Sequel

2.5K 62 20
                                    

Pagkatapos ng ilang buwan, masaya akong ihandog sa inyo ang Sequel ng Karen Deryahan. Sana, suportahan din ninyo ang Sequel kagaya nang pagsuporta ninyo sa KDH. Sana rin, mag-Vomment kayo. Pakiusap! Magiging desperado na ako.

Ano kaya ang nangyari kina Marissa at Kevin? Nasaan na ang mga kapatid nina Karen, Derya at Han? Ano na ang mangyayari sa mag-asawang Marissa at Kevin? Alamin.

Na-publish ko na ang Sequel at bisitahin na lang ninyo ang profile ko. Huwag kalilimutang mag- Vote at Comment. Follow ninyo na rin ako para updated kayo.


•*•*•*•


Turo Game [Sequel of Karen Deryahan]


Matapos ang bangungot na naranasan nina Marissa at Kevin sa bayan ng Kalu ay namuhay sila nang matiwasay at bumuo ng isang masayang pamilya. Lahat ng mga kabanata na may kalakip na hindi magandang pangyayari sa kanilang buhay ay pinilas nila.

Ngunit habang namumuhay nang matiwasay sina Marissa at Kevin ay may palihim na kumikilos upang muling iparanas ang pinakamasamang bangungot na higit pa sa dinanas nila sa bayan ng Kalu. Ito ay sa pamamagitan ng laro, ang bagong laro na hindi tatangkaing laruin ninuman, ang Turo Game.

•*•*•*•


WARNING: IHANDA NA ANG SIKMURA SA ORAS NA BASAHIN MO ANG SEQUEL NG 'KDh'.








Aabangan ko kayo roon.

Karen DeryahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon