Monalisa #3

2.7K 94 6
                                    

Chapter 3



Mapapatay ko talaga ang lalaking iyon. Sampung minuto na akong naghihintay sa estasyon ng bus at wala padin kahit isang hibla ng buhok niya ang nakikita ko.

"Ate, gusto niyo fruit salad?" sulpot ng bata sa gilid.

"No. Thanks" diretso kong tugon. Pula na ang nakikita ko sa aking paligid. Ugh!

Mapapatay ko talaga ang lalaking iyon. Alam kong nanadya iyon eh. Kulang pa siya sa atensyon at naging ganito siya? Wala ba siyang ibang mapaglaruan at dinadamay niya ako ngayon? I am not really feeling well dahil ako sa tulog. His reply last night caused me insomnia. Na kahit anong pagpikit ang gawin ko, kumakalabog ang puso ko sa reply niya.

"Hey!" biglang may dumating sa harapan ko. Naka leather jacket ito, naka maong at naka boots.

Napasimangot akong maamoy ang pabango nito.

Agad nagsibanggaan ang mga ngipin ko at parang nasapian ang utak ko ng masamang elemento.

Maka-'hey'. Whoah! Gwapong-gwapo pa sa sarili. 

Tiningala ko ang mukha niya at inirapan. Alam kong gwapo siya kaya hindi ko dapat tinitingnan ang mukha niya.

Bigla niya akong inakbayan.

 "Ano ba!" hiyaw ko dito at saka umatras.

"Bakit ba ang tagal mo?" sigaw ko ulit at wala akong pakialam kung pagtitinginan man kami ng mga tao.

Mas lalong nag-uusok ang tenga nang nginitian lang niya ako.

"You got worried. May pinuntahan kasi si Kuya kaya natagalan kami." The hell I care anyway!!

Ano ba ang problema ng lalaking ito?

May nakita akong bus. Nagmamadali akong pumunta doon. Alam kong nakasunod siya sa akin kasi naaamoy ko ang pabango niya.

Bahala na siya sa buhay niya.

Deretso akong umakyat dito at nakitang puno na ang mga upuan. Walang choice. Tatayo nalang ako.

Nakita kong pumasok siya at lahat ng mga mata ngayon dito ay nakamasid sa kanya.

Sinuklay pa niya ang buhok niya gamit ang kanyang daliri at saka kinagat ang labi.

Naningkit ang mata ko sa ginagawa niya. Seriously? Is he doing some show here?

Bumaling siya sa direksyon ko at nagbangga agad ang mata namin.

Inirapan ko naman siya. I hate him. Tumalikod ako. I hate myself that I find him really attractive. How weird. Kagabi pa ito ah. 

Kumalabog ang puso ko. Pinagtitinginan ako ng mga construction works. Sobrang lapit ko sa kanila at para nila akong pinapalibutan.

Naghaharumento ang puso ko sa kaba. Freakingshit. I hate people. I crowded area. Naalala ko ang nagyari kay Louiella noong hinipuan siya sa bus na wala man lang siyang nagawa kundi umiyak nalang.

Malalim ang mga mata nila at may nakita pa akong tinitingnan ang dibdib ko.

Lumaki ang mata ko sa nasaksihan. Gusto kong magmura pero nanginginig ang tuhod ko sa takot.

Biglang may kamay na pumulupot sa beywang ko. Napapikit ako.

Mas lalong lumalakas ang kabog ng puso ko.

"Stay on my side." bulong niya sa tenga ko at naramdaman ko ang mainit niyang hininga. Medyo nawala ang takot ko nang makilala ang init ng kamay nito sa beywang ko at boses nito.

Talk About Us: MonalisaWhere stories live. Discover now