Chapter 4

7.4K 212 5
                                    

Chapter 4

Sick

Lunes ng umaga nagising ako sa kama ni Aiden. This is my first time sleeping on his room at nakakahiya dahil sa kanyang sofa pa siya natutulog. Bumangon naman ako to eat breakfast. Naghilamos muna ako sa banyo na nasa kwarto ni Aiden.

Pagdating ko sa kusina naabutan ko naman ang tita ni Aiden, hanggang ngayon hindi ko alam kung anong itatawag ko sakanya.

"Gising na pala ang ating senyorita." Pambungad naman niya sakin. Medyo nailang naman ako dahil nakahanda na ang pagkain sa mesa at pinapatunayan ko naman na walang kwenta ako talaga.

Dahan-dahan naman akong umupo. Ingat na ingat at kumuha na ng pagkain. Hindi ko pa malunok-lunok ang pagkain ko dahil bumubulong ang tita niya.

"Buhay mayaman nga naman oh. Porket hindi nagdanas ng hirap ay ganyan na. Walang alam na trabaho sa bahay. Sabagay, nagpakasal lang naman dahil sa pera." Bulong nito habang nagpupunas ng lababo.

Binilisan ko naman ang pagkain ko at nilagay na ang plato sa lababo handa na akong maghugas ng mga plato.

"Ako nalang po maglilinis. Magpahinga muna po kayo." Sabi ko naman sakanya.

Naturuan naman kami sa mga gawaing bahay ang kaso hindi kami ganon pinapagtrabaho sa bahay ng mga magulang namin. Lalo na ako.

"Nako, tinablahan ka pala ng hiya no? O hanggang simula lang ito?" Nang-aasar na tanong niya sakin. Ngumiti lang naman ako ng pilit.

"Magpahinga na po kayo. Ako na po bahala sa lahat ng gawain." Tanging sagot ko nalang. "Si Aiden po?" I ask. Nabigla naman siya sa tanong ko parang hindi siya makapaniwala or it just sarcasm?

"Nasa opisina." Tanging sagot niya. Tumango lang naman ako.

Nagpatuloy na ako sa paghuhugas ng pinggan hindi naman ganon karami kaya hindi naman siguro ako mapapagod. Pagkatapos kong maghugas ay pinunasan ko na ito at nilagay na sa lalagyan. Nag stretching naman ako sa aking kamay. Sinunod ko naman ang lababo, tinuloy ko ang pagpupunas ng tita ni Aiden at nilinis nadin.

Sunod ko naman kinuha ang walis tambo at nagsimula na akong magwalis sa buong penthouse. Hindi pala biro ang trabaho ng tita niya dahil napakalaki nga naman ng penthouse ni Aiden para na itong bungalow mansion. Naglilinis lang naman ako ng naglilinis, nagwawalis-walis sa mga sulok-sulok.

Lumipas ang isa't kahalating oras at natapos nadin ako sa pagwawalis. Kumuha naman ako ng basahan para mapunasan ang mga display na sa sala at mga bagay na pwedeng punasan para maalis ang alikabok dito. Dahil sa dami ng mga pang display at ilang mga frame na achievements ni Aiden samahan mo pa ng mga picture frame ay nakakapagod.

Sinunod kong linisin ang kwarto ni Aiden, well malinis naman ito kaya madali lang. Sinimulan ko ang pagwawalis. Hanggang sa nagpunas-punas nadin ako kung anong nasa kwarto niya. Well scratch that madali, hindi pala sa sobrang laki nito.

Umabot ng tanghalian at lumabas ako sa kwarto at pumunta na sa kusina. Tiningnan ko lang naman ang laman ng ref dahil hindi naman ako ganon kagaling magluto. Nang makita kong meron naman hotdog at itlog ay iyon nalang ang iluluto ko kahit na tanghalian na. Pagkatapos kong nagprito nilagay ko na ito sa plato at inayos na ito sa mesa. Kumain nalang din ako at hindi pa lumalabas ang tita niya sa kwarto nito, mukhang tinotoo nga ang pagpapahinga.

Pagkatapos kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko at tinakpan ang sobrang ulam sa lamesa. Kinuha ko naman ang mop at nagsimula na akong punasan ang sahig. Medyo hindi madali dahil nga malawak ang penthouse ni Aiden. Ayos naman din ito sa tutal wala naman akong ginagawa sa bahay at masyado naman nakakahiya kung wala akong ginagawa habang naglilinis ang tita niya. Kung may alam ka naman sa gawain na ito mas mabuti pang tumulong ka nalang para less na sasabihin sayo.

The Bride [Suarez Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon