Rule 3

4K 71 0
                                    



Nagulat ako ng marinig ko ang ingay ng motor ni Clark..

Ang bilis naman? Wala pa atang tatlong minuto eh?!

Kaya lumabas ako.

"Sama ka nalang pala sakin, para maipakilala kita sa kanila" aba magandang idea yun, kesa mag mokmok at mag antay sa kanya dito..

"Sige wait for me"


"di ko alam na exciting din palang magmotor"

"Oo naman, nung bago ako natuto di na ako tumigil sa kaka drive nito"

"I wish i can Drive like this"

"gusto mo turuan kita?"  He offered

"talaga tuturuan mo ako?"

"Oo naman"

" magkano ang service fee?" biro ko kay Clark

"bakit lage mo nalang pinipresyohan pag may ginawa ako? pwede naman free " parang mag pagka inis pa na sabi nito. He's really humble in every way.

"siguro nasanay lang ako sa maynila na kada kilos may bayad kaya nanibago ako"

"turong pangkaibigan lang, matuto kalang masaya na ako atleast may naipamana ako sayong kakayahan" i can sense his smilexwhen he said those words.

"ang sweet mo namang kaibigan, sarap palang maging kaibigan mo, sige ipagluluto nalang kita lage ng tanghalian para may kasabay din ako sa pagkain alam mo na im not used of eating alone, well lately pala mag isa na ako lageng kumakain"

"oh sige sino bang hihindi sa luto mo.. ngayon di kana kakain ng tanghalian na mag isa"

"nambola kapa, pero Thank you, i really appreciate your company this time "

"totoo naman kasi masarap ka magluto.. and youre welcome, masaya din ako dahil nadagdagan ang kaibigan ko"

on the way kami ngayon sa bilihan ng lambanog, doon lng din pala sa nadaanan namin kanina na sakop parin sa lote ng amo ni Clark, sa banda ng niyogan.

"oh hijo napabisita ka?" sabi ng matandang lalake

"ay magandang hapon sa iyo hija, hindi mo naman sinabi na may kasama ka palang magandang dalaga edi sana nakapagpitas ako kanina ng prutas" sabi nya kay Clark

"magandang hapon din po Manong" sabi ko sa Matanda

"abay maganda ka pa sa hapon iha" aba mabiro din to si Tatay

"nako iha pagpasensyaan mo natong asawa kong si Dario na hanggang ngayon may pagkapabling parin, ako pala si Manang Carmen" ngumiti sakin ang matandang Ginang at nakipag kamay ako

"Isiah po pero pwede pong  Sia nalang tawag nyo sakin"

"O sige Sia kung yan ang gusto mo, nasabi pala sakin ni Clark na ikaw daw yung bagong bisita sa resthouse, welcome dito Iha"

"salamat po Manang Carmen"

"oh sige akoy aalis muna para makuha yung lambanog na gusto nitong si Clark"
sabi ni Mang Dario

"oh ano Iha kumusta ang lugar namin nagustuhan mo ba?"
"opo, di pa nga ako nakapaglibot pero na inlove na agad ako sa lugar"

"ay nako ija sinabi mo pa kaibig.ibig talaga tong lugar namin, pati mga binatilyo dito ay kaibig ibig din" sabay tingin niya kay Clark na doon naman nakatingin kay Mang Dario, kinindatan ako ni Manang Carmen at ngumiti lang ako, pilya din to si Nang Carmen eh bagay sila ni Nong Dario

Rule breaker (competed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon