Chapter 19 Niel Hurley ✔

95 26 7
                                    

This chapter is dedicated to WonderingBunny13 tank you sa support and sorry for the late update.

Longest Chapter ever wIth a total count of 6,200+. Enjoy!

Chapter 19: Ex-bestfriend

Mira's P.O.V.

Tila binuhusan ako ng malamig ng tubig dahil sa aking pakiramdam. Nagpapawis din ang aking noo at ramdam ko rin ang nanglalamig kong mga kamay marahil ay dala na rin ng sobrang kaba.

Idagdag pa ang mga tingin nilang lima sa akin. Parang gusto ko nalang na sabihing masama ang pakiramdam ko para hindi na nila ito ituloy pero alam ko naman na hindi rin sila maniniwala.

Tila may kakaiba akong pakiramdam na nagsasabing wag na akong tumuloy. Parang may bumubulong sa akin na umatras na ako dahil may hindi magandang mangyayari.

Pumikit ako at saka nagpakawala ng isang buntong hininga.

Hindi ito ang oras para ipakita sa kanila na mahina ako.

Pagmulat ko ng aking mata ay nagtama ang mata namin ni sardinas. Hindi ko na iyon pinansin at tumayo nalang ako. Naglakad ako papalayo sa kanila at tinahak ang daan na sa tingin ko ay masmakakabuti.

Hindi ako pumasok sa pintuan na salamin kung saan sila pumasok kanina sa halip ay dumeretso ako sa harap ng pader kung saan kami pumasok ng leader nila.

Kahit hindi ko sila tignan ay ramdam ko ang mga tingin nila sa akin. Alam kong nagtataka silang lahat sa aking ginagawa pero pinagsawalang bahala ko nalang iyon. Rinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Viviane pero hindi ko iyon pinansin.

Kagaya nga ng inaasahan ko ay kusang bumukas ang pader sa aking harapan. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad ng lumabas ng kwarto.

"Evian"

Pagtawag ko sa kanya gamit ang aking isipan. Kung may isang Atlantians man ang makakatulong sa akin ngayon ay walang iba kundi siya.

Alam kong malaking tulong siya sa akin kung may mangyari mang masama at sa tingin ko ay ito na rin ang tamang panahon para pag-aaralan ko pa ang ibang kakayahan ni Evian. Dahil sa totoo lang ay wala akong kaalam alam sa kung ano ang kaya niyang gawin.

Lumipas ang ilang segundo at nakita ko si Evian sa may pintuan habang nakatingin sa akin. Naka anyo siyang tao dahil hindi naman siya pwedeng pumunta dito ng nakaanyong Nixie dahil alam kong pagkakaguluhan siya ng mga estudyante.

Kagaya ng dati ay hindi parin nawawala ang ngiti sa kanyang labi.

Hindi ko naman na kailangan na magpaliwanag pa sa kanya dahil alam ko na alam na niya ang dahilan kung bakit siya nandito. Konektado kami kaya alam niya ang nangyayari sa akin.

Alam kong magiging makasarali ang desisyon kong ito dahil sa ganitong kondisyon ay siya lang lagi ang nasasaktan. Hindi ko naman nararamdaman ang nararamdaman niya pero nararamdaman naman niya ang sa akin.

Pero ito lang ang nag-iisang paraan. Alam kong may hindi magandang mangyayari mamaya dahil nararamdaman ko iyon.
Pero ang pakiramdam na ito ay alam kong hindi na bago sa akin. Tila ba ay naramdaman ko na ito dati pero hindi ko lang matandaan. Ang alam ko lang ay hindi maganda ang kakahantungan nito.

Hindi pa ako pwedeng mapahamak sa ngayon. Hindi ko pa nakukuha ang mga impormasyon na gusto ko. Wala pa akong nalalaman at alam kong siya lang ang makakapagsabi sa akin ng katotohanan.

Bumuntong hininga muna ako para mawala lahat ng iniisip ko. Baka pati si Evian ay lalong mapahamak dahil sa akin. Ang kailangan lang namin ngayon ay protektahan ang isa't isa.

Amphitrite University: The Sea PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon