Chapter 2

2.6K 40 0
                                    

CHAPTER 2

Next day came and here we are again, at school. Free cut namin dahil may biglaang meeting ang professors. I believe, pang buong university 'yung free cut, so I'm expecting that Vinze and his friends are in the cafeteria.

"Hey, Sandra, I'm going to the cafeteria," Paalam ko sa aking best friend.

Tumingin siya sa 'kin, and rolled her eyes at me. Oh, the attitude. "Bakit? Kanila Vinzeler ka na naman sasama? Iniiwan mo 'ko lagi." Lumungkot ang boses niya at ngumuso pa.

I went to her and hugged her really tight. "Aw, nag-iinarte ang best friend ko." I chuckled. "You can come with me, you know." Then wiggled my brows at her.

Nakita kong namula ang pisngi niya dahil doon at bahagyang nautal. "N-no, I'm fine."

Tinawanan ko siya, "Really? Final answer?" Umalis ako sa pagkakayakap ko sa kaniya at lumapit sa desk ko upang ayusin ang gamit ko. Isinukbit ko ang backpack ko sa aking balikat at nilingon siyang muli. "Sure ka talaga, Sis? Hay nako, you know... palaging kasama ni Vinze sila—"

"Fine! Fine!" I shifted on my position, sabi na, eh. "Sasama na ako. Alam mo naman 'pag si Ken na ang inaalas mo." Nakuha niya pang magtaray sa akin. Whatever.

Tinawanan ko na lang siya habang nag-aayos na rin siya ng gamit.

Mabilis din kaming nakarating sa cafeteria. Marami ang tao pero agad din namin silang nakita lalo na nang tawagin ako ni Earl.

"Ayan na pala si Ky, oh!" Sambit ni Earl na napatingin naman sila Kenneth at Russel. Si Vinze lang ang hindi nag-angat ng tingin. Hayaan na, sanay na 'ko.

"Uy, hi!" Bati ko. "Ito nga pala kasama ko, si Sandra, ang best riend ko," pagpapakilala ko. "Pwede rin ba siyang maki-table dito?"

"Yeah, sure." Sagot ng tatlo. Syempre laging silang tatlo lang naman ang may pakialam sa pinagsasabi ko.

"Hi! Nice meeting you all!" Bati naman ni Sandra sa kanila.

Agad naman siyang sinagot ni Earl at Kenneth, tinanguan naman ni Vinze at Russel.

Umupo ako at tumabi kay Kenneth. Pinatabi ko naman si Sandra sa'kin at kaharap niya si Vinze.

Bumulong ako kay Kenneth. 'Di sa nag-aassume ako, pero iba talaga ang tingin niya kay Sandra, eh. "Hoy, base sa nakita kong pagtingin mo sa diyan sa best friend ko, parang type mo siya, ah." Para akong bugaw ngayon pero tinutulungan ko lang naman si Sandra.

Pagkasabi ko noon ay umayos ako ng upo at tumingin na 'ko sa harap. Kita ko naman na ang sama ng tingin sa 'kin ni Vinze.

"Ang sama na naman ng tingin mo. Inaano kita d'yan?" Kung makatingin kasi siya sa akin ay parang napakalaki ng kasalanan ko, hindi ko na nga siya kinukulit na.

"Tss." Nagsungit na naman.

"Tss tss." Panggagaya ko sa kanya. "'Di na nga kita kinukulit diyan, eh. 'Di na nga kita pinapansin, hmp." Kung hindi lang talaga kita mahal, titigilan na kita, bulong ko pero mukhang narinig niya.

"What?" tanong niya sa aking nakakunot ang noo.

"Wala." 'Di naman na siya sumagot pa kaya kumain na 'ko.

Bago ko maisubo ang pagkain ko bumulong si Kenneth sa 'kin. "Palit kayo ni Sandra ng seat, please."

Naiiling ako dahil sa sinabi niya at sumagot, "Tsk. Oo na."

Humarap naman ako kay Sandra, "Sandra, let's exchange seats daw."

"Uy, Ky!" Pasigaw na tawag ni Kenneth sa 'kin, tila pinipigilan ako, pero 'yung hininaan niya lang ganoon. Besides, nasabi ko na rin naman.

10 Last MonthsWhere stories live. Discover now