Chapter 02: Meet the Royals ✔

273 84 25
                                    


Chapter 02: Meet the Royals

"Maligayang pagbabalik sa Atlantis pinunong Lincoln "

Ano daw ATLANTIS? PINUNO?. Nasa Atlantis kami ngayon iyon pala ang tawag sa lugar na ito. At bakit nila tinatawag na pinuno si Ama? Tapos nagbibigay pugay din kay ama ang iba pang tao na naririto. Sa tingin ko sila ang mamamayan ng Atlantis. Napakaraming tao ngayon dito at mga nakatingin sila sa amin.

"Mira Anak halika na dito " sambit ni mama sa akin doon ko lang napansin na malayo na pala sila sa akin at ako ay nakatayo lang doon. Naglakad ako ng mabilis papunta sa kanila pero nahihirapan ako dahil sa gown ko. Pagkalapit na pagkalapit ko sa kanila ay yumuko sa harapan ko yung lalaki na kausap nila papa.

"Maligayang pagdating sa Atlantis binibini " saad niya. Nahiya naman ako dahil napaka pormal ng pananalita niya kaya nginitian ko nalang siya saka bumaling kay mama dahil napakarami kong tanong na gustong masagot.

"Ma Bakit sila nag bibigay pugay kay Ama?" Tanong ko sa kanya ngumiti naman siya sa akin at saka sumagot.

"Anak ang ama mo ang pinaka mataas na Meredith sa buong Atlantis " paliwanag ni mama sa akin pero hindi ko din naman naintindihan dahil hindi ko alam kung ano ang Meredith.

"Ma, ano po yung Meredith? "Tanong ko ulit sa kanya tumingin ulit siya sa akin saka ngumiti tapos tumingin ulit sa harapan namin saka siya nagsalita

"Meredith ay mga taong naatasan na protektahan ang buong Atlantis at ang mga mamamayan nito. " muling paliwanag niya kaya napa tingin naman ako kay papa. Tumingin din siya sa akin saka ngumiti. Anong bang meron ngayon at lagi nalang silang naka ngiti.

Medyo na liwanagan naman na ako sa sinabi ni mama. Ang ibig sabihin pala niyon ay si papa pala ang pinuno ng mga kawal na nasa harapan namin ngayon. Muli akong napatingin kay papa at ngayon ay nasagot ko na kung bakit ganun nalang kagaling si papa magturo kung paano depensahan ang aking sarili pati narin ang dahilan kung bakit hinding hindi ko manlang siya matalo sa tuwing maglalaban kami kahit na magkatulong pa kami ni mama kung minsan ay wala parin kaming binatbat sa kanya. Siya pala ang pinuno ng mga merideth sa Atlantis.

"Ohh Anak anong problema? " tanong sa akin ni mama ng huminto ako sa paglalakad. Huminto din naman sila pati narin yung mga Meredith na kasabay namin. Tumingin ako kay papa saka ako nagsalita

"Kung ganun papa kung Ikaw ang pinakamataas na Meredith sa buong Atlantis dapat magbigay pugay din ako sa inyo " saad ko saka ako yumuko sa harapan ni papa. Narinig ko naman na tumawa sila papa pati narin yung mga Meredith na kasama namin.

"Ikaw talagang bata ka "saad niya saka niya ginulo yung buhok ko at nagsimula na ulit maglakad. Ilang minuto din kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa isang lugar at napakarami ditong ibat-ibang uri ng sasakyan. Hamak na masmaganda ang mga sasakyan nila kaysa sa amin at higit sa lahat nakalutang ang mga ito sa lupa. Mga isang ruler ang layo nito sa lupa at imbis na usok ang lumabas ay bula ang lumalabas dito. Nakakamagha din ang mga tanawin dito at kahit saan ka man tumingin ay makakakita ka ng kakaibang gamit na bula ang nilalabas.

Amphitrite University: The Sea PrincessWhere stories live. Discover now