Rule 10

3.3K 77 0
                                    


After that kiss ay itinuloy ni Sia ang gagawin... bumalik naman si Clark sa sala at nanood ng tv.

di na naimik si Clark, nung pinuntahan nya sa sala nakatingin ulit ito sa Tv, pero parang malalim ang iniisip nito at wala sa Tv ang attention nito. nilapitan nya ito at tinabihan.

"may problema kaba? wala kana naman sa sarili mo"

"napaisip lang ako Sia"

"ano naman?"

"paano pag di ko matutugunan ang kailangan mo? paano pag di ko maibigay sayo lahat ng gusto mo? di tulad ni Martin na kayang kaya ibigay sayo lahat?"

"ano ka ba? bat mo naman naiisip ang ganyan? I dont need material things Clark and you know that, kung may gusto man ako para sa sarili ko i know I can supply myself, I have a good Job kya di problema sa akin yun, sapat kana para sakin,.. maging Loyal at Honest kalang sakin masaya na ako"

"Talaga?"

"bakit duda kaba?" umiling ito

"kaya nga mahal kita dahil alam kong iba ka sa kanila, alam kong di ka nasisilaw sa salapi." niyakap ni Clark si Sia at gumanti din ang dalaga..

"mahalin mo lang ako Clark sapat na sakin yun, tas isa pa alam kong di mo naman ako gugutumin ... masipag ka naman at desente ang trabaho mo,. magiging healthy living pa ako dahil lageng preskong gulay at prutas ang pinapakain mo sakin" she heard him giggled.

"pasensya kana at ganito lang ako."

"masaya ako dahil ganyan ka, kaya wag kang mag.alala {pinisil nya ang ilong ni Clark} sa bait at Gwapo mong to may mahahanap pa ba akong ganito? bonus pa ang hotness na body mo" and Sia giggled

"Ikaw ha? may pagnanasa ka pala sa katawan ko"

"hindi ahh, ang ibig ko lang naman sabihin ma—-maganda ang pangangatawan mo" deny ni SIa.. damn I'm stammering

"kunwari ka pa, di ko alam may pagka pilya ka"

"hoy Clark, grabe ka makapamintang,"

"okay lang yan patas lang tayo" napataas ang kilay ni Sia at pilyong napatawa si Clark..

"ikaw huh?? gusto mong bunutin ko yang buhok sa kili kili mo isa isa? huh?" at sinugod nya si Clark at pilit ipinasok ang kamay nya sa kili kili nito, di alam ni Sia na ganito pala katindi ang kiliti nito sa kili kili..

"ahah--ha-jaha SIa Tama na, Ti-Tigilan mo nga ako.. hahaha" di mapigilan ni Clark mapatawa sa kiliti si Sia naman ay tuwang tuwa sa reaksyon ng nobyo, di nya lubos akalain na ganito ang impact ng kiliti nya kay Clark..

"Sia Please, pag pag ako nakabawi, uubusin ko lahat ng Kiliti mo mula ulo hanggang paa, wala akong lalatdangan" kaya napatigil si Sia...

"you are naughty" hampas nto sa balikat ni Clark

"hahaha ikaw lang ang nag iisip ng masama, halika nga dito [inakbayan nya si SIa] alam mo bang nainis ako sayo kanina nung makita ko kayong dalawa ni Martin sa labas, di ko nakokontrol ang sarili ko,"

"pasensya kana kasi kaibigan ko narin kasi si MArtin alangan naman di ko papansinin.."

"Sia wala ka namang kasalanan, ako ang may mali, di ko lang kayang makontrol"

"wag kang mag alala iiwasan ko para di kana magselos, seloso ka pala" tukso nya kay CLark

"aaminin ko Oo seloso ako, di ko mapigilan kong maramdaman ko yan eh, takot lang siguro akong maiwanan ulit" napahinga ng malalim si SIa

"isipin mo palagi na mahal kita, wala kang dapat ikatakot Clark"

at humarap si Sia sa lalaki at hinalikan ito na agad namang tinugunan ni Clark... hanggang sa lumalim ang halikan nilang dalawa.. mabilis ang pangyayari at naihiga na ni Clark si SIa sa sofa habang nasaibabaw sya..

Rule breaker (competed)Where stories live. Discover now