Monalisa #12

2.7K 74 2
                                    

Chapter 12



"Pwede bang sa iyo nalang ako tumabi, Mon?"

 Imbes na inaantok ako, biglang nagising ang mundo ko.

"Jude? Are you kidding?"

Nasa sahig ako nakahiga. Ayaw bumitaw ni Judiel sa Daddy niya. Isa pa, hindi kami kasya sa higaan ni Jude kaya nagbulontaryo nalang akong sa baa nalang ako. Binigyan naman ako ng malaking air bed ni tita.


Nakita kong tumayo siya at pinalibutan ng unan ang anak niya. Kinuha niya ang kanyang kumot at lumapit sa sakin. Nakaawang ang bibig ko ng biglang siyang lumapit at humiga sa tabi ko. Agad niya akong niyakap at pumikit.


"Jude!" hinampas ko ang braso niya.

"I know you want me here."

"Jude, ano ba?" ulit ko.

"Mahal mo ako. Confident ako doon. At walang halong biro ang sinabi mo kanina. Mahal mo ako. Bumalik ka na sa akin, Mon. Please. Gagawin ko lahat." Sumiksik siya sa leeg ko at nakaramdam ako agad ng patak ng tubig sa lleg ko.


Napaiyak akong malaman ang patak na iyon.

"A-ayaw mo ng anak. How can you love me?" hindi ko maiwasang itanong.

"Is that it? Iyan ba pinaniwalaan mo kaya inilayo mo si Judiel sa akin ng limang taon? Ang sakit ng ginawa mo, Mon. Para mo akong pinatay. Sabay natin siyang ginawa pero mag-isa mo lang siyang inalagaan. Saan impyerno mo ba narinig na ayaw ko ng anak Mon?"


Hinayaan ko nalang ang luha ko. Alam ko namang hindi ko sila mapipigilan eh.

"Narinig kita noon. Ayaw mo ng anak. Buntis ako noon. Nasaktan ako ng sobra."

"Kaya ka nakipaghiwalay ganun? Damn it Mon! Bakit hindi mo sinabi?"

"Dahil ayaw mo ng anak." Ang sakit maalala ulit.

"Totoong ayaw ko ng anak, Mon. Totoo." I knew it. Napilitan lang siyang tanggapin si Judiel.

"Makinig ka muna. Totoong ayaw ko ng anak. Ayaw ko ng anak kung hindi din naman ikaw ang magiging ina ng anak ko. Mali ang narinig mo. Ilang beses kong hiniling noon na sana mabuntis kita o ano. Ilang beses, Mon. Pero winasak mo ang mundo ko at bigla mo nalang akong sinira."


Napalunok ako.

"You listen Mon. Ayaw ko ng anak kung hindi ikaw ang aanakan ko. Ilang beses kong sinabi iyon kina Hurry at Kipp. Tapos, iba ang narinig mo. Sorry baby. Sorry. Buntis ka. I understand. Please. Let's get back together again. 5 years is murder, Mon."


"Pero ang dami mong babae." Singit ko.

"Wala akong babae. Kailan mo ako nakitang may babae?"



"Pero pinapahirapan mo ako sa trabaho noon."

"Dahil saka mo lang ako pinapansin kapag iniinis kita." Sabi niya. "Ikaw lang kinakausap ko noon sa kompanyang iyon. May sarili na kaming kompanya, Mon. Pero pinili ko pa ding magtrabaho sa tinatrabahuan mo. Para makita ka. Mainis ka. At mapansin mo ako."


"Sino iyong kasama mo sa birthday ni boss?" lord. Lumalambot na ang puso ko.

"That was Tanya. Ang bagong pumalit sa akin. Dahil hindi ko inaasang mag-resign ka. Kaya nag resign din ako. What the use of being there anyway? Wala si Monalisa. Wala ka. Wala ang babaeng kinababaliwan ko at sinusundan."



"Jude, gusto nang maniwala sa iyo pero may pumipigil sa akin. Sorry. Jude. Pero mahal padin kita. It's just that I can't believe you right now." Walang halong biro kong sabi sa kanya. Totoo.


5 years and I just can't believe him yet. Hindi naman ata pwedeng agad kaming mag-reconcile. My issue ako. Ang hirap. Natatakot akong sumugal ulit.

"Don't worry Mon. I'll make you love me, even more. I'll make you crazy. Sa ngayon, kahit isang halik lang sa labi, okay na ako." Hindi ko na siya pinigilan.


Kailangan naming magdahan-dahan. Mahal ko padin kasi siya kahit limang taon na ang dumaan iyon ay dahil tuwing nakikita ko si Judiel, lagi ko siyang naalala. Parang hindi siya nawala sa puso ko. Pero ko siya ganoon ka mahal para paniwalaan agad. I need an assurance.



Talk About Us: MonalisaWhere stories live. Discover now