Monalisa #5

2.3K 87 1
                                    

Chapter 5


Nanginginig ang tuhod ko habang hinihintay ang result ng interview. Nasa huling screening na ako at tatlo kaming pagpipilian for Sales Officer Qualifier. Ikatlong araw nadin ito sa pag-aaply ko sa Kompaniyang ito. I never thought sobrang laki pala ng kompanyang ito. Mas malaki pa ito kila mommy at base sa research kong nagawa last day, ito ang ikalimang pinakamaunlad na kompanya sa bansa.


May mga taong dumaan sa harapan ko at ang hindi ko makuha ay kung bakit  sila tingin ng tingin dito.

Gusto ko silang irapan pero ayaw kong ipakita ang kaartehan ko at baka magkaroon pa ako ng issue.


"Miss Esperanza?" napatayo ako agad nang tawagin ang pangalan ko.

"Please get inside." I took a deep breath.

Sumunod ako sa isang HR Staff. I walked with confidence and pride. I need to be confident. At confident akong ako ang makukuha.


"Please." Ani niya habang tinuro ang upuan sa harapan ng kanyang mesa.

"You're a single mom." Sabi niya agad ng hindi man lang ako nakahanda sa sinabi niya.

"Where is the dad?" tanong niya.


Lumunok ako. "He doesn't want my son." I said with honesty.

"Bakit mo nasabi? Tinanong mo ba?" gusto ko siyang pagtaasan ng kilay pero hindi pwede. Do they have to ask personal questions? Isn't that off limits?

"I assumed it, Ma'am." I said.

"Well, I really hate when I happen to interfere with personal questions but I have an advice. Please. Do not assume. Nag-aalala ako na what if maapektuhan ang trabaho mo sa personal mong buhay?" So ito pala?

"I am professional Ma'am. I know how to separate personal from business. And if that happens someday, I'll always be ready to protect my name and my position and part in your company if you choose me." Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya.

"Actually, you are the top qualifier among the others, darling. So congratulations." Nalaglag ang puso ko sa sinabi nito pero hindi ko mapigilang ikuyom ang palad ko sa kasiyahan. I knew it. I was really positive with that.

"Really?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Really. Now. Kick some ass and get ready. You'll start immediately."

 "Thank you. Ma'am" napatayo ako at napayakap dito. I can keep this happiness. 

**

Pinakilala ako ni Mrs. Quaro sa buong staff ng sales department. Mapupunit na ata ang labi ko sa kakangiti at kakatawa sa mga mapagbirong trabahante at kasamahan.

May mga babaeng pasimpleng iniirapan lang ako at may ibang kumakaway at yumayakap pa sa akin. I understand we cant please everyone at ito agad ang napansin ko dito.

Mas lamang ang bilang ng lalaking nakikita ko at nakasalamuha ko. Mukhang, mahihirapan ako dito ah. I am not really into more boys. They are into complication and trouble.

Siguro, I'll just going to distance myself. As I said, wala na akong planong maghanap pa ng iba.

May ilang lalaki pa akong nakasalamuha at pasimpeng humalik sa kamay ko. So usual.


Parang napagod ako sa pagpapakilala sa mga tao at napahanap nalang ako sa tubig sa loob ng bag ko. good thing I always have this.

I am so excited to tell the girls about my achievement. Siguro magpapakain ako sa kanila mamaya. And I really miss my son already. Iniwan ko siya kanina sa bahay na tulog pa at alam ko namang nasa paaralan na iyon sa mga oras na ito.


"Ma'am Esperanza. Gusto po kayong makilala ng board of directors." Nginitian ko ang lumapit sa akin at tinanguan. Sumunod ako sa kanya at humugot muna ako ng malalim na hininga habang nakatayo sa labas ng opisina ng board of directors.

The bosses right? I happened to be one of the directors sa kompanya namin with Ari. Well I'm still a BOD there, hindi nga lang ako full time. Elyxa manages so well kaya okay lang iyon.


"Come in." narinig kong sabi nang nasa loob.

Inayos ko muna ang sarili ko at dahan-dahang pumasok sa loob.

Nginitian ko sila ng malaki at inilibot ang ngiti.

"Why, hello. Hindi nga ako nagkamali. Ikaw nga naman si Monalisa. Naalala mo ba ako?" nalaglag ang panga ko nang makilala ang lalaking luampit sa akin at tumayo s harapan ko.

Halos mawalan ako ng hininga sa aking nakita.

What the hell? Ano ang ginagawa ng kuya ni Jude dito?

"Hurry Hermachuelo. Brother of Jude Hermachuelo." Gumuho ang mundo ko sa realisasyon. Why on earth did I forget that he is a Hermachuelo?


Talk About Us: MonalisaWhere stories live. Discover now