Monalisa #9

2.3K 82 1
                                    

Chapter 9




Kanina pa tawag ng tawag sila Ari, Stephanie, Alessandra at Louielle. Sunod-sunod ang tawag nila. Tinapos ko muna ang report ko.

Tumawag ulit si Louiella. Sinagot ko na ito this time.

"MY GOD! BAKIT NGAYON MO LANG SINAGOT!! PAPUNTA NA KAMING OSPITAL. NAHULOG SI JUDIEL SA PUNONG KAHOY AT NAWALAN SIYA NG MALAY. MONALISA." Tila tumigil ang mundo ko at hindi ko magawang gumalaw sa narinig.


Si Judiel. Si judiel. Napatayo ako ng wala sa oras. Lumabas akong opisina at bumangga ako sa matangkad na tao. Nakita ko ang mukha ng demonyo na nakasimangot. I have no time for him.

Umiwas ako pero nahawakan niya ang kamay ko napalingon ako dito.


"Saan ka pupunta?" matigas niyang sabi.

"Pwede ba? Bitiwan mo nga ako." Naiinis kong sabi. I need to go.


"Saan ka pupunta? I am your boss kahit hindi ako nagtatrabaho dito. You need to answer me." Nasampal ko siya ng wala sa oras.


"You are not my boss. I am working with your brother, not with you."

"Bakit ka aalis? Makikipagkita ka sa lalaki mo?" lumaki ang mata ko sa sinabi nito. Gosh! Hindi siya dapat pinapatulan eh.

Aambang tatalikod ulit ako pero marahas niyang hinawakan ang kamay ko. Napaismid ako sa sakit ng hawak niya.


"Ano ba?"

"Ano ba? Aalis ka o wala ka nang mababalikang trabaho?" umapoy ang paningin ko sa sinabi nito. Napaiyak ako sa sinabi niya. Judiel needs me more than anything. Demonyo ang ama niya at pinipigilan akong puntahan ka anak. Kung aalis man ako at wala na akong trabaho, hindi ko ito pagsisihan.

Sinampal ko siya ng isang beses pa.

"My son needs me dahil nadisgrasya siya. At kung aalis man ako dahil doon, pakisabi nalang sa kuya mo na hindi na ako babalik sa kompanya niya, boss." Agad akong tumalikod. Napahagulhol ako ng iyak sa loob ng elevator. Mabuti nalang at ako lang mag-isa. Ang sama niya. Wala talaga siyang puso. Nasaan na ang Jude na minahal ko noon?


Halos ipalipad ko ang taxi papuntang ospital. Dumiretso akong Emergency Room at nakita ko agad ang anak kong nilagyan ng oxygen. Mas lalong akong napahagulhol ng iyak..


Ramdam kong may lumapit sa akin.

"Shh. Calm down, Mon. Okay na siya ngayon." Nilingon ko ang nagsalita ang nakita ko si Stephanie. Medyo blur na ang paningin ko ngayon dahil sa luha. Niyakap niya ako.


"Nasaan sila? Anong nangyari?" naiiyak kong sabi.

"Nasa chapel ng ospital. Okay na ang anak mo sabi ng doctor. Na drain lang ang katawan niya kanina dahil sa takot. Kaya nawalan siya ng malay. Pero okay na siya." Pinahiran ko ang mukha ko.


"Pwede ko ba siyang puntahan?" sabi ko at tumango naman si Stephanie.

Pinuntahan ko agad ang anak ko at agad ko siyang niyakap. Napaiyak na naman ako.

Napakapabaya kong Ina. Kung hindi sana ako nagtrabaho, hindi sana ito mangyayari sa kanya.


"Mo-mmy?" gising siya. Tumutulo padin ang luha ko. Hinalikan ko ang noo niya at pilit iniiwasang mapahikbi.


"Sorry mommy."

"Sssshh, baby. Wala kang kasalanan. Kasalanan ito ni Mommy." What have I done to deserve this life? "Mommy will never gonna leave your side anymore baby.." napaiyak ulit ako.



Talk About Us: MonalisaWhere stories live. Discover now