Chapter 12

1K 37 13
                                    

Kinabukasan ay pumasok ako at inaasahang pumasok na rin si Vinze. I wasn't able to check on him last night, iniisip kong nagpapahinga siya at hindi makabubuting tatawagan ko pa siya.

Kahapon ay nakauwi ako dahil sa pagsundo ng aming driver. Pinipilit pa nga ni Vinze na siya ang maghatid sa akin pauwi pero tumanggi ako dahil hindi pa maayos ang lagay niya. He was about to call Vile to drive me home instead but I stopped him too. I just chuckled at him. We both know his strange issues towards Vile hanging out around me so I insisted to call our driver instead. At noong pababa na ako sa lobby ay hindi ko na nagawang tumanggi nang ipilit niyang ihatid ako sa baba.

Naiiling na lang ako sa naalala. He's sweet but he's confusing.

Nandito ako ngayon papunta sa gym para i-check kung pumasok na ba si Vinze. Hindi ko na inisip na magtanong muli kanila Earl dahil maaaring busy na naman sila.

Papasok na ako ng gym nang may marinig akong nagsalita. "Bahala ka, pupunta ako mamaya, sasama ako kanila Earl!"

Sumilip ako sa gilid ng gym dahil doon ko narinig ang nagsalita. Nakita ko naman ulit si Krizelle na may kausap sa phone at nakatalikod sa gawi ko kaya hindi ako napansin. Kumunot ang noo ko pero hahayaan na sana iyon at tutuloy na sa loob nang marinig ko ulit siyang nagsalita.

"Vinze, I have to go there to check on you!" Natigilan ako at nalaglag ang puso ko. Vinze? He's going to Vinze?

Bago pa muling marinig ang sasabihin niya ay lumayo na ako at pumasok sa gym kahit pa narinig kong si Vinze ang kausap niya. Wala sa sariling pinalibot ko ang tingin sa gym at wala siya. Mukhang nagpapahinga ang players.

Nakatayo pa rin ako doon at hindi matukoy ang susunod na gagawin nang mabalik ako sa katinuan dahil may tumawag sa akin. "Kysler!"

Mabilis na nahanap ng mga mata ko ang tumawag. It's Blake. Kilala namin ang isa't isa dahil sa iisang village kami nakatira kaya hindi na ako nagulat. I arched an eyebrow to ask him why he called me.

Nahihiyang napahawak siya sa batok at lumapit sa akin. "You're going to watch our practice?" He asked softly.

I shook my head. "No. I was looking for Vinze."

Tumango siya nang mapagtantong wala talaga akong balak manood. "He's absent."

I just nodded at him too and thanked him before going out of the gym. Nakasalubong ko pa si Krizelle at nakita ko ang paghabol ng tingin niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin.

Wala ako sa sarili habang naglalakad patungo sa susunod kong klase. Maaga pa naman para doon pero wala na akong magawa kaya maaga na lang din akong papasok.

While silently and slowly walking, I felt my phone vibrated for a call. I immediately got it from the pocket of my jacket and looked at who's calling. I gulped as I saw Vinzeler's name on the screen.

Sinagot ko ang tawag at dahan dahan ko itong nilagay sa aking tainga. I didn't speak, I waited for him to talk first.

"Natalie?" He finally spoke.

"Yes?" My voice was low.

"I... I just called to..." He couldn't continue speaking.

"Hmm?"

"I called to inform you that I'm still absent. Well, in case you were looking for me." Tuloy-tuloy naman na ang pagsasalita niya. Napangiti ako.

"Yeah... I just went to the gym to ask for you."

"Oh?"

"Yup."

Dinadama ko ang paglalakad ko ngayon lalo na sa malamig na simoy ng hangin. He rarely calls like this and I want to treasure such moment.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

10 Last MonthsWhere stories live. Discover now