Chapter 15

6K 173 14
                                    

Chapter 15

Fell

Tahimik naman ako sa loob ng elevator dahil ako lang din naman mag-isa. Nang tumunog ito hudyat na nasa tamang palapag na ako, lumabas na ako. Nakita ko naman si Cathy na busy'ng katitigan ang monitor. 

Umupo naman ako sa swivel chair ko. Nakita ko naman ang malantang Cathy, hindi siya katulad nung Cathy na masigla.

"Good morning." Bati ko padin kahit alam ko naman na walang maganda sa morning. 

Ganito ba ang mag bestfriend? Sabay dinadatnan ng problema? 

"Morning." Tamad na bati niya. 

"What's wrong? Bakit hindi ka nagparamdam ng ilang araw sakin? At hindi ka man nagpaalam sa bar sakin huh?" Tuloy tuloy na tanong ko. Napahilamos naman siya sa palad niya. 

"Not now." Tipid na sagot niya. 

Tumahimik naman ako. What's wrong with her? Sana pala si Kenneth ang tinanong ko kahapon dahil sila ang huling magkasama. I think? Pinagpatuloy ko nalang ang trabaho ko. 

Umalis naman ng lunch si Cathy dahil may emergency daw sila sa bahay and nag absent siya ng afternoon. Nagtext lang siya sakin na emergency lang daw talaga ang nangyari sa bahay nila. Sinabi ko nalang kay Kenneth ito, buti nalang hindi siya nagalit. Tumango lang naman siya.

Mag-isa lang tuloy akong kumain kanina sa favorite spot namin at ngayon ako lang mag-isa. Nakapatay ang monitor ng katabi ko. Hays. Hindi ako sanay na walang Cathy na maingay at nagrereklamo sa tabi ko. I just let a heavy sigh, pinagpatuloy ko nalang ang trabaho ko. 

Napatingin naman ako sa opisina ni Aiden, nandiyan na kaya siya ngayon? Kumusta na kaya siya? Nawala naba ang mga pasa niya. Hays, sabi nila hinanap niya ako kahapon pero hindi naman siya umuwi. Akala ko mga babae lang ang magugulo, mas magulo pa pala ang mga lalaki. 

Nang matapos na ang trabaho ko. Bumaba naman ako sa lobby para doon mag-abang ng taxi at kung sinuswerte ka nga naman walang guard na available na magtawag ng taxi. Kaya naman ako na naghintay sa labas. May isang pamilyar na kotse naman ang tumigil sa harapan ko. Binuksan naman niya mula sa loob ang pintuan, pumasok na ako. 

"Kumusta ang araw mo?" Tanong naman nito. 

"Boring wala si Cathy eh. Si Cathy lang naman nagpapasigla ng araw ko." I said which is true that's why i'm thankful that Cathy became my bestfriend. 

Tumahimik naman siya. 

"Teka nga, Kasama ka ni Cathy nung birthday niya ah? Nagkaproblema ba?" Tanong ko kay Kenneth. 

"Ha? Wa-wala naman." Kinakabahan na sagot niya. Napakunot tuloy ang noo ko sa boses niya. "Nga pala, saan mo gustong kumain? Libre kita." Wika niya habang nakangiti. 

"Kahit saan." I said. 

"Okay we're going to Kahit Saan!" Napailing nalang ako sa corny niyang joke. 

"Anong exact address non? Sa Mars ba iyon?" He innocently ask. Halata naman na nagpapa-inosente siya. 

"Ewan ko." Tipid na sagot ko. Sumimangot naman siya. 

"Sige, libre nalang kita sa favorite cake shop ko." Nakangiting wika niya. 

Pumunta naman kami sa isang cake shop kung saan nagseserve din sila ng coffee or whatsoever na drinks. 

Nag order naman siya ng black forest na cake. Tinernuhan naman niya ito ng chocolate shake. Hindi naman mahilig sa sweets itong si Kenneth. 

"Alam mo mahilig ako sa sweets, kaya nga sweet ako." Natatawang wika niya. 

The Bride [Suarez Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon