Chapter 23

5.5K 143 6
                                    

Chapter 23

Vacation

Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang buwan nadin akong buntis. Kumakain kami ngayon ng hapunan ni Aiden. Isang buwan palang pero makikita mo na ang umbok sa tiyan ko. Kasama naman naming kumakain si Auntie Tess. 

"Hindi pa ako nakasama check up mo." Kanina kasi ang check up. Ayaw kong pasamahin si Aiden because of some reason. And I want to surprise him again for the gender. Pero ilang buwan pa bago mo malalaman ang gender ng baby. 

"Kaya ko naman." I assure him. Sumimangot naman siya. 

"Pero iba padin kapag nandoon ako." He said. Tumango naman ako. 

"Sige next time then." Pagsuko ko naman sakanya. 

"I take a leave for two weeks." Napatingin naman ako sakanya. "Coron, Palawan then?" He ask. 

Hindi ko pa pala nasasabi sakanya na nagbago ang isip ko. Ayaw ko ng pumunta sa Coron, Palawan. 

"How about Pampanga?" I ask. Nabigla naman siya. "Two weeks, how about let's take a vacation on Pampanga?" Of course aside from vacation, I want to be with Cathy. 

"Pampanga then." Lumawak naman ang ngiti ko sa sinabi niya. 

Excited naman akong makita ulit si Cathy. Nasabi na din niya sakin kung saan siya nagstay sa Pampanga and she said in Lubao. May nakita naman akong malapit na matutuluyan malapit sa bahay nila. 

Pagkatapos naman naming kumain ay dumretso na ako sa kwarto ko para mag-imapake ng damit na magagamit ko sa loob ng dalawang linggo. Natatawa naman pumasok si Aiden sa kwarto. 

"My wife is not excited." Panunukso niya. "Next week pa ang leave ko." Napatigil naman ako sa paglalagay ng damit sa maleta. 

"Seriously?! Bakit hindi mo sinabi agad?" Naiinis na wika ko. He shrug his shoulder. 

"Hindi ka naman nagtanong." Nakangising wika niya. 

Nainis naman ako sa panloloko niya at pang-aasar niya sakin. Kaya binato ko siya ng lotion kaagad naman siyang nakailag. 

"Kakaasar naman eh!" Naiinis na wika ko. 

Nang tumayo naman ako para lumabas sa walk in closet kaagad naman niya akong niyakap mula sa likod. Inaalis ko naman ang kamay niya. I heard him chuckle. 

"I'm just joking wife." Bulong niya sa leeg ko. "Tomorrow ang alis natin." Hinampas ko naman siya sa braso. 

"Bahala kang mag-impake diyan!" Wika ko at iniwan ko siya doon. 

Hays. Mukhang mali ata ang pagsusungit ko. Hindi tama lang naman iyon no, inasar niya ako. Ano bayan bakit hindi ko maintindihan ang mood ko. Umupo nalang ako sa kama at nagbasa ng libro tungkol sa pagbubuntis. 

Inantok naman ako kaya kaagad na akong nakatulog. 

Nagising naman ako sa sinag ng araw. Mahigpit naman ang pagkakayakap sakin ni Aiden. Ang sungit niya talaga kahit natutulog man. Nakakunot pa ang noo niya akala mo nakikipagsapakan sa panaginip niya. 

Unti-unti naman niyang binuksan ang mata niya. Nang makita ako nakatingin sakanya kaagad naman siyang ngumiti. 

"Good morning wife." He said in a husky tone. Hinawakan ko naman ang tungki ng ilong niya. 

"Good morning." Nakangiting wika ko. 

Bumangon naman kaming dalawa. Inayos ko naman ang buhok ko, ganon din siya. Kinuha naman niya ang cellphone niya to check time. 

"It's 8:30. Aalis tayo mamayang 10 o'clock." He said and smile. Ngumiti din naman ako.

Pumunta na ako sa banyo para maghilamos. Pagkatapos naman ay pumunta na ako sa kusina. Nandoon din naman siya at busy sa pagtatype sa laptop niya. 

The Bride [Suarez Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon