Chapter 13 Omicron ✔

93 46 15
                                    

Chapter 13: Omicron

KAILANI (KAYLANI) ADVA CARI

"LUPE!" malakas na sigaw ko habang tumatakbo papunta kay Mira. Kagaya ng dati ay bigla nalang lumabas sa tabi ko si Guadalupe. Si lupe ay isang uri ng lobo na nakakapaglabas ng lason gamit lamang ang kanyang bibig, mga mahahabang kuko at pati narin ang parang buto na nakausli sa bandang likuran niya. Doon din nanggagaling ang kanyang lakas at doon din nakabase ang lason na kanyang inilalabas. Iyon ay parang matutulis na buto na nakalabas sa likudan nito ang pinagkaiba lamang nito ay kulay green ito at nagliliwanag.

"Lupe puntahan mo si Mira kailangan niya ang tulong mo" pagka-usap ko kay Lupe gamit ang aking isipan. Mabilis naman siyang tumakbo papunta kay Mira at sa di kalayuan naman ay nakikita ko narin si Kai na tumatakbo papunta na rin ito kay Mira.

Hindi ko talaga alam kung bakit napasama sa amin Mira  dahil kung ako ang tatanungin ay hindi siya sapat para mapasama sa amin. Napag-usapan na namin ito noong pagkatapos ng naging laban namin sa kanya noong AdvaMetric. Kahit medyo intrisado ako sa kanya ay hindi parin iyon sa sapat para matumbasan niya ang lakas namin.

Aaminin kong isa si Mira sa mga malalakas na estudyante na nakalaban namin pero hindi parin iyon sapat kaya napagkasunduan din namin na hindi siya ibilang sa amin pero laking gulat naming lahat ng bigla nalang sinabi ni Caspian na isama namin siya sa misyong ito para bigyan pa ng isang pagkakataon.

Idagdag pa ang katotohanan na hindi niya pa kayang kontrolin ang kakayahan niya katulad nalang noong nangyari noong huling laban namin. Iyon din isa sa naging dahilan kung bakit hindi namin siya kinuha.

Kaya lahat kamiy nagtataka noong mga oras na iyon pero wala kaming nagawa dahil kapag sinabi niya ay iyon na ang masusunod. Kaya ngayon ay napasama siya sa amin.

"Kailani ilag" sigaw sa akin ni Clifford pero huli na dahil naramdaman ko nalang ang sarili ko na bumagsak sa lupa. Kainis!. Agad akong tumayo at muling tumakbo, hindi ko na ininda ang sakit na aking katawan dahil wala ng oras pa. Muntikan ko ng makalimutan na nasa ganitong sitwasyon pala kami dahil sa lalim ng aking iniisip.

"Kailani ayos ka lang ba? " tanong sa akin ni Clifford. Tinanguan ko lang siya at saka muling itinuon ang aking atensyon sa dalawang miyembro ng Omicron na humahabol sa amin. Nakakainis lang dahil hindi namin inakala na sila pala ang may kagagawan ng lahat ng ito at hindi na rin ako magtataka kung bakit malinis ang lahat ng trabaho nila.

Ang Omicron ay katulad din namin na grupo mula sa University. Pero ang alam ko ay matagal na silang nawala dahil narin sa nangyaring giyera noon. Ang alam ko ay naubos na sila ng mga Great Seven pero hindi ko inakala na may muling magtatag ng grupong ito. Ang nakakainis lang ay talagang malalakas sila at may mga gamit din sila na malaki ang naiitulong sa kanila. Ang Omicron din ay bunubuo labing tatlong miyembro samantalang magagawa nilang sirain ang buong Atlantis kahit na sa maliit na oras lamang. Iyon ay sa kadahilanang hindi ordinaryong Adva ang nasakanila. Kung di ang tinatawag na Adva Adrie.

Ang Adva Adrie ay ang kapangyarihang tinataglay ng mga Atlantians ng napupuno ng puot. Ang isang Atlantian na puno ng problema, pighati, lungkot, kasamaan, kasakiman o ano mang hangarin na makasakit ng kapwa ay kusang mababago ang kapangyarihang taglay. Kahit na anong antas pa ng Adva mo kung isa kang masamang Atlantians ay magbabago ito at ito ay magiging Adva Adrie.

Amphitrite University: The Sea PrincessWhere stories live. Discover now