Chapter 10 (End of Book 1)

3.3K 73 4
                                    

Chapter 10

After the incident in Drex house ay naging abala na ang lahat. Huling linggo ng lahat ng estudyante sa university at sa Friday naman ang debut niya.

Limang araw na hindi nakita ni Say si Nick. Ang sabi lang ni Nanay Sabina ay inaayos daw ni Nick ang iilang kailangan sa graduation nito at inaasikaso nito ang trabaho sa bangko dahil binigyan na pala ito ng bagong posisyon - hindi na bilang isang bank messenger lang. She wanted to see and congratulate him as he's starting to live a better life. Pero laging hindi magkatugma ang kanilang schedule, lalo na at naging busy narin siya sa huling mga bagay na kailangan sa kanyang party. Her dad wasn't able to hide the surprise anymore.

And then day of her debut came.

"Kumpadre Antonio! Look at your daughter - too lovely in her debut. Happy birthday Samantha Yvette!"

"Salamat Tito Julio", ang kanyang nasabi sa ama ni Drex na isa sa mga bisita.

"Maya maya ay darating din dito ang binata ko Kumpadre. What a nice pair they should look later."

"I can't even wait to see it."

Hindi na niya narinig ang ilan pa ng sinabi ng mga bisita ng dad niya na kaalyado sa pulitika. Nagpaalam siya sa mga ito at tiningnan ang mga bisita. It was 8 PM and everyone is here, except for one...

Where are you? Where are you Nick?

Dumating ang kanyang mga kaibigan at niyakap siya. "Happppppyyy birthday Say!"

"Hey girls, thanks for coming!"

"Palalampasin ba namin ang araw na to. This is the special night for you!"

"Ang ganda ganda ng gown mo, bagay na bagay sa yo."

"Correct, at para ka talagang Reyna ngayon. Fashion fit for a Queen!"

Naputol ang pag-uusap nila ng magsalita ang host sa entablado. Tinatawag ang kanyang pangalan para pauupuin sa royal chair sa gitna ng stage at upang magsimula na ang event.

An hour passed at nasa kalagitnaan na siya ng kanyang party. Messages were given, candles were lighted...some of her squadmates presented a dance presentation, one of popular singer in Manila was invited and sang a couple of lovesongs and serenaded her in the middle of the floor...a lot of things happened ngunit wala pa rin si Nick. Hanggang sa dumating na ang punto ng 18 roses dance.

Una siyang isinayaw ni Tommy, pagkatapos ay si Troy, ang mga kasama niyang Lifter sa Cheer squad.

Nasan ka na...Nasan ka na Nick?

Sumunod ang dalawa sa kanyang cousins at dalawang classmates na lalaki.

Nakalimutan mo na ba ang birthday ko? Ang pangako mo?




Mabibilis ang hakbang ni Nick papasok sa kusina ng mansion. Ni hindi niya maalala kung papano niya naparke ang kanyang motor sa pagmamadali. Halos mapatid din siya dahil hindi pala niya nabuhol ng maayos ang tirintas ng kanyang sapatos. Bagong sapatos na kanila lang niya nabili para sa especial na okasyon ngayon gabi. Tonight, he will ditch his old rubbershoes to fine black shoes.

Naabutan niya ang kanyang ina at ang kasama nitong tagaluto na si Aling Maring sa kusina.

"Nay! Whew! Buti nakahabol ako!" Nakangiti siya ng lumapit sa ina at nagmano.

Nagtataka namang nakatingin sa kanya ang dalawa, lalo na sa kanyang suot. "Nick! Bakit nandito ka? At humagangos?"

"At nakaporma ka pa ha, nakaslacks at puting longsleeves. Aattend ka ba sa party ni Maam Samantha Nick?"

The Governor's Daughter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon