Monalisa #7

2.2K 83 1
                                    

Chapter 7



Abo't langit ang pamomoblema ko sa nagawa ni Judiel. Biglang tumawag si Ari.

Nasira niya Ipad ng classmate niya at gusto ng magulang nito na palitan ito agad. As in Agaran!

"Mommy. Okay. Sinadya ko po. Nagalit po ako sa kanya kaya minartilyo ko ng malaking bato ang Ipad niya. I loathe her mommy. She is so mean. She's been quarreling my friends." Napasapo nalang ako sa aking noo habang nakikinig sa anak kong nasa kabilang linya. Bakit mo minana iyan sa akin anak?

"Monalisa, may pinagmanahan nga ang anak mo. Ano na ang plano mo ngayon?" pinapunta ko sa paaralan si Ari dahil hindi ko maiwanan ang trabaho ko. Mamaya pa ako makakaalis after lunch.


"Magkano nga ang Ipad, Ari?" napapikit ako sa sakit ng ulo.

"Well, 32K lang naman ang Ipad na iyon. Gamitin mo nalang ang credit card mo na bigay ng Papa mo. Its just a small amount for your parents anyway."

Naisip ko din iyon pero ayokong masira ang pride ko. I made a promise to my self na hindi na ako hihingi ng tulong sa magulang ko.


"Monalisa, matter over pride please."

"Salamat nalang Ari. Maghahanap nalang ako ng mauutangan dito at ihahatid ko agad ang brand new Ipad." I ended the call at hinihilot ang sintido. Judiel naman eh..


"You okay?" napaangat ang tingin ko at nasira agad ang mukha ko nang makita ang mukha ng nangsalita.

Napaupo ako ng maayos at napalunok.

"Of course." Sabi ko at tumayo.

"Saan ang Kuya mo?" tama! Kay hurry nalang ako manghihingi ng tulong.

"Bakit?" inirapan ko nalang siya at nagsimulang maglakad. Kung ayaw niyang sagutin ang tanong ko, e di huwag. Simple.


Dinaanan ko lang siya at narinig ko ang pagbugtong hininga nito.

Diretso akong pumasok ng opisina ni Hurry.

Napahinto ako sa gitna nang makitang nandito pala ang asawa nito.

"Monalisa?" sabi ni Kryss na nakangiti. "Ikaw nga. Long time no see, Monalisa. Kayo na ulit?" agad ko itong inilingan.

"Of course not, Kryss." Kilala ko si Kryss. Asawa ni Hurry. Sila na ni Hurry nang maging kami ni Jude, noon.

"May problema ka?" singit ni Hurry.


Umupo ako sa harapan nilang dalawa. Nakaupo si Kryss sa mesa at nakaharap ito kay Hurry na nakaupo. Their position is really awkward pero alam ko naman normal lang sa kanilang dalawa iyang eh kaya nilunok ko nalang ang awkwardness.


"Yes. Hurry. Pahiramin mo naman ako ng pera oh. Isasauli ko next month. Please."

Sabay na lumaki ang mata nilang dalawa.

"Magkano?" ani Hurry.

"32K."

"Bakit?"

"Basta. Promise. Isusugal ko ang buhay ko, pahiramin mo lang ako." Inalis ko na ang hiya sa aking buhay dahil alam kong walang maidadala iyon sa buhay ko.

"Sure. Kahit hindi mo na ibalik." Biro niya. "Hindi naman akin ang perang ito.

"Whatever, Sir."

"Ano ba ang gagawin mo sa 32K?" paghahabol niyang tanong. Nakatayo na ako at aambang aalis na sana sa opisina niya.


"Basta. Ang anak ko. Basta." Nagmamadali kong sabi.

Ah bahala na. Alam ko namang hindi din sila maniniwala eh.


Talk About Us: MonalisaWhere stories live. Discover now