Chapter 3

3K 72 33
                                    

Nasa may quadrangle ako ngayon, nakaupo sa isa sa mga benches with table dito. Vacant ko ngayon kasi wala yung teacher namin para sa mga oras na 'to. Naisipan ko na dito nalang mag-stay para payapa akong makakagawa ng homeworks ko. 'Pag sa classroom kasi, masyadong magulo at maingay hindi ako makakapag concentrate. Kaunti lang din naman mga tao dito kasi nga class hours. Yung iba nagc'cut or siguro katulad ko na walang teacher.

Katatapos ko lang gumawa ng homeworks ko para bukas. Oh diba angsipag ko kaya angswerte na sa'kin ni Vinze kaya.

Angboring na naman kasi wala na 'kong ibang magawa kasi nga tapos ko na yung homeworks ko. Wala pa naman si Sandra ngayon, absent kasi may pinuntahan daw sila ng family niya out of the country. Angdami niyang time ha.

Oo nga 'no, what if magplano pa ko ng mga bagay na pwede kong gawin para mapa-ibig ko si V. For the past two months kasi pare-pareho lang yung routine ko and wala naman akong nakikitang improvements. Sobrang pabebe niya parin. Pa'no na 'yan, eight months nalang ang natitira.

By October 11, 20 years old na siya. Two months nalang, bili na kaya ako ng regalo para sa kaniya? Or masyado pang maaga? 'Wag na lang pala muna yun.

Pero sa ngayon, ano kayang pwede pang gawin? Napaka manhid naman kasi 'nu-.

Nagitla ako nang may padabog na naglapag ng libro sa table na ginagamit ko.

"Bastos ka ah! Nakita mong ginagamit ko 'to at nagsusulat ako tapo-" for the nth time since forever, natigilan na naman ako.

Pa'no ba naman kasi, pag-angat ko ng mga mata ko nakakita ako ng greek god, sino bang hindi magugulat at matitigilan 'dun?

Nasa harap ko lang naman si Vinze. Hays eto na ata yung pinakahihintay kong pag-amin niya sa tunay na pag-ibig niya para sakin. Yay!

Wait! Teka hindi si Vinze 'to ah! Mas matangkad si Vinze kaysa dito sa taong 'to na nasa harap ko ngayon. Pero kamukha niya si Vinze!!! Baka ito yung kapatid ni niya na nahuli kong nakikipaghalikan sa 4th floor last month! Tama, siya nga 'yon!

"Hoy, ikaw!"

"H-ha?"

"Ikaw ba si Natalie?"

Ha???? Paano niya ako nakilala??????

"A-ako nga! Teka, paano mo 'ko nakilala?!"

Hinila niya yung isang upuan sa tapat ko at umupo doon. Feeling close din 'to ha.

Mga limang segundo siyang nakatingin lang sa akin bago niya kinuha yung mga kamay ko na nasa ibabaw ng mesa at ikinulong ang mga iyon sa pagitan ng mga kamay niya.

Anong nangyayari????????????

"Hoy! Bitawan mo nga a-" Ano meron sa araw na ito at lagi nalang pinuputol ang mga sasabihin ko?

"Natalie--"

"Kysler." Pagtatama ko pero parang wala lang siyang pakialam at pinagpatuloy lang ang sinasabi niya.

"-kailangan kita ngayon. Please." At titig na titig pa itong dimuhong 'to habang nagsasalita. Jusmiyo loyal ako kay Vinze ha, 'wag siyang ano.

"Ano? Saan kita tutulungan? Bitawan mo muna nga ako. Linawin mo muna 'yang pinagsasabi mo."

"Please Natalie. I need you."

"Kysler nga sabi eh!"

"Whatever. Let's go." At basta niya nalang akong hinila. Great! Just great! Paano na si Vinzeler, hindi ko na siya makakasama for the rest of this day! Ugh!

"Wait, hoy! May klase pa 'ko!" Syempre hindi niya na 'ko pinansin at patuloy lang akong hinila.

"Hoy! Saan mo ba kasi ako dadalhin?"

10 Last MonthsWhere stories live. Discover now