Chapter 04 Danger ✔

195 66 8
                                    

Chapter 04: Danger

Mira's P. O. V.

Kagaya nga ng sinabi sa akin nila Assana at Talya ay sabay sabay nga kaming kumain lahat. Nandito kami sa isang malaking dining hall ,puno ng mga lamesa at mga estudyante pero ang sabi ni Assana ay wala pa daw lahat ang mga estudyante dito. Ang iba daw ay nasabahay bahay pa nila at baka bukas pa ang dating nila.

Kagaya nga ng sabi nila ang mga pagkain dito ay libre. Kuhain mo kung ano ang gusto mo at kainin mo kung ano ang kaya mo. Dahil suportado daw ito ng kaharian ng Atlas at sila ang nagbibigay lahat ng panganga-ilangan ng paaralan.

Kaya naman kinuha ko ang lahat ng gusto ko. Halos mapuno ang plato ko sa dami ng kinuha ko. Laking gulat pa nga nila Assana at Talya dahil daw baka hindi ko maubos ang mga pagkain na nasa plato. Pero hindi ko sila pinansin sa halip sinimulan ko ng sumabak sa matinding labanan.

Malapit ko ng makalahati ang pagkain sa plato ko ng biglang tumahimik ang buong paligid. Nawala ang malalakas na tawanan ng mga estudyante, ang malalakas na pag-uusap nila at ang pagbibiruan kundi napalitan ng katahimikan. Napapaangat ako ng ulo at nilibot ang paningin sa dining hall at lahat sila ay nakatingin sa unti unting bumubukas na pinto.

Hindi nagtagal ay iniluwa nito ang mga pamilyar na tao. Dalawang babae ang nauuna at tatlong lalaki naman ang nasa likudan. Tahimik ang lahat tinitignan ang bawat kilos nilang lima.

Tinitignan nila ito ng may paghanga at respeto. Kung pagmamasdan naman talaga ay may roong maipagmamalaki ang mga ito dahil kapwa mga kulay asul ang mata nila. Idagdag pa ang mapuputi nilang mga balat na talaga namang naka-agaw ng pansin sa lahat.

Pero hindi parin nun mababago ang tingin ko sa mga lalaking nasa likuran nila. Kagaya ng iba ay hindi ko rin inalis ang paningin ko sa kanila. Pero hindi katulad ng sa ibang naririto ang saakin ay puno ng galit.

Biglang kumulo ang dugo ko ng makita ang lalaking nakabangga ko kanina. Dumeretso sila ng mga kasama niya sa pinakagitnang bahagi ng dining hall kung saan naroon ang isang lamesa na may kakaibang desenyo. Bukod tangi ang pagkaka-ayos nito at limang upuan lang ang nakalagay doon hindi katulad ng sa amin na aabot sa anim hanggang pitong upuan ang nakalagay. May kalakihan din ang lamesa sa kanilang harapan at para bang para lang talaga iyon sa kanila.

Hindi maalis ang tingin ko sa kanila hanggang sa makaupo na sila. Nakaharap sa akin ang upuan ng lalaking sinuntok ko kanina sa panga at nagtama ang aming mga paningin. Walang makikitang emosyon sa kulay asul niyang mata. Blangko lamang ang pagkakatingin niya sa akin na para bang wala siyang pakialam sa akin.

May kung ano sa akin na nagtutulak na magbawi na sa aming pagtitigan pero hindi ko parin ginawa. Marahil kung iba iba ay masisindak niya sa paraan niya ng kanyang pagkakatitig pero, ako? Hindi!

Ayoko ng minamaliit ako. Ayoko ng inaapi ako. Ayoko ng sinisindak ako.

Marahil iyan ang dahilan kung bakit iniwasan din ako sa school ko dati. Marami ang takot sa akin dahil palagi akong napapa-away sa amin. Mapa babae man o lalaki.

At dito. Hindi ko hahayang apihin lang nila ako.

"Mira ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Assana. Kaya napunta sa kanya ang paningin ko. Hindi ko alam na kanina ko pala nilalaro ang pagkain at hindi ko na ito kinakain. Nawalan na ako ng gana kahit pa gaano pa kasarap ang pagkain na nasa harapan ko.

Mukha na itong pagkain ng aso dahil lamog na lamog na ito. Ang ilan dIn naman ay nalaglag nasa plato kaya nasa lamesa na ito pero hinayaan ko lang. Hindi ko sinagot si Assana sa halip ay muli ko lang tinignan ang kawawang pagkain na nasa harapan ko.

Amphitrite University: The Sea PrincessWhere stories live. Discover now