pagkain na nasa tray sa labas ng kwarto niya, hindi niya ito kinuha. Kinuha ko naman iyon at kumatok sa pintuan ng kwarto niya.

"Ate?" I knock. I left a heavy sigh nang hindi man lang ito sumagot at tanging hikbi lang ang naririnig ko. "Ate, maghapunan ka muna." I said pero wala paring reply galing sakanya. Matigas pa naman ang ulo ni ate kaya binitawan ko sa tapat ng pintuan ang tray "Ate, I just left the food here okay? You can knock on my door if you need something. I'm always here."

Pumunta na ako sa kwarto ko para makapagpahinga and to drink some medicine. Nagmuni-muni lang naman ako habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko, paano kaya mamuhay kagaya ng isang normal na tao? Hindi ko namalayan ang pagtulog ko.

Nagising naman ako dahil nauuhaw ako. Tiningnan ko naman ang orasan sa bed side table ko at 3 o'clock na ng madaling araw. Bumangon naman ako sa kama ko at sinuot ang tsinelas ko. Inayos ko naman ang buhok kong mahaba at bahagyang naghikab. Binuksan ko na ang pintuan ng may nasipa akong kung anong bagay. Tumingin ako sa baba ng isa itong sobre. Binuksan ko naman ito at ito ay sulat.

Angel,

         I'm sorry for doing this but I think this is just the right thing. Sorry kung hindi ako nakapagpaalam ng maayos. Promise I will be safe. Ayaw ko lang talaga sa desisyon ni mommy and did you believe na bukas na kaagad ang kasal? I'm so sorry you know how much I love John right? But this is not mean na I don't love our parents, i'm just choosing what makes me happy for the mean time. I'm so sorry. Tell mom and dad I'm sorry, I love them so much but I can't understand them now. I love you, twin!

The Bride [Suarez Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon