Chapter 7

783 22 6
                                    

"Natalie!"

Muli kong narinig ang tumawag sa'kin nang medyo nakalayo na ako sa gym. Napagtanto kong hindi iyon si Vinze base sa boses at nang harapin ko ito.

Ano pa bang aasahan ko? Na susundan niya ako?

Sinamaan ko ng tingin si Vile na palapit na sa akin dahil sa paghinto ko. May ngisi naman ang mga labi niya.

Tinalikuran ko siya nang tuluyang makalapit.

"Pa'no si Sandra?" tanong ko na nakatalikod pa rin sa kaniya.

"Ewan ko, ikaw 'yung biglang nang-iiwan 'di ba?" nang-aasar na sagot niya sa akin. May gana pa siyang mang-asar. I am brokenhearted!

Muli ko siyang nilingon para samaan ng tingin, "Sumagot ka nga nang maayos!" At muling tumingin sa harapan.

He chuckled, "Her driver had arrived, she said she needs to leave already." Tinanguan ko lang siya kahit pa alam ko namang hindi niya nakita dahil nasa likod ko siya.

Mas binilisan niya ang lakad at pumunta sa harap ko para yumuko at silipin ang mukha ko. "Grabe simangot mo, oh." Mahina pang tinampal ang pisngi ko.

Hahampasin ko na sana ang kamay niyang humawak sa pisngi ko nang umayos siya ng tayo, nakalagay ang kamay sa magkabilang bulsa at nakatingin sa likod ko.

Napalingon din ako sa gawing iyon at nakitang nakatayo si Vinze doon. He's particularly not too close to where we are but definitely not too far as well. His breathing was deep, parang kagagaling lang sa pagtakbo at hinihingal pa. He's just intently looking at me, not minding the presence of Vile.

Nakita kong bitbit niya sa isang kamay ang paper bag ng Subway kung saan ko binili ang sandwich, at ang gatorade naman sa kabila. Inirapan ko siya bago muling humarap kay Vile.

Masama pa rin ang tingin ay tinanong ko siya, "Binigay mo sa kaniya?"

He nodded before answering, "You bought that for him..." Muli lang akong sumimangot nang maalala ang nadatnan ko kanina at nagpatuloy na lang sa paglakad.

Nakaka-tatlong hakbang pa lang ay naramdaman ko na ang paghila sa akin sa palapulsuhan. Bahagya akong nagulat at tumingin sa kung sinong may hawak sa akin. Vile...

"Teka lang!" tawag ko sa kaniya, hindi makasunod sa bilis ng lakad niya. He obviously has longer legs, that's why! "Saan mo ba ako dadalhin?"

"We'll eat," maikling sagot niya, hindi pa rin tumitigil sa paghila sa akin pero mas mabagal na kaysa sa kanina.

"Ha? Bakit kasama pa ako?" tanong kong pilit hinihila pabalik ang braso pero hindi ko magawa dahil matibay ang pagkakahawak sa akin.

"Gusto ko lang ng kasabay. I'll treat you." Dahil doon ay tinigil ko na ang paghila ko pabalik ng aking kamay.

He laughed, stopped walking, then looked at me, "Basta libre talaga, 'no." And he pats my head.

Kinuha ko ang kamay niyang nakahawak sa ulo ko at padarag iyong binagsak. "Stop it! 'Wag mo nga akong i-pat na para akong bata." Masama pa ang tingin ko sa kaniya.

"Then stop acting like one," may pagkaseryosong sagot niya. Siya? Seryoso? Baka nga mali akong nagseryoso siya dahil bumalik naman ang usual tone niyang palabiro at nang-aasar, "Let's go."

Tumigil kami sa harap ng isang ice cream parlor na may Yellow Cab naman sa tabi. I immediately felt my stomach grumbled because of the pizza. Nahinto lang iyon nang patuloy niya akong hilain sa loob ng ice cream parlor.

I felt disappointed. Medyo umasa pa naman akong sa Yellow Cab niya ako dadalhin o kung saan mang may totoong pagkain na nakabubusog.

Nakasimangot ako nang tuluyan kaming makapasok sa ice cream parlor. "What's yours?" tanong niya na nakatingin lang sa menu sa harapan. Humarap sa akin at nakakunot ang noo, "Ba't ka na naman nakasimangot?"

10 Last MonthsWhere stories live. Discover now