Chapter 28

5.9K 143 20
                                    

Chapter 28

Explanation

Lumipas ang isang linggo pagkatapos ng check up ko. Wala akong pinagsabihan. I trust Doc also that she won't tell anyone. I am determine to give birth to my child. Sa isang linggo naman iyon, lagi lang ako sa bahay lumalabas lang kapag niyaya ako ni Ate kung minsan ay sinasamahan niya ako sa bahay magdamag.

Naglalakad-lakad naman ako sa mini garden ni mommy dito sa likod ng mansion. Mas nakakabuti daw kung maglalakad-lakad t'wing umaga para sa mga buntis kaya naman ginawa ko. Nasa kusina si ate at nagpapaturo na magluto sa kasambahay namin. Ipagluluto ata si Kuya John.

Sa susunod na buwan narin ang kasal nina ate, ako parin naman ang ginawa niyang maid of honor, aside from iyon ang talagang plano namin ever since, nagkalabuan nadin sila ni Bea because of her post. Sinabi naman ni ate na nag-usap sila ni Bea kaso may attitude naman itong si Bea at siya ang nagsabi kay Arah tungkol sa aming dalawa ni ate.

Habang naglalakad-lakad ako ay dinidiligan ko ang mga bulaklak na pinapatubo ni mommy. Wala siya sa bahay ngayon dahil kailangan siya sa kumpanya. Si ate ay tumutulong din naman sa kumpanya. As usual, ako ang walang naitutulong. May alam naman ako kahit papano lalo na naging secretary din ako ang kaso bawal talaga sakin ang madaming iniisip at pagod.

Pagkatapos kong mag-dilig. Umiinit na kaya naisipan kong pumasok sa loob. Nakita ko na masaya si ate dahil tapos na ang niluluto niya. Binuksan ko ang ref at kumuha ng tubig.

"Aba. Pursigidong pursigido ha?" Asar ko kay ate tiyaka uminom ng tubig. Ngumiti sakin si ate.

"Syempre." Ngisi niya. "Umupo na ang buntis at nang makakain na." Sabi naman niya.

Nilagay ko na sa lababo ang baso tiyaka umupo na. Sinerve ni ate ang sinigang na baboy na niluto niya. Binigyan kami ng plato ng kasambahay. Nilagyan ni ate ang plato ko ng kanin pati ulam na niluto niya.

"Tikman mo. Masarap iyang luto ko." Pagmamalaki niya.

"Bilisan mong matuto ate para maturuhan mo din ako." Wika ko.

Tinikman ko ang sabaw pati nadin ang laman at hinaluan ko na ito ng kanin. Nakatutok sakin si Ate na tila nag-aabang.

"Huwag kang magsinungaling. Ayos ba?" Tanong niya. Ngumiti naman ako at nag thumbs up.

"Ayos para sa isang beginner. Masarap siya ate kaso medyo maasim keysa sa normal na asim." komento ko. Ganto naman kami palagi, sasabihin namin kung ano ang mali.

"Sige sa susunod babawasan ko ng asim. Paborito pa naman ni John iyan." Wika niya.

Nagkuwentuhan kami ni Ate habang kumakain.

"Ang hirap at nakakapagod palang mag-ayos sa kasal." wika niya.

"Pero worth it din naman." Nakangiting wika ko. "Seryoso naman sayo si kuya John at mahal na mahal kapa." Dagdag ko. Ngumiti naman siya.

"Excited na rin akong magka baby!" Nabulunan ako sa sinabi ni ate.

"Ate, kasal palang bago baby." Wika ko sakanya. Natawa naman siya.

"Kaya nga. Anong feeling ng buntis?" Tanong niya.

"Hmmm." Pag-iisip ko naman. "Doble ingat, basta doble lahat dahil hindi lang sarili mo ang inaalagaan mo." I said. "Pero masaya at lalong magiging masaya kung manganganak kana." I said.

"Akala mo naman nanganak na ito." Pang-aasar niya. "Pero sabagay, sabi din ni mommy. Sa tingin mo ba kambal pa ang magiging anak natin?" she ask. I shrug my shoulder.

"Ewan lang." Sagot ko. Umiling naman siya.

"Sa tingin ko, oo. Malakas kaya ang genes ng kambal sa atin. Tingnan mo nga si mama at yung kakambal niya. Kambal pareho ang anak nila." Wika ni ate. Tumango ako.

The Bride [Suarez Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon