Chapter 4

1.1K 25 3
                                    

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Vinze na tahimik lang na nagd'drive sa tabi ko. After umalis ni Kriesha kanina ay umalis na rin kami ni Vinze at iniwan si Vile. Tama lang sa kanya yon!

"Home."

"Ha? Iuuwi mo 'ko sa inyo? Hala, hindi ako nagpaalam."

"Crazy. I'm taking you to your house. Tsaka paano kita madadala sa'min kung ipinakilala kang girlfriend ni Vile? They'll freak out, sabihin pang mang-aagaw ako." Natawa ako dahil sa sinabi niya. Takte daming sinabi.

"Dami mo namang sinabi, nagbibiro lang naman ako."

"Nilinaw ko lang kasi GIRLFRIEND ka ni Vile." Diniinan niya pa yung pagkakasabi ng girlfriend na word. Kung hindi lang madalas na cold 'to sakin, iisipin ko nang nagseselos siya.

"Sinabi ko na nga kanina, 'di ba? Hindi nga totoong mag-jowa kami."

"How did he take you there, by the way?" Tanong niya sakin bago saglit na sumulyap sa gawi ko.

"Uy, bakit ka interesado?"

Umirap siya bago muling sumagot, "I'm just curious."

I chuckled before answering, "Okay, sabi mo eh. But to answer your question, hinila lang talaga niya ako kanina from school, then dinala sa salon without knowing where we're going."

"The fuck?" Iritang tugon niya sakin. "I'll talk to him later."

"Alam mo kung hindi ka parating malamig pag kinakausap ako, iisipin ko talagang crush mo 'ko. Crush mo ba 'ko, ha?" Tinanong ko talaga sa kanya yan kasi matigas ang mukha ko.

Idinantay niya ang kaliwang braso sa hamba ng side window niya at pinaglaruan ng mga daliri ang kanyang mga labi. Seryoso lang siyang nakatingin sa daan habang naghihintay ako sa isasagot niya. Nang tumigil kami sa stop light ay matiim at seryoso siyang humarap sakin at umiling, "No."

Wow. Medyo masakit, a. Pero ito rin naman ang inaasahan ko at sanay na ako kaya sige lang, tignan natin sa susunod na taon kung ganyan pa rin sagot mo sakin.

"Sabi ko nga," sagot ko na lamang sa kanya upang itago ang maliit na sakit na bumalot sa akin. Humarap na lamang ako sa bintana sa gilid ko nang mag-berde na ang ilaw.

Bakit, ako rin naman hindi ko siya crush, a. Hindi ganun kababaw ang nararamdaman ko sa kanya para lang matawag iyon na "crush". Dahil ang crush, pagkatapilok, at ang nararamdaman ko para sa kanya, para akong nahulog sa bangin na walang hanggan, sa bawat araw na lumilipas lalo lang akong nahuhulog sa kanya.

Matapos ang sandaling katahimikan ay naisip kong magtanong sa kanya tungkol sa kapatid niya.

"Are you close to your brother?" saglit siyang tumingin sa gawi ko nang nakakunot ang noo dahil siguro sa pagkabigla sa aking pagtatanong.

"We were." simpleng sagot niya lamang.

"I see." pagsagot ko. "Hmm... you said he was in Greece? Since when? Bakit nandoon siya habang nasa Pilipinas kayo ng parents mo?"

Humarap ulit siya sa gawi ko at mas kumunot ang noo, "Why are you so interested in him?" 

"What? Curious lang din ako," sagot ko sabay kibit balikat.

"We used to live in Greece with our grandparents while our parents are doing business in different parts of the world." pagsisimula niya. "My mom wanted to settle in the Philippines and Vile doesn't want to leave our grandparents so he stayed."

"Ah... maka-grandparents pala yon, 'di halata."

"What do you mean?" tanong niya sakin nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada.

10 Last MonthsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu