Chapter 5

3.3K 68 2
                                    


Chapter 5

"Oh nandito ka pala Nick, akala ko ba ay isang linggo ka munang nakaleave dahil thesis defense mo?"

"Tapos na ho kahapon Sir Darwin. At nakakahiya naman kay Walden na nagdo-double duty. Iilang research papers na lang ho naman ang tinatapos ko at pasasaan at ga-graduate na ako sa Abril."

Kasalukuyang nasa banko si Nick at nasa harap ng Bank President na si Mr Darwin Enriquez. Tatlong taon na rin siyang messenger ng bangko simula pa nung second year college siya.

"I see. Good to hear that. Teka, mukhang marami kang pasa sa mukha. Kaya ka ba nakasunglass? Anong nangyari?"

"Mahabang istorya po pero may ipinagtanggol akong babae kagabi."

"Tsk Tsk..."

"Oh sege po sir, maghahatid na ako ng mga sulat sa mga kliyente nyo ho sa bangko."

Nasa pintuan na siya nang marinig ang pahabol na salita ng president. "Next week, ang trabahong yan ay kay Walden na mismo, ha."

"Ha, bakit? Sisisantihen nyo na ba ako?"

Napatawa ito bago nagsalita, "At bakit naman kita sesesantehin? Pag-uusapan natin ang bago mong position dito sa bangko, yamang malapit ka na ring grumadweyt."

"Ho?"

"Sinabi sa akin nila Ella dito na natulungan mo sila sa bookkeeping job last time. Ayaw man nilang aminin dahil ibig sabihin nun ay hindi nila ginagawa ang sariling trabaho pero nalaman ko rin naman. Kaya, dahil iisang buwan nalang ay pagraduate ka na ay gagawin muna kitang on probation dito as one of the Junior Bank Accountant."

Naging malapad ang ngiti ni Nick nang marinig ito, halos mayayakap na niya ang boss niya sa saya. "Thank you Mr Enriquez!"

"You're so happy it looks like you're about to hug my dad..."

Bumukas ang pintuan ng opisina ni Mr Enriquez at pumasok ang anak nitong si Brooke. "Hi Nick! Buti naabutan kita...Akala ko absent ka uli ngayon, ang sabi ni dad."

"Courtesy Brooke, your courtesy."

"Oh hi dad! Sorry, my bad...I saw Nick first."

"Hi Maam Brooke. Goodmorning."

"Drop that 'maam'. Magkasing-edad lang tayo Nick. Anyways, i told daddy to let me stay here a little bit before going to Manila and then back to States, tutal August pa naman ang next semester ko sa Seattle. So...that one beach you told me last time, yung magandang beach - you can bring me there. "

"Hija, working student si Nick. Busy. May trabaho. Maliban pa sa may eskwela."

"You'll find time for me soon, right Nick?"

"Sege Maam Brooke, titingnan ko. But i will not promise. Sege ho Mr Enriquez."

"I like that boy..."

"He's too cute for just your bank messenger dad. I heard he's going to graduate Magna Cum Laude."

"He is. At nakikita ko na kung anong magiging parte niya dito sa bangko ko. Wag mo munang sirain ang konsentrasyon ni Nick, Brooke."

Ngumiti lang si Brooke bago nagsalita, "I didn't. all i just said was he's too cute. Right?"

"Five! Six! Seven...Eight!"

Sabay sabay ang galaw ng Panther's Cheering Squad. It was afternoon after Says's class. Mas maaga na silang nakapagpractice dahil kakatapos lang ng kanilang Semis exams. Dalawang araw ding hindi sila nakapagpractice.

The Governor's Daughter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon