Chapter 2

4.2K 103 3
                                    

Chapter 2

Maingat na inilagay ni Nick ang dalang bag sa upuan ng maliit na kwarto ng kanyang ina. Ayaw na niyang gisingin ito dahil maghahating-gabi na halos. Kung hindi dahil sa matagal na pag-uwi ng mga nagpa-practice na cheerdancers ay dapat kanina pa siya nakauwi. Umingit ang inuupuan niya dahil para magising ang kanyang ina.

"Oh Nick, gabing gabi na ngayon ka pa nakauwi..."

"Sorry nay. Double duty sa university, wala po ang working student na tagalinis ng gym sa gabi."

"Ah...eh papano yung klase mo sa gabi?" "Kaya nga ho matagal kasi tinatapos ko muna ang klase bago magdouble duty. At saka iilang araw lang naman po ito."

"Nicholas, wag kang masyadong pabaya sa sarili. Dala-dalawa ng trabaho mo dinagdagan mo pa. Alalahanin mong nagtatrabaho ka ring messenger sa bangko at sa post office kapag umaga. May panahon ka pa ba para sa sarili mo?"

"Sege lang 'nay, last year ko na'to sa college. Konting tiis nalang." Pupungas pungas ang inay niya at pinilit na tumayo pero pinigilan na ito ni Nick. "Ako na pong bahala sa sarili ko, matulog na po ulit kayo nay."

"Oh sya sege, may pagkain na diyan sa mesa at alam kong maliban sa pagod ay gutom ka na."

"Now i just remembered kung gaano nga ako kagutom." Tinanggal niya ang platong nakatakip sa ulam at sinimulang kumain. "Galing nyo talagang magluto nay..."

"Sus kung masarap pala akong magluto eh dapat dito ka lagi umuuwi sa akin at hindi dun sa maliit mong kwarto sa bayan ng San Agustin. Teka nga pala, nakita mo bang maraming security guards ngayon si Gobernador sa mansyon? Pinansin ka ba ng mga bagong guards?"

Ang nanay niya ay isang tagaluto sa pamilya ng mga De Plaza, ang malaking political clan sa probinsya ng Bacolod at dito mismo nakatira sa loob ng mansion ni Governor De Plaza. Umuuwi siya dito paminsan-minsan lalo na kung may maaga siyang exam sa university. Ngumunguya pa rin siya nang sagutin ang tanong ng ina.

"Ahm...si Gino at si Steve naman ang nakabantay kanina, nay. kilala naman nila ako. Pero sa likod narin ako ng mansyon dumaan dahil maraming bisita ata ngayon ang gobernador lalo't malapit na ang eleksyon."

"O nga pala hijo, alam mo bang kinausap ako kanina ni Maam Samantha, ang anak ni Gob."

Nabitin ang kutsara sa kamay ni Nick nang marinig ang pangalan ng spoiled brat na anak ng gobernador. Inalala ang ginawa ng mga ito kanina sa kanya. "Anong ginawa nya sayo, nay?"

Ang anak ng gobernador na tinutukoy ng nanay niya ay sikat sa kanilang university. At bakit hindi? Maganda, talented at higit sa lahat ay mayaman ito. Kaya kahit isang taon palang itong transferee sa kanilang university ay tinatawag na itong Queen Say ng mga estudyante. She is as popular in the university as her father in the political jungle. She also has the self-absorbed aura because of how boys followed her like madness.

"Ahmm, wala naman. Sinabi nya lang na tawagin ko na lang daw siyang Samantha o Say at hindi na mag-maam. Magiisang taon na siya dito sa San Agustin at ngayon lang yata niya ako kinausap maliban sa utos."

"Well, wag kang masyadong magpakampante, nay. " Nasa boses niya ang diskumpyado.

"Bakit anak, may ginawa ba siya sa yo?" Napaupo ito sa hinihigaan at naging mausisa sa kung anong isasagot niya.

"Pinagtawanan nila ako kanina ng mga kaibigan niya pagkatapos sinadyang batuhin ako ng bola."

"Nakita mo bang siya ang nagtapon ng bola?"

Matagal siya bago sumagot. "Hindi."

"Oh hindi naman pala." Ngumiti ito ulit at bumalik sa pagkakahiga.

The Governor's Daughter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon