Chapter 14 Strange ✔

101 42 8
                                    

Dedicated to Koookie08
Salamat sa support!!

Chapter 14Strange

KAILANI (KAYLANI) ADVA CARI

Isang linggo. Isang linggo na ang nakakalipas simula ng may mangyari sa aming gulo. Isang linggo na ang nakakalipas simula na makalaban namin ang mga Omicron. Pero hanggang ngayon hindi parin nagigising si Mira. Marami na kaming ginawa para magising siya subalit na bigo kami.

Sa aming anim ay siya ang may pinaka malalang natamong sugat. May mga naitala ding mga bali ng buto sa ibat ibang parte ng katawan niya. Pero ang pinagtataka namin ay kung bakit hindi ito magamot kahit na ng pinaka magagaling na Glan dito sa amin. Sa halip na gumaling ito ay maslalo lang lumalala ang mga natamo niyang sugat.

Kahit na si Clifford na pinaka magaling na manggagamot dito ay wala ding nagawa. Maslalo lang nilang pinapalala ang sitwasyon kaya naman pinatigil na sila ni Caspian. Kahit ayaw namin ay napilitan kaming hayaan siya sa ganoong sitwasyon pero laking gulat namin na kusa lahat itong gumaling. Nawala ang lahat ng sugat niya, ang mga bali niya sa katawan. Lahat, lahat iyon ay nawala ng parang bula. Hindi mo kakakitan siya kahit ng kaunting bakas ng mga sugat.

Lahat kami ay nagtaka dahil mga Glan lang ang kayang magpagaling ng sarili nilang sugat pero nagawa ito ni Mira. Hindi lang isang beses kundi dalawa na. Kundi ako nagkakamali ay ganito rin ang nangyari sa kanya noon. Noong sinubukan naming lahat ang kaya niyang gawin noong AdvaMetric nagkaroon siya ng malulubhang sugat subalit siya lang mismo ang nakapag pagaling ng lahat ng iyon.

At isa pa sa mga pinagtataka ko ay ang ginawa niya noong bago siya mawalan ng malay. Kahit alam kong nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga natamo ko pang sugat noon ay tila ba luminaw ang aking paningin ng makita ko ang kanyang ginawa sa mga miyembro ng Omicron.

★★★ Flashback★★★

Ramdam ko ang pagtama ng katawan ko sa lupa ng malakas akong ibinalibag ng lalaking kalaban ko. Kappa, iyon ang nalakagay sa kanyang kaliwang dibdib at nakaburda ito gamit ang kulay pulang sinulid.

Napahawak ako sa aking leeg dahil sa kawalan ng hangin. Sobrang lakas ng pagkakasakal niya sa akin at buti nalang ay hindi niya ako tinuluyan.

Napakuyom ako sa aking kamao dahil sa matinding galit. Kung pwede lang sanang labanan sila ng buong lakas ay kanina ko pa ginawa pero ayokong masura ang mga plano ni Caspian. Alam kong may binabalak siya at suportado ko siya doon dahil alam kong malaking tulong iyon sa amin laban sa mga miyembro ng Omicron.

Ang Omicron ay binubuo ng labing tatlong  miyembro at kung ikukumpara kami sa kanila ay doble ang bilang nila kaysa sa amin. Pero kung ang pag-uusapan ay ang kakayahang taglay ay kaya namin silang tapatan sadyang hindi lang ito ang tamang panahon.

Nabalik lang ako sa reyalidad ng maramdaman ko malalakas na sipa sa akin ni Kappa. Sobrang lakas nito na halos mapasuka na ako ng dugo. Pinilit kong tumayo pero nabigo ako. Kaya wala akong nagawa hanggang sa tigilan na niya ako at naglakad na siya papalayo.

Napatingin ako sa kakambal ko dahil sa nangyayari. Alam kong nahihirapan na rin siya dahil nararamdaman ko iyon. Nararamdaman ko ang lahat ng iniinda niya alam kong tinitiis niya lang ang sakit kahit na gustong gusto na niyang lumaban.

Mabibigat ang bawat paghinga ko dahil sa nangyari sa akin pero pinilit ko paring tignan ang nangyayari sa aking paligid. Nakita ko ang limang miyembro ng Omicron kalaban namin.

Dalawa ang kalaban ni Caspian at ang isa naman ay walang habas parin na sinasaktan si Viviane. Ang dalawa pang natitira ay kapwa nakatingin sa malayo. Sinundan ko ng tingin ang tinitignan nila at laking gulat ko sa aking nakikita.

Amphitrite University: The Sea PrincessWhere stories live. Discover now