Chapter 25 - Ang prinsesa ng Atlas

36 7 0
                                    

Chapter 25 — Ang prinsesa ng Atlas

MIRA NOELANI ADVA LANA

Tinalikuran ko Omega at saka ako humarap ngayon sa Omicron. Naglakad ako papunta sa kanila habang hindi nagpapakita ng kahit na anong emosyon.

Walang na ring nagtangkang magsalita sa kahit na sino sa dalawang grupo. Kahit na ang paghinga nila ay tila pinipigilan nila dahil sobrang tahimik ng paligid. Naglakad lang ako papalapit ng papalapit sa Omicron pero ramdam ko ang pagiging alerto nilang lahat.

Sa ngayon, hindi ang Omicron ang nakikita kong kalaban. Nakakaramdam din ako ng galit sa kanila pero sa ngayon ay maslamang ang nararamdaman kong galit sa lider ng Omega.

Pero hindi ko rin maiwasang magalit sa sarili ko dahil pinagkatiwalan ko sila. Hindi ko sana mararamdaman kung ano ang nararamdaman ko ngayon kung hindi ko sila pinagkatiwalaan. Hindi ko maiwasang maikuyom ang aking mga kamao dahil sa matinding galit.

Dahil rin sa sitwasyon ko ngayon ay hindi ko na ininda ang kaninang kagat sa binti ko ng asong lobo. Alam ko na gumaling na ang sugat doon pero hindi ako sigurado kung pati ang lason ay nawala na rin. Hindi ko na rin ramdam ang pagod sa katawan ko dahil tila may kakaibang enerhiyang dumadaloy doon.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad papalapit sa grupo ng Omicron at saka ako huminto ng dalawang hakbang nalang ang layo ko sa kanila. Sampo sila ngayon pero ilan palang ang nakaharap ko na sa kanila at kahit na hindi ko sabihin ay alam ko na masmalakas pa sila sa akin, pero hindi ko hahayang mapatay nalang nila ako.

Unti–unti ay sumilay ang isang ngiti sa aking mga labi habang iniisa silang tignan. Sa ngayon ay iisa lang ang tinuturing naming kalaban kaya tumalikod ako sa kanila at muling humarap sa grupo ng Omega.

Ipinakita ko sa kanila ang ngiti sa aking mga labi na hinding hindi nila magugustuhan. Habang pinagmamasdan silang lahat ay alam ko na lamang sila sa bilang. Doble ang dami nila kumpara sa Omicron pero hindi iyon sapat para takutin ang mga nasa likudan ko.

Hininto ko ang aking paningin sa lalaking nasa gitna nila. Ang lider ng Omega na ngayon ay nakatingin din sa akin habang walang makikitamg emosyon. Nakakatawang isipin na kahit sa maiksing panahon ay inisip ko na siya ang kababata ko pero habang pinagmamasdan ko siya ngayon isa lang ang gusto kong gawin sa kanya at hindi na ako makapaghintay na gawin iyon.

Isang hakbang, dalawang hakbang, hindi ko na mabilang at natagpuan ko nalang ang sarili na mabilis tumatakbo at sunod sunod na nagpakawala ng atake sa lider ng Omega.

Mabilis ang bawat pag-atake ko pero mabilis din niya iyong nasasalag kaya maslalong tumindi ang galit ko. Gusto kong masuntok siya kahit na isang beses lang pero hindi ko magawa.

Nagkagulo na rin ang lahat dahil sa ginawa kong pag-atake sa lider ng Omega. Nagsimula ng maglaban ang dalawang grupo pero hindi ko na sila pinansin dahil nasa harapan ko lang ang atensyon ko.

Muli akong nagpakawala ng suntok sa kanya pero katulad kanina ay naiilagan niya lang iyon o kaya naman nasasangga. Sinipa ko siya sa tagiliran niya pero mabilis niyang nahawakan ang mga paa ko, agad ko rin namang binawi 'yon at saka sinubukan siyang patirin pero mabilis siyang nakatalon para iwasan iyon.

Sinubukan ko ulit siyang sipain sa kabilang tagiliran niya pero muli niyang nahawakan ang paa at saka ako hinila papalapit sa kanya.

Tumama ang katawan ko sa katawan niya at naramdaman ko na may kinakalaban siya sa likuran ko. Kinuha ko naman ang pagkakataon na iyon para suntukin ang tagiliran niya na siya namang ikinaatras niya.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na ulit siyang sinugod. Nagpakawala ako ng sunod sunod na suntok sa kanya pero nagagawa niya lang iyong salagin. Napatingin naman ako ng may biglang tumabi sa'kin at saka nagsimula ring atakihin ang lider ng Omega.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Amphitrite University: The Sea PrincessWhere stories live. Discover now