Chapter 3

8.6K 225 15
                                    

Chapter 3

Tita

Gumising naman ako ng maaga. Ilang segundo at nag sink in ulit sa utak ko na kasal na ako. Na wala ako sa kwarto ko.

Inilibot ko naman ang mata ko at nakita ko si Aiden na nag-aayos ng pagkain sa lamesa. Tumayo na ako para makapag hilamos.

Pagkatapos kong maghilamos ay dumeretso na ako sa lamesa. Nahiya naman ako dahil ako dapat ang gumagawa noon at hindi siya.

"Good morning." Bati nito sakin.

"Good morning din." Wika ko. "Ako na diyan." Sabay kuha ng tinapay at lalagyan ng palaman.

"Wala kabang lakad ngayon?" I ask. Tumingin naman siya sakin.

"Wala. Yung plano, ililipat ang gamit mo sa penthouse ko." He said. Namilog naman ang mata ko sa sinabi niya.

"Hindi paba nasabi sayo ng parents mo?" He ask. Umiling naman ako.

Naisip ko lang na wala nang makakasama sina mommy at daddy sa bahay kung pati ako aalis doon.

"Hindi kaba sanay na hindi mo kasama ang parents mo?" He ask again. Ngumuso lang naman ako.

"Ah, ayoko lang iwanan sina mommy at daddy sa bahay. Sila nalang nandoon." I said.

"Dapat nakapaghanda na sila, only child kalang diba?" Nagulat naman ako sa tanong niya. Oo nga pala, hindi ako kilala. Pero ang pangalan ko ang alam nila na pangalan ni Ate.

"Hmm. Ayokong malungkot sila eh." I said.

"Kaya ba pumayag ka na magpakasal tayo? Kahit na hindi mo man lang ako kilala?" Nagulat naman ako sa biglaang tanong niya.

"Bakit ikaw? Bat hindi ka umangal ng malaman mo?" Balik na tanong ko sakanya. Pareho naman kaming umupo sa upuan para makakain.

"Kung anong gusto ni mama at makakapagpasaya sakanya. Gagawin ko." He said. Bigla naman ako na-touch sa sinabi niya. So he is a mama's boy huh?

"Mama's boy ka pala." I said.

"Ikaw?" He asked then he paused. "Ah oo nga pala, pabagsak na ang kumpanya niyo." Bahagya naman akong na-offend sa sinabi niya.

"Kaka graduate mo lang diba?" Tumango naman ako. Hindi na iyon pagsisinungaling dahil naka graduate naman ako, home school nga lang. Pareho kami ni ate ng course.

Nag-usap naman kami. Parang getting to know each other. Nalaman ko na 3 years ang gap namin sa isa't-isa. At siya na ang uma-handle sa kumpanya nila dahil hindi naman mahilig sa business ang ate niya.

"May ate ka pala?" I ask. Tumango naman ito.

"Wala lang siya kahapon dahil busy siya." He said, well hindi naman kailangan na nandoon siya besides it's all for the business lang naman.

Pagkatapos namin kumain. Mag che-check out na kami sa hotel para maglipat na ako ng gamit.

Nang nasa hallway na kami papunta sa elevator kaagad naman niyang pinatong ang jacket niya sakin.

"Naka fitted na shirt ka lang na lalabas?" Tanong niya sakin. Sinuot ko naman ang jacket niya.

"Ah. Nakalimutan ko." Tanging sagot ko nalang.

Nang makababa na kami sa lobby kaagad naman kaming sinalubong ng crew at binigay ang susi ng sasakyan niya. Lumabas na kami at tumambad sakin ang sasakyan niyang kulay itim. Pinagbuksan naman niya ako ng pintuan at pumasok na doon. Umikot naman siya tiyaka pumasok na din sa sasakyan.

In-start na niya ito at wala naman akong imik. Tumunog ang cellphone niya, napatingin naman ako dito. Isang unknown number ang nagcacall kaagad naman niya itong sinagot at naka loud speaker.

The Bride [Suarez Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon