PROLOGUE

8.2K 66 2
                                    

Prologue

Itinali ko ang aking nakalugay na buhok upang maging mas kumportable ako sa ginagawa ko. Inayos ko rin ang suot kong face mask dahil sa dami ng alikabok sa harap ko ngayon. Pinunasan ko ang tumutulong pawis sa aking noo habang pinagmamasdan ang mga bagay na naiayos at na-compile ko na.

Lumapit ako sa aking cabinet dito sa kwarto ko para mas tignan pa kung may nakalimutan pa ba ako nang marinig ko ang cellphone ko na tumutunog. Tinigil ko muna ang ginagawa ko at nilibot ang paningin sa aking kwarto upang hanapin ang aking cellphone. Sa dami at kalat ng mga gamit ko rito, hindi ko na maalala kung saan ko inilagay ang aking cellphone. Pinakinggan kong maigi kung saan nagmumula ang tunog ng phone ko at rinig kong sa may bandang kama iyon.

This pink queen-sized bed. It's been years since I last stayed and slept here. I was really young back then that's why the cover's still pink, which was my favorite color when I was a kid.

Maraming gamit pa rin ang nakapatong dito kaya inisa isa ko munang alisin ang mga iyon hanggang sa makita ko na ang hinahanap at tumutunog kong phone.

I looked at the screen and saw my best friend's name and picture. She's calling, probably bored again and will invite me to go to the mall. This girl, really.

I accepted the call and turned it on speaker mode so I can still do my thing while talking to her.

"What do you need?" I asked while arranging the things I want to keep in my study table.

"Why so grumpy?" She asked instead.

"Ba't ka nga tumawag?"

"Wala lang." She answered which I will never buy.

"Uh-huh."

"Fine. Let's go to the mall, I'm bored here! Zzz!"

"Ang arte mo talaga." And I laughed with her tone.

"Whatever, bitch." I can feel that she rolled her eyes though I can't see her.

"I can't go with you."

"Libre kita." Sabi na gagamitin niya yan sa akin, eh.

"As much as I want your libre, I really can't."

"Yuck conyo." Sabi niya na parang hindi rin naman siya ganoon magsalita.

"I'm out of the metro."

"Huh? Saan ka?" Naguguluhang tanong niya.

"Dito sa San Pascual." Sinet-up ko na rin yung dala kong balikbayan box para mailagay ko na roon ang mga gamit ko na gusto kong itago at dalhin.

"What?! 'Di mo sinabi sa'kin na diyan ka na titira! What the hell." She freaked out. I know, she can get really o.a. sometimes.

"You're over reacting, bitch. Inaayos ko lang 'yung mga gamit na dadalhin ko."

"Sure na nga kayo?" Naramdaman kong naging malungkot ang boses niya.

"Para kang tanga. Ba't ka malungkot diyan, next year pa nga 'yon."

I felt sad too for the thought that I will leave her someday, though yes next year pa 'yon, but still ilang years din kaming hindi magkakasama.

"Eh kasi naman! Iiwan mo best friend mo, tama ba 'yon?"

"You do know I don't have any choice at all, right?"

Nilagay ko na yung mga gamit na balak kong dalhin sa box na sinet-up ko. Marami-rami pa rin pala, buti naisipan kong puntahan muna ang mga ito rito.

"Yeah, right. By the way, I have a chika."

"Go on, I'll just do my thing here while you're telling your chika." Then she started talking about her crush. Lagi naman kaming ganito, palaging yung crush ang pinagchichikahan.

10 Last MonthsWhere stories live. Discover now