Chapter 6

888 30 7
                                    

The expected peacefulness of a Friday turned out to be pretty bad. Morning lang ako natuwa dahil sa pag-abot ko ng breakfast kay Vinze pero noong nagsimula ang klase ay sobrang nakaka-drain na. Halos lahat ng subject for today ay may surprise quiz. Buti at nakasagot ako nang tama sa ibang subjects pero yung isang subject na may teacher na hindi naman nagtuturo ang talagang nagpasama sa araw ko.

As much as I want to meet Vinzeler this afternoon because of my bad day, I can't.

Mas late ang lunch namin kaysa kila Vinze dahil sa magkaibang schedule ng first class. I wasn't actually expecting to grab some lunch with him because of it. And according to his schedule, his last class is actually the class before his lunch break so I'm expecting him to be at home already but then I saw him at the cafeteria, pagkatapos ng last class ko before lunch break, which is actually my last class for the day.

Again, hindi ako stalker dahil sa meron akong schedule niya. Yes, pinilit ko siya before na bigyan ako ng copy no'n, but at least he personally gave it to me. So technically, siya pa rin ang nagbigay.

Wala ang best friend ko ngayon dahil nagmamadali siyang umuwi after ng last class namin. May family lunch daw kasi sila kasama yung relatives nila from States so kailangan niya talagang makapunta roon.

Nakita kong nakatungo si Vinze sa phone niya habang may dalawang plates ng meal ang nasa harap niya. I felt my heart beating so fast because of his presence. Is he waiting for someone?

Nakangiti akong palapit na sana sa kanya nang makapunta sa table niya si ate girl na kausap at kasabay niyang umuwi kahapon. Siya ba ang hinihintay ni Vinze? Kaniya ba yung other plate of meal sa table ni Vinze?

Nang makarating si ate girl sa table ni Vinze ay umangat ang ulo sa kanya ni Vinze at bahagyang ngumiti. Ate girl didn't sit on the chair next to Vinze. She just stood in front of him while talking to Vinze.

Nawalan ako ng lakas na lumapit dahil nakita kong may kasama siyang iba. I would look too pitiful if I stayed with him, at lalong pipilitin ang sarili. So I just went out of the cafeteria para sa iba na lang mag-lunch, some fast food chain or something.

Nang makalabas ay napagdesisyunan kong sa McDonald's na lang kumain. As I entered the establishment, I immediately ordered some fries and burger, wala akong ganang kumain ng kanin ngayon. I grabbed my food then went to the nearest two-seater table. Besides, ito na lang din kasi ang available. Marami kasing sabay ang schedule ng lunch kaya napupuno ang mga kainan kapag ganitong oras.

I started eating when someone stood in front of my table. May hawak siyang tray sa kamay niya. Inangat ko ang tingin sa mukha niya at nakitang si Brent pala ito, kaklase ko sa isang subject. Mukha siyang naghahanap ng available seat sa paligid. Napansin niyang nakatingin ako sa kanya kaya napatingin din siya sakin at bahagyang nagulat.

"Kysler? Ikaw pala..." saad niya.

"Uh.. yeah," awkward na sagot ko naman. Tumingin ako sa paligid at muling humarap sa kanya. "Wala nang available seat, ah."

Napakamot siya sa batok niya at nahihiyang tumango, "'Yun nga, eh. Mind if I join you?" nginitian niya rin ako bago nagpatuloy, "Well, only if you're alone..."

Inayos ko muna yung gamit ko sa table para magkasiya yung kaniya, "Sure! I don't mind."

"Pasensya ka na, Kysler, wala na rin kasi akong ibang kilala rito. Kaya sayo na ako naki-table."

"Okay lang yun. Mag-isa rin naman ako," tumango naman siya at may sasabihin pa sana nang tumunog ang phone ko dahil may tumatawag.

Maliit ko muna siyang nginitian bago sinenyas na sasagutin ko ang tawag, "I'm sorry, I'll just take this."

10 Last MonthsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon