Chapter 3

3.6K 84 8
                                    


Chapter 3

Walang nagawa si Say kundi i-cancel ang practice nila ng squad sa gabing iyon dahil kailangan niyang tapusin ang research paper. She went home early that night and planned to use all the books she needs from the library. Bitbit ng isa sa security nila na si Gino ang mga librong pinagpipili niya.

"Maam, ito na ho lahat ng libro nyo. May ipapadala pa ba kayong iba?"

"I got all the things i need now, Gino. Salamat. Pwede ka ng bumalik dun sa trabaho mo."

"Okay maam, tawagin nyo lang kami pag may kailangan ulit kayo."




"Bakit walang signal? Ni hindi ko na marinig ang sinabi ni Sir Enriquez...ah...hahanap ako ng signal. Saan nga ba? Ah...sa tuktok ng bubong, for sure merong signal. Teka may bintana ang kwarto ni Nanay...pwede naman sigurong doon na ako lumabas papunta sa rooftop."

Maingat na binuksan ni Nick ang bintana ng kwarto ng nanay niya para lumabas. Sa lahat ng mga katulong sa mansion, bukod tanging ang nanay niya at ang dalawa pa niyang kasamang tagapagluto ay may sari-sariling kwarto. Ang typical n Servant's Quarter ay nasa ibaba pero ang sa inay niya ay nasa third floor na ang daanan at labasan ay deretso sa ground floor malapit sa kusina.

Nang makalabas ng maayos ay pumustura siya sa isang bahagi ng bubong at doon nagsimulang kalikutin ang cellphone.



Naghihikab na tumitipa si Say sa keyboard kanyang laptop. It was almost 11 PM. Ang gatas din na kaninang tinimpla ni Aling Sabina ay kanina pa maligamgam. Naalala niyang ang gabing ito ay hindi dapat siya nagpupuyat sa research kung kanina ay maayos lang na nagpaubaya ang lalaking mahadero sa library.

"Teka, wala dito ang Medieval book ni Philosopher Peter Abelard. Ahh..kailangan kong balikan sa library. Hindi ko na lang tatawagin si Gino..."

Iilang minuto pa ay nakarating at nakuha na ni Say ang hinahanap na libro. Pero nang palabas na siya saka niya napansing mula sa malaking bintana ng library ay may nakita siyang gumalaw. Nakasuot ito ng hoodie jacket at nasa gitnang bahagi ng rooftop na kitang kita mula sa window pane.

"Ohemgee! May tao sa rooftop! And I'm sure as hell hindi siya tagarito! Kailangan kong tawagin sila Gino at Steve!" ang tinutukoy niya ay ang kanilang Security personell sa mansion. Pero naisip niyang baka bago pa niya matawag ang mga ito ay baka makaalis na ang lalaki. She suddenly made a decision.

Oh no, matatagalan pa bago ako bumaba para tawagin sila. Let me check who that is...

The rooftop where the guy is standing is between the guest room, the maid's room and the library.

Ang malaking bintana sa library ay pwersahan na binuksan ni Say. It has enough space for her to pass. From there, she sneaks into the stoney roof towards where the guy is. Matagal na siyang hindi napupunta sa rooftop. When she was young, she frequently climb out of the library's window and steps into the roof - pero nang malaman ng dad niya and her mom, they almost had a heart attack and made sure the window is completely shut. Pero ngayon ay dahil sa lalaking nasa itaas ay gusto niyang malaman kung sino mismo ang nangahas pumunta sa itaas na hindi alam ng mga security.



"Kung walang signal ay hindi makakarating kay Sir Enriquez ang text kong hindi ako makakatrabaho bukas dahil may exam ako. Baka naman kasi hindi ito sa signal kundi dahil outdated na ang cellphone ko? Oh heck sana ay magsend ka na at –

The Governor's Daughter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon