Monalisa #10

2.4K 80 1
                                    

Chapter 10



"Mon?" napahinto ako sa paghinga.

Kilalng-kilala ko ang boses na iyan.

Dahan-dahan akong lumingon at tama nga ako.

Nakatayo si Hurry, Jude at ang mga pinsan nila sa entrance ng ER.

Nanigas ang katawan ko.


"Dad-ddy?" PAANO NIYA NAKILALA AGAD? Bumaba si Judiel. Tinanggal niya ang oxygen niya at lumaki ang mata kong bigla niyang niyakap si Jude sa tuhod.


"Daddy. You're home." Napaiwas ako ng tingin.  Hindi ko kaya ito. Tumulo na naman ang luha ko.


"Why, mister young man, hindi mo dapat tinatanggal ang oxygen mo. You need to rest. Mamaya mo na lapitan si Daddy mo okay?" umiksena si Stephanie harapan namin at kinuha si Judiel at ibibalik sa hospital bed.

Nakita ko ang paglaki ng mata ni Jude at ng mga kasamahan niya.


"Daddy?" "Anak?" narinig ko sa mga kasamahan nito.


"I'm sorry Tita Stephanie. Hi daddy." Walang reaksyon ang mukha ni Jude. I know. Ayaw niya ng anak di ba?

Biglang humagulhol ng iyak si Judiel. Nabahala ako at agad siyang nilapitan.

"What's wrong anak?"

"Mommy? Ayaw ba ni Daddy sa akin? Hindi niya po ako pinapansin. Didn't he miss me?" walang hiyang Jude na iyan. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sana hindi nalang siya pumunta dito. Sana hindi nalang siya nagpakita.

Alam ko naman ayaw niya talaga sa anak eh. Sana hindi nalang siya pumunta sito. Sasaktan niya lang si Judiel.


"Hi."  Bumitaw ako sa paghawak sa kamay ng anak ko ng biglang humawak si Jude sa ulo nito.

Pula ang mata niya.


"Daddy. Are you mad?" niiyak na sabi ng anak ko.

"No."

"Hindi ka na po ba aalis?"

"I'm your dad." Narinig ko ang pait sa boses niya.


"Yes, I have a secret photo of you and Mommy under my pillow. I always pray to god for you to come home. Please don't go anymore Daddy." Tumalikod ako. Niyakap ako agad ni Stephanie at tahimik akong umiyak sa bisig niya.

He has photo of me and Jude under his pillow?


"Really?"

"Yes daddy. Hindi ka po ba aalis? Are you going to choose to be with me now daddy? Please don't choose your work. I hate your work. It makes us apart from each other. Please choose to be with me now daddy. Please. Please." Ang sakit ng puso kong marinig ang pagkabasag ng boses ng anak ko.

"Please daddy. Please. Because of your work, you never had the chance to come in my birthday and Christmas. Please daddy. Choose me and mommy."


"I'll be a good boy if that's what you want daddy. Please daddy. Im begging ypu daddy. Please."


Anak. Ayaw ng daddy mo sa iyo. Masasaktan ka lang diyan.

"I'm sorry. I'll never go anywhere without you and your mom anymore, son. I love you. And I'm sorry if I happen to choose my work over you in the past. I didn't know."

It was a lie. Ilang beses kong sinungalingan ang anak ko para hindi siya masaktan. Kasi, may parte sa buhay ko na sana matanggap niya ang anak niya kahit papaano. Kahit hindi na kami magkabalikan.



"I love you too daddy. Please. Don't leave me and us anymore. Don't work anymore. Mommy loves you too."

Talk About Us: MonalisaWhere stories live. Discover now