Chapter 8

818 18 3
                                    

Day went by smoothly and now it's lunchtime. Sa araw na ito ay kasabay ng lunchtime namin ang lunchtime nila Vinze. Sa ganitong araw usually ay kasama ko sila sa table, minsan kasama rin si Sandra. But then again, today is different.

Kasama ko si Sandra ngayon at papunta kaming cafeteria. Kung walang kakaiba sa araw na ito ay malamang kasama ko siya sa table nila Vinze. Matutuwa pa nga si Sandra na kasama namin ang crush niyang si Kenneth. Pero sinabi ko na rin naman sa kaniya na iba ang araw na ito at okay rin naman sa kaniya.

Sa totoo lang, dati ay siya pa 'yung todong magpilit na sumabay kami kila Vinze para makasilay siya kay Kenneth. Medyo nakapagtatakang hindi siya nag-iinarte ngayon, ah. Pero well, maybe because she supports what I plan to do.

Nang makarating sa cafeteria ay agad kaming pumili ng gustong kainin at doon bumili. Noong pareho na naming nakuha ang in-order ay naghanap na kami ng mauupuan.

Pinalibot ko ang mga mata at nakita sa 'di kalayuan ang pwesto nila Vinze. Kitang kita ko kung paano siyang nakatitig sa akin at nakahilig ang siko sa mesa habang hawak ang kaniyang kutsara. Tila hinihintay niya ang aking paglapit at pakikisali sa mesa nila. 

As if talaga, for sure tuwang tuwa pa 'yan na hindi ko siya guguluhin ngayon.

Puputulin ko na sana ang pakikipagtitigan sa kaniya nang makita ang tingin sa akin ni Earl na nasa tabi niya. Lumipat ang tingin ko kay Earl na malapad ang ngiti sa akin. Sinenyasan niya akong lumapit sa table nila para sumali roon.

Iignorahin ko na sana ang paanyaya niya nang maisip na ang sama naman noon. True though, it's rude. Maybe I can walk in their table then tell him that we can't sit with them?

Habang hinihintay si Sandra sa pagkuha ng utensils ay napagdesisyunan kong gawin na lang iyon. Lumapit ako sa kanila na mabilis naman din akong nginitian ni Kenneth at tinanguan lang ni Russel. 

"Kysler! Are you alone?" tanong ni Earl na malapad pa rin ang ngiti.

"Uh... No. Kasama ko si Sandra, hinihintay ko lang siya," sagot ko at sinuklian ang ngiti niya.

Inalis ko muna ang tingin sa kanila at muling nilibot ang tingin sa paligid, the cafeteria is too crowded today. Shit, wala akong makitang vacant seat.

"Wala nang vacant seat, dito na lang kayo?" Kenneth invited.

Lumapit ako rito nang walang ideya sa utak kung anong idadahilan. Bahala na nga.

"We have something to discuss alone pa rin, so maybe we can just eat somewhere else." Nahihiyang tugon ko na nagpakunot naman ng noo ni Earl. I even saw how Vinzeler's brows met in my peripheral vision.

This is not how I usually communicate with them. Makapal ang mukha ko 'pag sila ang kausap, maybe they're feeling strange now that I'm acting this way.

"No, Natalie—I mean Kysler," si Earl na napahawak pa sa batok. "You can sit here, patapos na rin naman ang lunchtime namin, so you and Sandra can be alone here. Dito na kayo." Siniko niya naman si Vinze kaya bahagya akong napatingin dito. 

Napabalikwas naman si Vinze at tinignan nang masama si Earl. "'Di ba Vinze?" pagtutuloy ni Earl na sa akin pa rin ang tingin at nakangiti.

"Yeah. Why not?" he answered casually. Hindi ka ganiyan sumagot noon!

Sasagot pa sana ako at ipipilit na hindi na nang makalapit na si Sandra dala ang tray ng pagkain niya.

Paglapit sa akin ay agad niya akong tinanong."Nakahanap ka na ng seat?" tanong niyang naglilibot ang tingin sa paligid, walang pakialam na nasa harap ang crush niya. Weird.

Kenneth butted in, "Actually Sandra, we're inviting you and Kysler here in our table. Do you mind?"

Humarap naman si Sandra roon at maliit itong nginitian bago sumagot, "We don't mind. Sure!" Traydor ka! Marupok ka rin pala!

10 Last MonthsWhere stories live. Discover now