Chapter 15 Babala ✔

98 33 2
                                    

Pambawi po sa short Ud noong nakaraan. Vote and comment po.

★★★★★★★★

Chapter 15 : Babala

KAYLANI ADVA CARI

Pagkabukas na pagkabukas ni Clifford ng pinto ay mabilis akong pumasok. Mabilis kong siniyasat ang bawat sulok ng kuwartong ito pero bigo akong malaman kung nasan siya. Wala akong nakitang bakas ni Mira sa loob na siyang naging dahilan ng muling pagkabog ng aking dibdib. Palakas ito ng palakas sa bawat segundong hindi ko nasisigurado na ligtas si Mira.

Napakalakas ng tibok ng puso ko na halos ito nalang ang marinig ko. Kahit ang bawat pag-apak ko sa sementadong lupa dito ay hindi ko na marinig. Maslalo pa akong natuliro ng sinabayan pa ng malakas na ihip ng hangin ang kapaligiran. Tila ba nababaliw na ako dahil kung ano anong bagay ang pumapasok sa isip ko.

"AHHHHHHHHHHH!!!" tila isa naman akong lantang halaman na nadiligan at muling nabuhay ng marinig kong muli ang malakas na sigaw ni Mira galing sa kung saan.

Mabilis akong pumunta sa lugar kung saan ko muling narinig ang sigaw ni Mira. Hindi na ako nagdalawang isip na sipain ang pintuan ng Cr ng kuwarto niya. Mabilis naman itong bumukas at doon ko nakita si Mira na nakaupo sa semento habang hawak hawak ang kanyang mga mata.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at mabilis ko siyang dinaluhan ng tulong. Agad ko siyang pinuntahan sa kasulok-sulukan ng cr na ito at ng makalapit ako sa kanya ay doon ko lang napansin na nanginginig siya dahil sa takot. Kapansin pansin din ang mga masasaganang dugo na dumadaloy sa kanan niyang braso.

"Mira ayos kalang ba? Anong nangyari sayo?" agad na tanong ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot at tanging ang hikbi niya lang ang naririnig ko. Hindi naman nagtagal ay dumating narin si Clifford ay agad na ginamot ang sugat ni Mira.

Napakunot naman ang aking noo sa aking nakita ng tanggalin ni Mira ang pagkakahawak niya sa kanyang mga mata. Magkaiba ang kulay ng mga mata niya. Kulay lupa ang isa at ang isa naman ay kulay asul.

Oo, hindi na sa akin bago ang pagbabago ng mata ng isang Atlantians dahil lahat ng Atlantians ay nagbabago ang kulay ng mata. Lahat ng Atlantians ay magbabago ang kulay ng mata at magiging kulay asul ito pero, magbabago lamang ito kapag nagawa mo ng matuklasan ang buong kapangyarihan mo.

Kami, kaming mga Omega ay kulay asul na ang mata pero iba ang naging lagay ni Mira dahil isang mata lang niya ang nagbago. Sa lagay ng isang Atlantians magbabago ang kulay ng mata nito kapag natuklasan na nito ang buo niyang kapangyarihan at sa lagay naman ni Mira ay isa lamang mata ang nagbago sa kanya ang ibig bang sabihin nito ay

Kalahati palang ang natutuklasan ni Mira sa kapangyarihan niya.

Ibig bang sabihin nito ay kalahati palang ang nakikita naming kapangyarihan mula kay Mira. Kung ganun ay sadyang napaka misteryoso mo Mira.

Sino kaba talaga?

Kaya imbis na mag-isip pa tungkol kay Mira ay tumayo na ako at maiging pinag masdan ang paligid. Napansin ko rin nakabukas ang gripo dito marahil ay si Mira ang may gawa niyon. Subalit ang pinagtataka ko naman ay basag na bintana. Agad ko itong nilapitan at pinagmasdan. Nakakalat ang mga bubug sa sahig at kung pagmamasdan ng maigi ay mahahalata kaagad na sa labas nagmula ang pag-atake.

Nilibot ko namang muli ang aking paningin sa kabuuan ng cr na ito para maghanap ng bagay na maaring magturo sa kung sino man ang lapastangan na may gawa nito. Hindi naman ako nagkamali dahil may nakita ako sa kabilang sulok na isang palaso. Hindi lang ito isang simpleng palaso dahil kulay itim ito.

Amphitrite University: The Sea PrincessWhere stories live. Discover now