Monalisa #2

3K 89 3
                                    

Chapter 2

"I need to ask for something for the both of you. Kailangan niyong i-gather lahat ng pangalan ng tao na mas nangangailangan ng tulong ng ating kompanya." Nagtatagpo ang kilay ko ng marinig ang sinasabi ng boss namin.

"Bakit kasama ako, Sir?" sasama ako kung ibang tao ang kasama ko pero hindi eh. Hindi tao ang lalaking ito. Nanatiling seryoso ang mukha ko. Ayaw kong may mabasa ang lalaking ito sa mukha ko. Ayaw kong mabasa na naman niya ang mga galaw ko.

"Ang tunay na trabahante, hindi nagrereklamo." Patay malisya niyang sagot habang nakatingin sa kawalan.

"Hindi ako nagrereklamo. Nagtatanong ako. Magkaiba ang dalawa. Just so, you know." napaigting panga ako sa kanya.

"Magkaiba nga, pero kung iisipin mo ng mabuti, magkalapit lang dalawa." Napadako ang tingin niya sa akin at agad ko itong inirapan. Whatever!

"Enough of fighting guys. Ano ba ang nangyayari sa inyo? Monalisa? Jude?" tumahimik ako. Kahit ako, hindi ko alam ang isasagot.

"Now, work and give me your best shot." Umalis si boss sa harapan namin at napalunok ako agad. Ayaw na ayaw ko talagang maiwan kasama ang lalaking ito.

Tumayo ako. At hinarap siyang nakaupo at naka dikwartro sa upuan. Kahit kailan ang feeling talaga ng lalaking ito. Pero kahit ganun, ang gwapo niyang tingnan at para siyang diyos na hindi ko maintindihan kung bakit ang gwapo niya. Pero hindi pwede ito. Kalaban siya, panget siya.

"Siguro naman kaya mo nang gawin ito mag-isa." Agad nag harumento ang puso ko ng tingnan na niya ako. Parang sa bawat titig niya, unti-unting nagyeyelo ang tuhod ko.

"I believe tayo ang sabi ng boss, Monalisa. Kahit kaya ko itong mag-isa, trabaho mo padin'g samahan ako. Pero kung ayaw mo, okay lang din. But I think you should start practicing your goodbyes to your position. Because any time by now, you will have your Farewell." Nagbabangga ang ngipin ko sa sinabi niya. I don't know how he remain so calm when everything is already on fire.

Fine. Alam kong tama siya. The reason why he is like this because he wants my position in this company. It's what I thought. Hindi ko alam kung gusto ba niya talaga ito o nanadya lang talaga siya and it would pleasure his system to see me in battle.

Ilang beses ko ng pinipigilang magpakita ng kahit na anong emosyon sa harap niya pero hindi ko nakakaya. Lagi siyang nananalo at lagi akong naiinis. Pero sige lang, time goes by, I will surely master this whole pretending stuff.

Agad na sumilay ang isang mala-demonyong ngiti sa kanyang labi ng ikinayanig naman ng buong sestema ko. I hate it when he smiles, its like a beautiful way of saying life is beautiful but no. That's just his tricks. He won. But no, this is just the beginning. I will not accept defeats. Not anymore.

--

"Julius, mommy will be away for three days." Kalmado kong sabi sa anak kong nakayakap sa akin ngayon. He's always been close to me at bawat galaw niya, sa akin na umiikot. O di kaya sa Mama ko o kay Papa. Ngayon, ang kinaalala ko kung paano siya ngayong, first time niyang di ako kasama sa pagtulog at pag-gising niya.

Judiel was and is my inspiration. The reason why I continue my battle and the only reason why I worked so hard so that I can give him everything. Ari, Steph, Louiella, Alessandra, My Parents and Georgina are the only people who knew about me being a mother. The rest, they don't know. Even my work mates.

Hindi naman sa ikinahihiya ko si Judiel na walang ama, hindi lang talaga ako mahilig magkwento sa personal kong buhay. And it is less complicated kapag ganoon.

Alam din nila kung sino ang ama at anong nangyari.

I can still remember, we were so happy back then. Then one day, boom agad naglaho. Ayaw ko ng maalala dahil kahit limang taon na ang lumipas, nasasaktan padin ako. Hindi ako makaalis sa bitag ng sakit na dala niya sa buhay ko at Bawat sulyap ko sa aking anak, lagi ko nalang siyang naalala.

Ang sakit lang na siya, sobrang saya na, tapos ako, hindi ko man lang magawang makalimot. Maybe its because, part me, I want him still. To complete my family.

Napailing nalang ako. Ang gago nga naman. Pero okay na, nakamoved on na ako. At alam kong siya din.

"Why mommy?" mas humigpit ang yakap ng anak ko sa akin.

I knew it. Ayaw niya.

"Because of work baby. Madali lang naman ang three days baby. Okay lang ba?" tumango lang siya without showing me his face.

"Please take care mommy. I love you." He is 5 and sweet. kinder 2 na siya ngayon and as a mother, im really happy for him. He excels well sa math at science. Typically his dad. Most of his features, kuhang kuha sa daddy niya. Of course, baliw na baliw ako noon eh. Sobrang baliw. Lunod na lunod sa pagmamahal sa kanya.

"I will, honey. Be good okay?" tumango lang ulit siya..

Makakasama ko na naman siya. Okay lang sana kung may iba pa kaming kasama pero wala eh. Kaming dalawa lang. Feeling ko sinasadya ito ng boss. Pero fighting. Para sa trabaho, para sa baby ko at para sa future niya.

"Kailan uuwi si daddy mommy? I've never see him personally mom. Sana sa graduation ko, nandun siya." agad kong pinunasan ang luha ko.

"Busy pa kasi siya baby. Kaya di pa siya makakauwi." parang kinakain ako ng konsensya ko. Yes kilala niya ang daddy niya, I tell stories about us, anyway. At gumawa ako ng story sa kanya na umalis lang ang daddy niya para magtrabaho at mabuhay kami.

"Too busy to forget me mommy?"

There, hindi ko na pinigilan ang luha ko. Im sorry baby. Someday you will understand.

Nakatulog ang anak ko sa aking tiyan habang nanunuod ng kanyang favoite TV Show, Ben10. Napatingin ako sa cellphone kong biglang nagvibrate.

Tumaas ang kilay kong makitang may text akong nareceive galing kay Jude.

Inabot ko ito ng pag-iingat na baka magising ko ang anak ko.

Jude:

See you. Goodnight :* Alam mo na ang mangyayari kapag hindi ka sisipot.

Seriously? Anong meron sa pagpapaalala niya? Nanandya ba siya? Uminit ang ulo ko sa text niya. Ang OA. I blame Boss for registering our numbers to the system. Mareplayan nga.

Ako:

Fck you.

I smiled of my reply. Short but meaningful. Oh well.

Gumalaw ang anak. Napatingin ako dito. Kamukhang-kamukha talaga niya ang Daddy niya.

Jude:

Baby, I know that. Just remember to wear long sleeve tomorrow. Don't wear shorts. Huwag ka nang magreply. Bad dreams.

Napaawang ang bibig ko sa reply niya. What. the. hell! Bakit kumalabog ang puso ko sa reply niya? There is no way na mapaapekto ka, Monalisa. He is just tricking you around dahil gusto niyang madala ka sa patibong niya at matalo.

Tama. Umiling ako at ini-off ang cellphone. Ang OA talaga. Demonyo!!

Talk About Us: MonalisaWhere stories live. Discover now