Monalisa #11

2.5K 78 1
                                    

Chapter 11


"Hello Judiel." Bati ng pamilya ni Jude sa anak ko. Hindi ko alam kung paano niya sinabi sa magulang niya ang tungkol kay Judiel. Bigla nalang akong tinawagan ni Tita Karen, ang Mama niya, at pinapunta kami sa bahay nila.


Alam nadin nila Mama at Papa at nakatanggap ng malutong ng suntok si Jude kay Papa ng minsang bumisita si Papa sa bahay. Mabuti nalang at naligo si Judiel sa panahong iyon. Pinigilan ko pa si Papa sa galit niya pero pinaalis niya din ako sa harapan nila. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila pero napapansin kong madalas na ang pagpunta niya sa bahay.


Hindi ko naman siya pinipigilan dahil bukambibig siya ng anak niya. Masakit padin para sa akin. Minsan naisip kong napipilitin lang ba siya na tanggapin si judiel dahil nagmakaawa ito sa kanya?


Nagmano ako kay Tita Karen at Tito France. Niyakap naman ako Tita.

"Monalisa. Na-miss ka namin anak." Nanlalambot ang puso ko.

"Anak." Niyakap din ako ni tito. Namiss ko din ang pamilyang ito.

"Kamusta ka na?" masuyong sabi ni tita.

"Okay lang po. I'm fine. Si Judiel nga po pala."

Biglang nawala si Judiel sa tabi ko at nakita kong nasa kay Jude ito nakayakap.


"Judiel! Come here." Sabi ko. Lumapit si Jude sa akin at ibinigay si Judiel kay Tito.

"Hi, iho. Ako nga pala ang Lolo mo." Masayang sabi ni Tito.

"I have 2 Lolo, mommy?" masayang tanong ng anak ko.

"Yes baby. And 2 Lola too." Sabi ko at kinurot ang ilong nito.


"Yehey. I have a big family! Very big family." Masayang sigaw nito.


"Ang saya niya. Kamukhang-kamukha niya talaga si Jude." Sambit ni tita sa gilid at napakagat labi ako.


"What's his name, Monalisa? Did you let him carry-"

"No tita." Inunahan ko na si Tita Karen.

"I let him carry my name." napayuko ako.


Alam kong walang alam sila tita sa nangyari sa amin ni Jude pero dapat din nilang malaman ang sinapit ng buhay ko.


"Lola. Daddy won't leave us anymore. Mommy will never cry herself to sleep and chants daddy's name repeatedly. Right mommy?" sinimangutan ko si Judiel. Anak naman. Huwag mo naman akong ilaglag.


"Talaga Judiel, apo?"

"Yes Lola."



"Did you see your mom with other guys?"

"JUDE!" nilakihan ko ng mata si Jude. What the!


"No daddy. I didn't. Because she loves you so much. She only wants me and you in her life. I heard her say that in one of her prayers."

ANAK!

Hindi ko alam na nakikinig pala siya sa mga dasal ko. Tulog na siya tuwing nagdadasal ako eh. Paano?


"Really?" hindi makapaniwalang sabi ni Jude.

"Yes daddy. Mommy you love daddy right? Please tell him you love him." What?

"Anak." Hindi ko iyan kaya.


"Please mommy. Daddy wants to hear it. Right daddy? And Lolo and Lola  too."

"Yes. I want to hear it." Inirapan ko si Jude. Nananadya ba siya? Fine.

"I love your daddy, baby. So much." Well. So much is just a joke. I just love him enough.

I love him? Bakit ko nasabi iyon? Of course I don't love him anymore. Like duh!


"I love you too Monalisa." Sumikip ang dibdib ko sa sinabi nito. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"I really love you." Sinungaling! Imposibleng mahal niya ako sapagkat ayaw niya na ng anak.


"Well, let's celebrate! Don't worry monalisa. Naikwento na ni Hurry sa amin ang lahat." Masayang sabi ni tita. Ang drama ni Jude.



Talk About Us: MonalisaWhere stories live. Discover now