Chapter 9

6.2K 170 12
                                    

Chapter 9

Favorites

Kasalukuyan kaming nagra-rush ni Cathy ngayon dahil may biglaang presentation mamaya itong si Cathy. 

"Ay bat ba kasi ngayon lang sinabi ni Sir?" Frustrated na tanong niya. 

Natataranta na siya kakatype ng report niya habang ako naman ay inaayos ang mga papel na kakailanganin niya at ang mga hard copy. Naiiyak naman si Cathy dahil dito, eto kasi ang big project para sakanya. 

Lumabas naman sa office niya si Kenneth at nagtuloy-tuloy sa lamesa namin. Nilapag naman niya ang isang folder sa lamesa ko. 

"You only have 2 hours Miss Sotto at hindi paba tapos iyan? Last week ko pa sinabi sayo iyan, right?" Masungit na wika ni Kenneth. Natataranta naman si Cathy. 

"Eh kasi po sir, hindi niyo naman po sinabi na ngayong araw ko po pala ipe-present." Cathy honestly said habang naka focus lang sa monitor niya at nagta-type. 

"You should be ready. Kaya nga last week ko siyang sinabi diba?" Tanong pa nito. 

"Kasi naman po sir, ang dami niyong pinapagawa sakin." Pinipigilan lang ni Cathy na umikot ang eyeball niya habang sinasabi niya ito. 

"So, nagrereklamo ka sa pinapagawa ko sayo?" Nakataas na kilay na tanong ni Kenneth. 

Nagpa "sorry" nalang si Cathy at pinagpatuloy ang pagtatype niya. In-arrange ko naman ang hard copy niya.

"Deliver the folder to Matteo, Angel." Napatalon naman ako sa gulat sa biglang pagbanggit ni Kenneth sa pangalan ko. 

Kinuha ko naman ang folder na binaba niya kanina para dalhin ko kay Aiden. Naglakad na ako papunta sa office ni Aiden and luckily nasa pantry ang feelingera niyang sekretarya. 

Tuloy-tuloy naman akong pumasok sa opisina niya. Pagbukas ko naman sa pinto ay nagulat ako sa nakita ko. Isang hindi pamilyar na babae ang nakaupo sa kandungan niya at naghahalikan ang mga ito. 

Napatigil naman sila nang nakita ako, saka biglaang tinulak ni Aiden ang babaeng nasa kandungan niya kanina. Sa sobrang gulat ko ay hindi ako nakakilos mula sa kinatatayuan ko. Umayos naman ng tayo ang babae at inayos ang damit at buhok niya. Tiyaka umiwas ng tingin sakin. Dumapo naman ang mata ko kay Aiden na hindi ko mapaliwanag ang ekspresyon sa mata niya, marahil ay nabigla. 

"What do you want?" Maarteng tanong ng babae sa gilid niya. 

"Ah. Pinapa-pinapa deliver lang ni Sir Kenneth ito." I said at mabilisan ko naman nilagay ang folder sa lamesa ni Aiden. 

Tumalikod na ako at nagmadaling umalis. Hindi ko na nilingon pa si Aiden kahit na tinawag niya ng tatlong beses ang pangalan ko. Pagkasara ko naman ng pintuan ay huminga ako ng malalim, mukhang nakalimutan kong huminga sa pangyayaring nakita ko. 

Bumalik naman ako sa cubicle ko at gulat padin sa nangyari. Nilingon naman ako ni Cathy at pinangnikitan ng mata. 

"Anong nangyari sayo? Bat kabado ka?" She ask. Umiling lang naman ako. "Teka, namumutla ka! Ayos ka lang ba talaga? Nasaan na yung gamot mo?" Nagpapanic na tanong nito. Umiling naman ako. 

"Ayos lang talaga ako." I assure her. 

"Hindi eh. Hindi. Namumutla ka! Look at yourself." May diin pa sa pananalita nito. 

"Nagulat lang ako." I said a matter of factly. 

"Saan? Hinatid mo lang naman ang folder ah?" She ask. Linapit ko naman ang upuan ko sa upuan niya at bumulong. 

Sinabi ko naman sakanya ang nakita ko. Natawa naman siya sakin. 

"Ganyan kaba ka-inosente? Nako, normal lang iyon no. Ilang empleyado na ang nakakita habang nasa ganong posisyon si Sir Matteo." Natatawang wika nito. 

The Bride [Suarez Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon