Chapter 16

3.6K 76 4
                                    

Chapter 16:

Mahihinang katok ang ginawa ni Say sa kwarto ni Nick. It was about 3 PM again. Lagi nalang late niyang nahahatid ang pagkain nito dahil kakatapos lang din niya sa inutos nito kanina.

"Eto na ang pagkain mo Nick."

There was no response from Nick.

Natutulog na naman siguro ang lalaking iyon. Ni hindi pa rin nakakabawi sa timezone ng Pilipinas at ng America.

"Nick, im getting inside na...." At nakita nga niyang nakayupyop ang ulo nito sa isang desk, mukhang natutulog. "Ayun...natutulog nga...at sa mismong study desk pa. Ni hindi man lang lumipat sa kama..."

Umangat ng konti ang ulo nito at nagsalita. "Hindi ako natutulog..."

"Oh okay. Kumain ka na. Andyan na ang lunch mo."

"What was that food?" Iniangat na nito ang ulo at tiningnan ang dala niya.

"Piniritong isda. Rice. Ketchup."

"Again?"

"Bakit? Gusto mo ba ng french food, Bœuf bourguignon? O Jambon persillé o Escargots de Bourgogne?"

Kung makapagorder para bang nagbigay ng pang grocery.

"Hindi ako kakain." Para itong bata na nagta-trantrums sa paraan ng pananalita nito.

"Fine. Ibaba ko na ito. Lalabas na ako."

"Stay there."

"Why?"

"Walang kurtina, nasisinagan ako ng araw. Cover it."

"Unfortunately, ang pinalabhan mo ang pinakabagong kurtina at ang mga luma ay sira na. "

"Then stay there and cover me from the sunrays. "

Ano? Gagawin ako nitong shade nito?


***

Nick wasnt here for more than a week pero ang feeling ni Say sa pagod niya ay sobra na. She knew what he was up to. At siguro ay hinihintay nitong umangal lang siya at ipakitang napapagod na but she promised herself last night to not let him see how tired she is and make him have his own egoistic triumph.

That night ay pinili niyang pumunta sa rooftop ulit para makpag-isip.

Hay...buti naman at wala na sigurong utos ang lalaking iyon. Makakapagpahinga na ako...makakapag-isip isip na ulit ako. And this place is the only place i can do that...dito sa rooftop...

"BAKIT KA ANDITO???"

"Ay pusang gala!" Hawak hawak ni Say ang dibdib sa takot. Nakita niyang si Nick lang pala ang dumating at mukhang dumaan ito sa bintana mula sa Master's bedroom.

"Bakit ba bigla biglang kang pumapasok sa kung saan saan at kung makapagtanong ay parang wala akong karapatang pumunta dito? I own half of the mansion still Mr Marciano, if you need some reminders..."

Nakatayo ito at nakahawak sa baluster ng bintana. "You seriously thought i forgot that? Nagtatanong ako dahil alas dos na ng madaling araw at andito ka pa sa labas, gising and the heck, in your very thin night dress."

"Pajama...tshirt, to correct you. Hindi ako makatulog. At pag gusto kong mag-isip ay dito ako pumupunta. At ikaw bakit ka andito?"

"Bakit hindi ba pwede?"

Naningkit ang mga mata niya sa sobrang pagkasuplano nito ngayon at puro pabalang na sagot-tanong lagi sa kanya.

Napaka antipatiko na talaga ng lalaking ito. Ni hindi marunong sumagot ng maayos. Bakit ba ako nainlove dito dati kung ganito kasungit at –

The Governor's Daughter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon